Chapter 6

2108 Words
HINDI alam ni Nine na dumating na pala ang mga in-order nito dahil si Dylan ang kumuha ng mga ito. Hindi din naman niya pinaalam sa dalaga na dumating na ang mga ito dahil may gagawin siya sa mga ito. Pinadalaw niya ang dalaga sa ina niya at syempre kakuntyaba niya ang ina sa gagawin niyang surprise para dito. Nagpatulong na din siya sa mga kaibigan niya para madali niyang matapos ang pag-decorate ng nursery room para sa anak nila. Ilang linggo na lang ay manganganak na si Nine at excited na siyang makita ang anak nila. “Sure ka na ba talaga dito, Dylan? As in sure na sure na?" Umikot ang mga mata niya dahil hindi niya alam kung ilang beses na ‘yong tinanong ni Wyatt sa kanya ngayong araw habang nag-aayos sila ng nursery room. “Baka naman ginayuma ka lang ng babaeng ‘yon.” Sinamaan niya ito nang tingin. “O baka naman ay masyado ka lang na-pressure sa mommy mo na magkapamilya kaya naman inako mo na ang bata.” “You should stop that, Wyatt,” saway ni Aiden dito. “Yeah, dapat nga ay maging masaya na lang tayo para sa kaibigan natin, eh,” sabi naman ni Zaver na inaayos ang mga stuff toy. “Kaya ko nga ginagawa ito para maging masaya siya pero syempre pinapayuhan ko din siya dahil baka balang-araw ay magsisi siya sa naging desisyon niya. Ayaw ko lang na ginagamit ang kaibigan ko dahil kahit gago ako ay ayaw kong nasasaktan kayo.” Natigilan silang sa sinabi nito. Napangiti naman siya dahil kahit hindi sabihin ng binata na ‘yon ang dahilan nang ginagawa nito ay nararamdaman naman nila dahil kahit sila ay ‘yon din ang ginagawa. Lahat sila gagawin ang lahat para sa kaibigan. Tinapik niya ang balikat nito. “I understand what you are doing, Wyatt, but trust me when I tell that I am happy for what I’m doing right now. Masaya ako na kasama ko si Nine at ang magiging anak namin.” Napabuntong-hininga siya. “Noong una ay gusto ko lang talaga siyang tulungan pero nang makilala ko siya ay paunti-unti ay natutunan ko na din siyang mahalin. Nine was such a wonderful person kung kikilalanin mo lang siyang mabuti.” “Mahal ka ba niya? Kasi kung hindi balewala ang nararamdaman mo sa kanya at masasaktan ka lang.” Ngumiti siya dito. “Nararamdaman ko, mahal na din niya ako and she told me that.” Wyatt sneered. “Naniwala ka naman?” Bahagya na lang siyang natawa sa mukha nito. “I trust her the way I trust you, all of you my friends.” Tiningnan niya ang tatlo saka muling tumingin kay Wyatt. “So, please, kahit ayaw mo kay Nine, can you at least try to like her? Nararamdaman niya kasing ayaw mo sa kanya at ayaw ko na balang-araw ay mamili ako sa kaibigan at magiging asawa ko.” Napatitig ito sa mga mata niya at tinitigan niya din ito. Napabuntong-hininga ito nang makita na seryoso siya. “Fine, pero hindi madali ito sa akin kaya it will take time.” “It’s okay.” Tinapik niya ang balikat nito. “At least you are trying for me. Thank you, Wyatt. Hindi mo lang alam kung gaano kahalaga sa akin na matanggap mo, ninyo...” tumingin din siya sa kay Aiden at Zaver. “na tanggapin ang babaeng gusto ko.” Lumapit si Aiden dito at tinapik ang balikat niya. “As long as you are happy, Dude, masaya na din kami para sa ‘yo.” Si Zaver naman ang lumapit sa kanila. Pumagitna ito sa kanila ni Wyatt at hindi lang ang balikat niya ang tinapik nito kung hindi kay Wyatt din. “Yeah, because that was friends are suppose to do, support each other. We will always support you like you always do when you’re supporting us.” “Ano? Mag-iiyakan na ba tayo dito?” Natawa na lang sila sa naging biro ni Wyatt. Pero kahit biro ang sinasabi nito ay nakikita niya na malapit na itong maiyak. Napailing na lang siya sa kaibigang ito. “OKAY, careful with your steps,” sabi ni Dylan habang inaalalayan si Nine papaakyat ng hagdan. Natawa naman ang dalaga. “Ano ba kasing meron at may pa-blindfold ka pangnalalaman?” “Well, it’s a surprise that I made only just for you.” Nakaramdam naman ito ng excitement at kilig dahil sa sinabi nito. “Dahan-dahan. Lift your right foot then the left side,” sabi niya habang nakahawak sa kamay nito para alalayan ito habang nakatingin sa pag-akyat ni Nine. “Napagod ka ba sa kakaakyat?” tanong niya nang makarating na sila sa second floor. “I’m okay. Nawawala ang pagod ko dahil sa ‘yo.” Nakangiti itong tumingin sa kanya kahit pa hindi naman siya nito nakikita dahil may nakaharang sa mga mata nito. “Sabi ko naman kasi sa ‘yo, eh. Bubuhatin na lang kita paakyat.” Napaaray siya nang mahina siya nitong hampasin. Dahil sa hindi siya nito nakikita ay hindi nito alam na natamaan siya nito sa bandang dibdib niya. “Baliw ka. Mabigat kaya ako.” “Sinong mabigat?” Napasigaw ito nang bigla niya itong buhatin. “The heck, Dylan. Ibaba mo nga ako. Baka mahulog ako.” “I won’t let you fall, Babe.” Natigilan ito at hindi na din umalma. Humawak na lang ito sa batok niya kaya nagsimula na siyang maglakad papunta sa nursery room. “Mabigat ako, Dylan. You can’t lie to me dahil alam ko dahil malaki na ang tiyan ko and I ate a lot lately.” Hinalikan niya ito sa pisngi. “Don’t worry, kahit mabigat ka pa ay kaya kitang buhatin because I love you.” Napangiti ito sa sinabi niya. “You are so sweet. You are the sweetest person that I ever met. I love you, too, Babe.” Napangiti na lang siya sa narinig. Dahan-dahan niya itong binaba nang makarating na sila sa harap ng nursery room. Binuksan niya ito ang pinto pero hindi pa ang ilaw kaya madilim pa sa loob ng kwarto. Tinanggal na din niya ang takip sa mga mata nito. “Anong ginagawa natin dito?” tanong nito habang nagtataka na nakatingin sa madilim na kwarto. Binuksan niya ang ilaw. “Surprise!” Napatakip naman si Nine sa bibig nito at napaiyak sa nakita. “Hey, hey, why are you crying?” Pinunasan niya ang luha nito. “Ginawa ko nga ito para mapasaya ka tapos iiyak ka lang pala.” Ngumiti ito sa kanya habang patuloy pa din ang pagtulo ng luha nito. “I am happy, Dylan. Sa sobrang saya ko ay napapaiyak na ako. It was a tears of joy.” Napatingin ito sa paligid. “Ang ganda.” Lumapit ito sa crib na pinili niya sa online shop. “Kailan mo ito ginawa at bakit hindi ko alam na dumating na pala ang mga orders ko?” “Kanina ko lang ito ginawa. Tinulungan ako ng mga kaibigan ko and si mommy para ilayo ka na muna dito.” Natatawa itong tumingin sa kanya habang naglilibot sa kwarto. “At kahapon lang dumating ang mga ito. Hindi ko sinabi sa ‘yo dahil gusto kita isurprisa.” Naiiling na lang ito habang nakangiti. “Kaya pala hindi ko mahanap ang tablet ko kinuha mo pala para hindi ko malaman na ngayon ang dating ng mga ito.” “So, surprise?” Napatingin ito sa kanya saka lumapit at hinalikan siya sa labi. “Thank you, Dylan. I love it. All the things that you do for me, all of that, I love it and I love you.” “And I love you, too.” Muli niyang hinalikan ang labi nito. “Wait, there’s more...” NAPATINGIN si Nine sa buong kwarto nang umalis ang binata. Lumapit siya sa crib na ilang linggo na lang ay may isang anghel na ang gagamit doon. Napangiti siya nang makita ang pink na kumot na napili niya para sa anak. Napatingin siya sa paligid. Hindi niya inaasahan na gagawin ito lahat ni Dylan para sa kanya. Hinaplos niya ang tiyan. “Hindi ka man maswerte sa tunay mong ama, Baby, maswerte ka naman sa Daddy Dylan mo. I’m sure lalaki kang mabait katulad niya at alam kong mamahalin ka niya na parang tunay niyang anak.” Napangiti siya nang malungkot. “Kung sana nga siya na lang ang ama mo. Kung sana siya na lang kaagad ang minahal ko instead of your father. Kung sana una ko siyang nakilala ay masaya sana ako sa kanya at hindi ako nasaktan sa ama mo.” Napangiti siya habang hinahaplos ang tiyan. “Pero masaya na ako ngayon sa Daddy Dylan mo dahil alam kong mamahalin niya tayong dalawa, lalo ka na.” Mas lalo siyang napangiti nang gumalaw ito sa loob ng tiyan niya. Mabilis niyang pinunasan ang luha nang marinig niya ang yapak ni Dylan na papasok na ng kwarto. Hindi niya talaga maiwasan na mapadrama sa tuwing naiisip niya ang pagkakamali na inibig niya ang dating nobyo pero ni minsan ay hindi niya naisip na pagkakamali ang bata na nasa sinapupunan niya. Dahil sa pagbubuntis niya ay nakasama niya si Dylan at naging masaya kasama ito. Napalingon siya sa may pinto at nakita ito na may dalang cake. Natawa naman siya. “Para saan ‘yang cake? Wala namang may birthday sa atin.” “Well, a celebration for us.” Kumunot ang noo niya. “For us being a family.” Lumapit ito sa kanya. Napakurap-kurap siya nang mabasa ang nakasulat sa ibabaw ng cake. “Alam kong hindi pa ako nakakapag-propose sa ‘yo ng totoo, so here it is...” Tumingin ito sa mga mata niya at iniluhod ang isang tuhod. “Will you marry me, Nine?” Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. Napakagat-labi siya. “You know that I already love you, right?” Tumango naman siya bilang sagot. “And I want you to be officially mine. If you take the ring,” napatingin naman siya sa singsing na nasa ibabaw din ng cake. “that means you say yes to me.” Hinaplos niya ang pisngi nito at nagtatango-tango bilang sagot dito. “Of course, Babe. There is no reason for me to say no to such a wonderful man who fully accepted me for who I am.” Kinuha niya ang singsing saka binigay dito. “Pwede mo bang isuot sa akin?” Nakikita niya ang sobrang saya sa mga mata ni Dylan. Tumayo ito at inilagay nito ang cake sa mesa saka kinuha ang singsing at sinuot sa daliri niya. “Thank you, Babe, for saying yes. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya. I promise you that we will be a happy family with our daughter.” Nagulat siya nang may biglang pumutok. “Congratulations!” Isa-isang pumasok ang mga kaibigan ng binata. “Sila lang ang inimbetahan ko since sa pagkakaalam ng mga magulang natin ay nag-propose na ako sa ‘yo,” bulong nito sa kanya. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na nandito pala ang mga ito at lihim na nanonood sa kanila. Hindi niya tuloy maiwasan na mahiya dahil sa kakornihan nila kanina ng binata. Isa-isa sila nitong binata at nakikita niyang masaya ang mga ito para sa kanila. Napatingin siya kay Wyatt na papalapit sa kanya. “Congratulations," bati nito sa kanya. Ngumiti siya dito. “Thank you... for accepting me, Wyatt.” Hindi ito nakapagsalita. “Alam kong ayaw mo sa akin pero maniwala ka kapag sinabi kong mahal ko ang kaibigan mo. Hindi man gano'n kalalim ay alam kong mas lalalim pa dahil hindi siya mahirap mahalin.” Napabuntong-hininga ito saka tumitig sa kanya. “I trust you that you won’t hurt my friend. I accepted you because of him dahil mahal ka niya. Masaya ako para sa kanya kung talagang masaya siya sa ‘yo.” Inilahad nito ang kamay nito sa kanya dahilan para mapatingin siya dito. “Take care of my friend, Nine.” Nakangiti niyang tinanggap ang kamay nito. “I will, Wyatt.” Ngumiti na din ito sa kanya. Alam niyang hindi pa din siya gano’n katanggap ng binata pero natutuwa siya dahil kahit papaano ay unti-unti na siyang tinatanggap nito. “Masaya ako na okay na kayong dalawa,” sabi ni Dylan nang makalapit sa kanila. Ngumiti naman siya dito at niyakap ang bewang nito. “Yeah...” Nagkatinginan sila ni Wyatt at ngumiti sa isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD