“Naks! Talagang tuloy na tuloy na ang kasal niyo, no?” tanong ni Wyatt kay Dylan. “Bakit? Tututol ka na naman ba?” nakangisi niyang tanong dito. Tumawa naman ito. “Baka.” Ngumisi ito sa kanya. “Baka magulat ka na lang sumigaw na ako nang... itigil ang kasal!... sa araw ng kasal mo.” “At sasabihin mong mahal mo ako? Na ikaw dapat ang pakasalan ko?” Sumama ang mukha niya. “Eww, Dude. Hindi kita type at saka may asawa ka na. Kung sakali man na bakla ka talaga ay magbago ka na dahil may asawa ka na, Dude. Masasayang ‘yang sinasabi mong kagwapohan mo. Nakakadiri ka.” “Gago!” Nagtawanan naman sila nang hampasin siya nito ng unan. “Kung nandidiri ka mas nasusuka naman ako sa pagmumukha ko.” “Nasusuka ka sa pagmumukha ko pero madaming in love sa mukha kong ‘to.” Hinaplos niya ang baba saka ng

