“Sir, ito na po ang pinapagawa niyo,” sabi ni Alaysha saka binigay kay Dylan ang mga paperwork. “Pakilagay na lang muna diyan kasi mamaya ko na titingnan,” sagot naman ni Dylan habang hindi nakatingin sa kanya. Aalis na sana siya nang muling magsalita ang binata. “Please, wait, Alaysha. May pinabibigay sa ‘yo si Dyne.” “Ano ‘yon?” excited niyang tanong. Matagal-tagal na din simula nang huli silang magkita ni Dyne. Ang huli ay noong nasa amusement park sila. Napaiwas siya nang tingin sa binata kahit pa hindi naman ito nakatingin sa kanya nang maalala ang nangyari sa Ferris wheel. Napapailing na lang siya dahil dinadamdam niya ang nangyari tapos para sa binata ay wala lang naman ito. Huminga siya nang malalim. Dapat kumalma siya at kalimutan na ang araw na ‘yon. “Just wait a minute, tata

