Chapter 7

2167 Words
Nagising si Dylan nang may kumalabit sa kanya. “Yes, Babe? Kailangan mo ng tubig?” tanong niya kay Nine. Nasanay na siya na ginigising siya nito para lang uminom ng tubig lalo na’t nauuhaw ito sa kalagitnaan ng gabi. Ayaw sana nitong istorbohin ang tulog niya sa tuwing nauuhaw ito pero pinilit niya na gisingin siya nito para siya na ang kumuha ng tubig dahil ayaw niyang tumayo ito. “Need anything?” tanong niya ulit dito. Nagtaka siya nang hindi ito sumagot sa mga tanong niya kaya naman binuksan niya ang lamp shade na nasa bedside table lang. Napatingin siya dito at nag-alala nang makita ang pagsama ng mukha nito habang nakahawak sa tiyan nito. “M-Masakit ba ang tiyan mo?” “W-Water.” “Sandali lang kukuha ako ng tubig.” Aalis na sana siya ng kama nang pigilan siya nito. “N-No.” Kinakabahan na siya. Naka-on naman ang aircon sa kwarto nila pero nakikita niya sa mukha nito na pinagpapawisan ito at bakas ang sakit sa mukha nito. “M-My water just broke.” Inalis niya ang kumot sa dalaga at nakita niyang basa na nga ito pati na ang kama. “Manganganak na ata ako, Dylan.” “What should I do? What do I do?” Napatayo siya at napasabunot sa sariling buhok dahil hindi na niya alam kung ano ang gagawin. “Just relax, okay?” Malalaki na ang paghinga nito. “Dylan!” Nabalik siya sa ulirat nang sumigaw ito. “Grab the bags.” Tukoy nito sa bag na inihanda nila. Dalawang bag ito, mga damit ng bata at damit ni Nine. “K-Kailangan na natin pumunta ng hospital.” “Right, right.” Tumango-tango naman ito at sinunod ang utos ng dalaga. Pinangko niya ang dalaga saka ito sinakay sa kotse niya. Muli siyang bumalik ng kwarto at kinuha ang mga bags. Basta na lang niya itong nilagay sa kotse, hindi na inalintana kung maayos ba ang pagkakalagay niya dito o hindi. Wala na siyang pakialam dahil kinakabahan na siya at nag-aalala na siya sa dalaga dahil panay ang pagdaing nito dahil sa sakit ng tiyan. Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito at excited na siya pero hindi niya alam na kakabahan pala siya ng ganito. Hindi siya na-inform kaya parang nawala siya sa sarili kanina at hindi na makagalaw lalo na’t nakita niya ang sakit at paghihirap sa mukha ni Nine. “Malapit na tayo, Babe. Kaunting tiis na lang,” sabi niya habang mabilis na nagmamaneho. Hinawakan niya ang tiyan nito. “Relax ka muna, Baby, okay? Huwag ka na munang lumabas hangga’t wala pa tayo sa hospital.” Mariin na siyang napapalunok at pinagpapawisan na din siya. “Huwag mo naman gaanong pahirapan si mommy, okay?” Hindi nagtagal ay nakarating na din sila sa hospital. Agad na inasikaso si Nine at dinala ito sa delivery room. Hindi din nagtagal ay dumating na din ang mga magulang nila ng dalaga, pati na din ang mga kaibigan niya. “Where’s Nine?” tanong ng ina ni Nine. “Nasa loob pa din po. She’s still on labor.” Napatango-tango naman ito. Lumapit sa kanya ang mga kaibigan. “Don’t worry, Dude. Normal lang ‘yang nararamdaman mo.” Sinamaan niya nang tingin si Aiden. “Hindi niyo sinabi sa akin na ganito pala ang pakiramdam kapag nanganak na ang asawa niyo.” Nagkibit-balikat naman si Zaver. “Hindi ko din alam. Alam mo naman na wala ako sa tabi ni Sky nang manganak siya sa kambal.” Bahagya namang natawa si Aiden. “Welcome to my world, Dude.” Tinapik nito ang balikat niya. “Don’t worry. Magiging okay din si Nine at ang baby niyo.” Napatingin naman siya kay Ice. “Sobra bang sakit manganak?” tanong niya dito dahil alam nito ang pakiramdam dahil babae din ito. Ngumiti ito sa kanya. “Sobra.” Mas lalo siyang kinabahan para sa dalaga. Kung kaya niya lang kunin ang sakit na nararamdaman nito ngayon ay gagawin niya. “Kaya nga dapat niyong iniingatan ang mga babae dahil hindi madali ang panganganak. Imagine, Nine months nilang dala ang bata sa sinapupunan nila tapos manganganak pa sila. Iyong feeling na parang gusto mo nang umiyak dahil sa sobrang sakit tapos sasaktan niyo lang?” Napatingin sila kay Wyatt nang tumingin si Ice dito. “What? Ako na naman ang nakita mo?” nakanguso nitong tanong. “Kasi ikaw na lang ang hindi pa nagbabago.” Mas lalo itong napanguso. “Kaya nga kailangan ingatan ang mga babae kasi kahit kailan ay hindi niyo mararanasan ang sakit ng paghihirap nila.” Tumango naman siya at may plano naman siya na sundin ang payo nito. Babae ito kaya alam nito kung anong sakit ang pinagdadaanan ni Nine ngayon. Hindi nagtagal ay nakarinig na sila nang iyak ng bata na mula sa delivery room. Pareho silang lahat na nakahinga nang maluwag. Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na din ang Doctor na nagpaanak kay Nine. “Kumusta ang mag-ina ko, Doc?” agad niyang tanong nang makalapit dito. “They are both okay, Mr. Dewis. Healthy si baby at nagpapahinga naman na si Nine. Mayamaya ay ilalabas na din ang mag-ina mo.” Nakahinga sila nang maluwag dahil sa sinabi ng Doctor. “Thank you, Doc.” Nakipagkamay siya dito. “No problem.” Nagpaalam na ito sa kanila at naghintay na lang sila na lumabas si Nine. Hindi nga nagtagal ay inilabas na ito at hinatid ito sa isang private room. Napatingin siya sa mukha ng dalaga na mahimbing na natutulog. Nakikita niya sa mukha nito ang pagod at hirap nito sa panganganak. Hinawakan niya ang kamay nito at saka hinalikan. Sa nangyari ngayon ay mukhang hindi na niya gusto na mabuntis pa ulit si Nine dahil ayaw na niyang maranasan pa nito ang sakit na naramdaman nito. Sapat na din naman sa kanya si Dyne. LUMIPAS ang ilang oras ay ibinigay na din ng Nurse sa kanya si Dyne. Napangiti siya nang mahawakan ang bata. Nakikita niyang nakuha nito ang kagandahan ng dalaga, lalo na ang mga mata nito. “Hey there, Baby Dyne.” Hinaplos niya ang malambot at matambok nitong mukha. “Napakaganda mo.” Napatingin siya kay Nine na hanggang ngayon ay natutulog pa din. “Nakuha mo ang ganda sa mommy mo.” Isinayaw niya ang bata para muli itong matulog. Hindi naman ito umiiyak na kanyang ikinatuwa. Hindi niya lubos maisip na ganito pala kasaya ang may anak. Ngayon ay alam na niya ang nararamdaman ng mga kaibigan niya at hindi siya nagsisisi sa naging desisyon niya. Hindi pa man ito lumalabas sa tiyan noon ni Nine ay minahal na niya ito at ngayon na lumabas na ito, hawak niya ay alam niya sa sarili na mas mamahalin pa niya ito. Napatingin siya kay Nine nang marinig ang mahina nitong pag-ungol, senyales na nagigising na ito. Lumapit siya dito saka ngumiti. “Hey, kumusta ang pakiramdam mo?” Maliit itong ngumiti sa kanya. “Medyo okay na.” Napatingin ito sa karga niya. “Siya na ba ang anak natin?” Ngumiti siya saka inilagay sa tabi nito ang bata. “Yes. Siya na si Dyne.” Sa sobrang tuwa na nararamdaman ng dalaga ay napaiyak ito. Pinunasan niya ang luhang tumulo dito. “She’s so beautiful just like her mom.” Napangiti naman ito. “At alam kong lalaki din siyang mabait na katulad mo.” “Thank you, Dylan, for being there for us.” Hinaplos niya ang buhok nito. “It’s nothing.” Napapikit ito nang halikan niya ito sa ulo tapos sunod niyang hinalikan ang ulo ng bata. “I’ll do anything for the both of you.” ILANG buwan na din ang lumipas simula nang isilang ni Nine si Dyne. Walang araw na hindi napapasaya ng bata ang mga buhay nila lalo na si Dylan na palaging excited umuwi galing sa trabaho para makita kaagad ang anak. Napapailing na lang siya sa sariling dahil hindi niya maiwasan na palaging tumingin sa relo dahil excited na siyang umuwi. “Hello to my beautiful Queen,” bati ni Dylan sa dalaga nang makalapit siya dito at halikan ito sa pisngi.. “Hello to my beautiful Princess.” Inilagay niya ang dalang bag sa mesa saka kinuha ang bata. “Bakit nandito pa kayo sa labas?” Nasa garden kasi ang dalawa ngayon. “Pinapakita ko lang kay baby ang magagandang bulaklak na ang daddy niya mismo ang nagtanim para sa prinsesa niya.” Napangiti naman siya saka lumapit sa mga bulaklak. “Do you like them, Princess?” tanong niya sa anak kahit pa alam niyang hindi naman ito marunong sumagot. “Si daddy ang nagtanim niyang para sa ‘yo.” Tumawa ito senyales na nagustohan nga nito ang mga bulaklak. Sabihin man ng mga kaibigan niya na nababaliw na siya ay wala siyang pakialam. Totoong siya mismo ang nagtanim ng mga bulaklak, syempre katulong niya ang mga kaibigan lalo na si Wyatt na walang ibang sinasabi kung hindi nababaliw na siya para gawin niya ito para sa hindi niya kadugo. Napapailing na lang siya kapag naaalala ang araw na ‘yon. Ngayon kasi ay nakikita na niyang unit-unti nang natatanggap ng kaibigan niya si Nine lalo na’t nakikita nitong inaalagaan naman siya nang mabuti at mahal siya. “Pumasok na tayo sa loob. Baka mahamugan na kayong dalawa.” Siya na ang nagbitbit ng bata at ng bag niya. “Ako na niyang bag mo.” Inilayo niya ang bag nang akma nitong kukunin mula sa kanya. Ngumiti siya dito. “It’s okay. Kaya ko naman.” Sabay na silang pumasok sa loob ng bahay. Inilagay na din niya ang bata sa crib nito dahil natutulog na ito. Napapangiti na lang siya dahil madali itong matulog kapag siya ang humawak. Nakakainis nga dahil hindi siya masyadong makapaglaro dito dahil natutulog kaagad ito pero ayos lang sa kanya. Alam naman niyang madami pa silang time na magkasama at maglaro. “How’s work?” tanong ni Nine na tinulungan siya sa paghubad ng suit niya. “Okay naman ang lahat. Thank you.” Kinuha niya ang damit na binigay nito sa kanya. Pumasok na siya sa banyo para magbihis. “Babe?” Napatingin siya sa dalaga na nakaupo sa kama. “Kailan tayo magpapakasal?” Nagulat siya sa naging tanong nito. Simula kasi nang manganak ito ay hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal nila. Hindi naman sa nagbago ang isip niya kung ‘di hinihintay niya lang kung kailan magiging handa ang dalaga. Hindi na din naman siya nagtanong dito dahil natatakot siya na baka magbago ang isip nito. Tumabi siya nang upo dito. “Ikaw? Kailan mo ba gusto?” Nakiliti naman ito nang halikan niya ang balikat nito. “Kapag one year old na si Dyne? Gusto kong ikasal tayo kapag marunong na siyang maglakad.” Napatingin naman siya nang nagtatanong dito. Hinaplos nito ang mukha niya. “Gusto kong siya ang little bride ko.” Napangiti naman siya dito. “That’s a great idea.” Hinalikan siya nito sa labi dahilan para mapapikit siya ng mga mata. “Sundan na natin si Dyne?” Bigla siyang napalayo dito at kumunot ang noo. “Five months naman na si Dyne kaya pwede na siyang sundan. Ayaw mo no’n, maliit lang ang agwat nila ng kapatid niya. Mas magiging close sila kapag gano’n.” Hindi siya nakasagot sa mga sinabi nito sa kanya dahilan para kumunot ang noo nito. “Ayaw mo ba?” Napailing-iling siya saka napasuklay. “Hindi naman sa ayaw ko, pero, Babe, hindi pa ako nakaka-recover sa nerbiyos ko sa ‘yo nang manganak ka. Nasa isip ko pa din ang trauma.” Bahagya naman itong natawa. “Ayos lang naman ako, Babe. Normal lang naman ang sakit na nararamdaman namin at mawawala ‘yon kapag nailabas na namin ang bata and it’s worth it.” Napabuntong-hininga ito. “I know, pero...” Hinaplos nito ang mukha niya. “Okay. Huwag na muna natin sundan si Dyne. Mamaya na lang natin siya sundan kapag wala na ‘yang trauma mo.” Tumawa ito dahilan para samaan niya ito nang tingin. “Ikaw, ah. Pinagtatawanan mo ako.” “What? Hindi, ah,” pagde-deny nito. “Pinagtatawanan mo ako. Naririnig ko ang tawa mo.” “Ahh... Dylan, ano ba?” Natawa ito nang kilitiin niya ang tagiliran nito. “Stop it... Nakikiliti ako.” “Titigilan lang kita kapag tumigil ka na sa pagtawa.” Mas lalong lumakas ang tawa nito at napahiga na sa kama. “Pa...papaano ako titigil sa kakatawa... kung kinikiliti mo ako...” Tinigilan na niya ang pagkiliti dito. Nagkatitigan silang dalawa. “I love you, Babe.” Hinaplos niya ang mukha nito. “I love you, too, Babe.” Inilapit niya ang mukha dito para halikan ito sa labi. Napapikit naman ng mga mata si Nine nang magdikit na ang mga labi nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD