“Alaysha, can I talk to you?” Napatingin si Alaysha at nakita niya si Dylan na nakatayo sa gilid ng mesa niya. Napatingin naman siya sa mga kaibigan niya nang marinig ang mahinang pagbungisngis ng mga ito. Sinamaan niya ito nang mga tingin dahil kinikilig ang mga ito habang palipat-lipat ang mga tingin sa kanya at kay Dylan. Pinandilatan niya ito ng mga bata bilang pagbabanta. Tumingin siya sa binata. “Tungkol saan?” “It’s important. Just follow me.” Umalis na ito kaya kumunot ang noo niya. “Maybe he wanted to ask you on a date. Nahihiya lang dito dahil maraming tao. Gosh! Hindi ko alam na may pagkamahiyain din pala si Sir Dylan,” nakangising sabi ni Nicole. “Oo nga naman, dapat oo ang isagot mo, Lay, para naman magka-love life ka na ulit at hindi na maging bitter sa pag-ibig,” s

