Muli silang bumaba sa lobby at dumiretso sa mga tindahan na nasa loob lang ng resort. Namili na siya ng damit na susuotin niya at damit na pangligo niya. Namili na din siya ng underwear niya, lotion at ilan pang kailangan niyang gamitin sa sarili. “Teka, ilang araw ba tayo dito?” tanong niya kay Dylan habang namimili ng damit. Gusto niyang malaman kung hanggang kailan sila dito para alam naman niya kung ilang damit at underwear ang kailangan niyang piliin. Wala din naman sigurong kaso sa binata kung ilang damit o magkano ang magagastos nito sa kanya since mayaman naman ito. Ito na din ang ganti niya dito, lalo na sa bra niya na hanggang ngayon ay hindi niya pa nahahanap. Hindi talaga siya matatahimik hangga’t hindi niya ‘yon nababawi. “Uuwi din tayo bukas ng hapon. May trabaho pa kas

