Chapter 14

2087 Words
Nakaupo na silang dalawa sa table kung saan kami palaging nakapuwesto ni Kim. Mga traydor! Masaya silang nagtatawanan. Ano pa ba ang kailangang i-prove ni Matt? Kitang-kita sa mga mata nila na they're madly in love with each other. Alam ko, alam ng buong school—sila lang dalawa ang walang alam. Gamit ang hinlalaki ni Zaire, pinunasan niya ang strawberry ice cream sa gilid ng labi ni Kim. He stared into her eyes more directly. Tumawa si Kim. "I told you!" sabik na sabi ni Matt. I never knew that I would like this childish side of Matt. Sino ka ba talaga, Matt? Hinintay namin hanggang sa makalabas ang dalawa ng ice cream shop. Kanina pa ako napapagod, ngunit hindi ko ito magawang sabihin kay Matt. He looked so enjoyed while watching his brother secretly. Umupo ako sa mainit na semento. Kanina pa akong nakatuwad, parang aswang dito. Nagbuntong-hininga ako, dahilan para lumingon si Matt sa akin. "What are you doing there?" Dali-dali itong umalis sa kinatatayuan niya at pinuntahan ako para patayuin. "I'm just tired, Matt," I said faintly. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Ang kanang kamay niya ay nasa likod ng aking ulo, at ang isa naman ay nasa aking likod. "I'm sorry. Let me take you home." "Oh, anong ginagawa niyo dito?" tanong ng isang boses ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong kumawala sa mga bisig ni Matt, only to see Zaire and Kim. Abot-tengang nakangiti si Kim, para bang nanalo siya sa lotto. "Since andito tayong lahat, gusto ko sanang manood ng sine. I want us to spend this day before umalis si Matty boy." I quickly turned my head to Matt, at nakatingin na siya sa akin. Bakit hindi niya sinabi sa akin iyon at kay Kim lang niya sinabi? "Aalis ka?!" mabilis kong tanong. "Yeah," he answered in a low voice. Hindi ko alam kung galit ba ako o nagseselos. Selos? Bakit nga ba ako magseselos? Wala naman akong nararamdaman para kay Matt para magselos. Isa pa, hindi naman big deal na si Kim ang sinabihan niya at hindi ako. "Here, take my hand," he offered his hand to help me. Tinanggap ko ito at tuluyan akong tumayo. "You didn't tell me," mahina kong sabi. "Sasabihin niya sa'yo dapat kanina, but you left him. Remember?" ani Kim at tinaasan pa ako ng kilay. Nagyaya sila ng movie, but I refused. Pagabi na at pagod na rin ako. Hinatid ako ni Matt sa bahay. Si Zaire ay may dalang sasakyan kaya sa kaniya sumama si Kim. Hindi ko alam kung tumuloy ba sila sa sine, pero pagod na talaga ako, at mas lalo akong napagod nang marinig kong aalis si Matt. What happened to you, Aphrodite? tanong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. It's not me! Never pa akong naging malungkot dahil lang aalis ang isang lalaki at take note, hindi ko siya kaano-ano. Pagkatapos maligo at magbihis, humiga ako sa kama. Inaantok na talaga ako. Nakapikit na ang mga mata ko at nawawala na rin ang diwa ko nang bigla akong nahimasmasan sa pagbukas ng gate. Agad kong narinig ang boses ni Kim, kasabay ang boses ni Zaire habang tumatawa. Wala talagang araw na hindi nagtatawanan ang dalawang 'to. Gamit ang inaantok na mga mata, napa-irap ako dahil sa ingay nila. Bumangon ako at kahit antok na ay lumabas ako ng kwarto. "Hey, what are you doing?" tanong ko. Paglabas ko, si Zaire ay nasa likod ng TV rack at sinaksak ang plug ng TV. Si Kim ay may hawak na remote, at sa kabilang kamay ay cellphone. Sabay silang napaharap sa akin. "Oh, c'mon. Swannie, aalis na bukas si Matt. Kailangan nating mag-bonding. Sa bahay sana tayo, kaso nanonood ng TV sina Mommy at Daddy. Sa bahay ni Zaire walang TV, kaya dito na lang tayo," pakiusap ni Kim. Hindi na ako nagsalita at kusang pumunta sa sofa. Wala naman akong magagawa dahil gusto niya iyon, kaya siya ang masusunod. Kapag lumaki talaga ang bill ng kuryente ngayong buwan, si Zaire ang pagbabayarin ko! "Wait. Akala ko ba manonood kayo ng sine?" "Boring doon, wala ka kasi," ani Kim at ipinagpatuloy ang pag pindot sa remote. Si Zaire naman ay pumunta sa kusina, maghahanap siguro ng maiinom para sa duwende naming kaibigan. Minsan iniisip ko na lang talaga na kinakaibigan lang ni Kim si Zaire para gawing katulong. "Eh, si Matt?" tanong ko. Kinuha ko ang throw pillow at pinaglaruan ang kamay sa ibabaw nito, na parang wala lang sa akin ang tanong ko. Para kay Matt itong movie marathon, kaya nagtataka ako kung bakit wala siya rito. "Nasa labas, hinihintay yung fried chicken at pizza na inorder niya," sagot ni Kim. "Inorder niya o inorder mo?" Napalabi na lang ako at naghalukipkip sa sofa. Natapos na ni Kim ang ginagawa niya, kaso ay connecting pa rin ang cellphone niya sa TV. Umupo si Kim sa tabi ko at sabay naming hinintay na tuluyang ma-connect ang cellphone. Dumating si Zaire na may dalang apat na baso at isang pitcher na may lamang juice. Inilagay niya ito sa mesa at nilagyan ang isang baso. Habang hawak ni Kim ang cellphone niya, pinainom siya ni Zaire ng juice. Grabe na 'to. Hindi niya lang ginagawang katulong si Zaire—inaalipin na niya! Nagbuntong-hininga ako at itinuon ang atensyon sa TV na may nakalagay na "connecting." "Kim, anong movie ang panonoorin natin?" wala sa sarili kong tanong. "Siguraduhin mo lang na hindi boring 'yan," dagdag ko pa. "No, Aphrodite. This movie na nakita ko kanina while nagdi-discuss si Miss Ann—you know what? Rare ang movie na 'to. Ako lang ang nag-iisang may copy nito. Saka isa pa, magugustuhan mo 'to at kikiligin ka rin. In fact, may comedy rin. Alam kong rom-com talaga ang cup of tea mo," proud na sabi ni Kim habang itinuturo ang cellphone niya. "Okay," simple kong sagot habang kinukusot ang mata dahil sa antok. Kasabay ng pag-connect ng TV ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Matt na may dalang maraming pagkain. Tumili si Kim, kaya alam ko na kung ano ang nangyayari—alam ko na si Kim ang nag-order no'n. Doon talaga siya expert. Nilapag ni Matt ang lahat ng pagkain sa mesa. Tiningnan niya ako saglit at umayos ng upo. "All things done?" tanong niya habang si Zaire ang tinitingnan. Tumango si Zaire. Nagkibit-balikat si Matt bago umupo sa tabi ko. Tiningnan ko si Kim at nakita kong nakangiti habang binubuksan ang photos sa cellphone at may hinahanap. "You all will love it. I swear. Especially you, Matty boy," ani Kim. May pinindot siya na ikinangiwi ng mukha ko. "Kim! Hindi naman movie 'yan!" Video clips iyon noong bata pa kami. Naliligo kami sa dagat, at nilalagyan ni Kim ng buhangin ang loob ng damit ko. Nag hahabulan kami habang binabato ko siya ng buhangin. Nataranta ako nang ang sumunod na video ay kuha sa bahay nila. May bago silang pusa, inilagay ko iyon sa kandungan ko at umihi ang pusa kaya napatayo ako at hinubad ang pajama na suot ko. Nahihiya na ako kaya pilit kong inagaw kay Kim ang cellphone. Nakita kong titig na titig si Matt, kaya lalo akong namula. May underwear naman akong suot—kulay pink—and bata pa ako noon, siguro seven years old. May nakalagay pang "Wednesday" sa suot kong underwear kaya lalo akong nahiya. Namula akong pilit kinukuha ang cellphone kay Kim, ngunit nawalan ako ng pag-asa nang si Zaire—na tumatawa na—ang kumuha ng cellphone at inilayo sa akin. Si Kim ay tawa rin nang tawa. Kinuha ni Kim ang dalang french fries at inilagay ito sa malaking bowl, habang kinuha ko ang apat na iba't ibang flavor ng cartoned juices. Hinayaan ko na lang mapahiya ang sarili ko. Yumuko ako at sa pagkain na lang itinuon ang atensyon. "I've always wanted to be an astronaut." Gulat akong napatingin sa TV, at pagkatapos ay sa gulat na si Matt sa tabi ko. "But my dad wouldn't let me." Hindi siya kumibo, at ramdam ko ang tawa sa kabilang gilid. Si Matt at ako ang naka-flash sa TV screen, mainly naka-focus sa lasing na Matt. Paano nakuha ni Kim 'yon? Tulog naman siya that time. Malakas na tumatawa sina Kim at Zaire, at napasabay na rin ako. Napatingin ako kay Matt at nakita kong namumula siya. Nahihiya ba siya? "'Yan pala ang gusto mo, kuya? 'Di mo man lang sinabi sa akin. Parang hindi mo ako kapatid," arte ni Zaire sabay punas ng kunwaring luha. Tawang-tawa naman si Kim. Tumayo si Matt at aalis na sana nang sumunod ang video kung paano ko siya nilagyan ng kumot. Namula ako at umiwas ng tingin. Bago pa ako tuluyang makaiwas, nakita ko ang manghang mukha ni Matt. Umupo siya ulit at pinanood kung paano ko siya ipahiga, lagyan ng unan, at kumutan. Bumilis ang t***k ng puso ko nang pati ang pagtitig ko sa kanya ay nakunan sa video—kitang-kita kung gaano ako kalapit, parang hahalikan ko na siya. Lumunok ako at mas lalong kinabahan. Tiningnan ko si Kim para iwasan ang mata ni Matt, pero mali pala ang ginawa ko dahil sa ngiti niya ay lalo akong namula. Tumaas-baba pa ang kilay niya. "Swannie, look," ani Kim sabay turo gamit ang labi sa TV. Tiningnan ko iyon at nakita kong binubuhat ako ni Matt. Pinahiga niya ako sa sofa na hinihigaan niya kanina, kinumutan din niya ako. Nanlaki ang mga mata ko nang hinalikan niya ako bago tumayo. Bumalik pa siya at ipinasok ang katawan sa maliit na sofa. Hindi na nakita ang mukha ko sa video dahil hinaharangan ito ng malaking katawan ni Matt. Tumayo si Matt at nagtungo sa pintuan. Isang beses kong sinulyapan sina Kim at Zaire na may mga ngiti sa labi. Kim also mouthed "go," parang chine-cheer lang niya ako sa isang bagay na hindi ko magawa. Paglabas ko, nakita ko si Matt na nakatayo sa gilid ng puno malapit sa bench. He puffed smoke as he flicked the cigarette butt. I fanned the smoke off my face and coughed lightly. "You know it's bad for your lungs, right?" sabi ko habang nakatingala sa kanya. Nakasalubong ang kilay niya habang nagtatakang tumingin sa akin. "Are you concerned about me?" He threw the cigarette on the ground and stepped on it. "H-hindi ah! Concern lang ako sa lungs mo," sagot ko. Narinig kong tumawa siya nang mahina. Umupo ako sa bench malapit kay Matt, at sinundan niya lang ako ng tingin. I sat while he's standing in silence. No one was brave enough to talk. Umigham si Matt at huminga nang malalim. "I have to leave early for Italy tomorrow," ani Matt. My eyes were still on the now completely dark sky, staring into its depths. Hindi ako sumagot. I wanted to ask why. I wanted to stop him. I just wanted him to be here beside me, for reasons that I myself don't even understand. Pakiramdam ko kapag nawala siya, may malaking parte rin ng sarili ko ang mawawala. "When will you come back?" I shifted my gaze to him. It took him a minute bago sumagot, parang pinag-isipan pa niya. "I can't say a word. But I promise, I'll come back. I'll come back for you." He smiled. That damn smile. Maaga akong nagising dahil isasama kami ni Zaire papuntang airport. Hindi man lang niya ako binigyan ng chance para makapagligo—nagmamadali na raw ang kuya niya. Iba talaga kapag may favoritism. Si Zaire ang nagda-drive at katabi niya si Kim, habang kami ni Matt ay nasa passenger seat. Medyo nahiya pa nga ako dahil ako lang ang hindi nakaligo sa aming apat. Nang makarating kami sa airport, parang nawalan ako ng gana. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naunang bumaba si Kim at kinuha ang phone mula sa bulsa ng kanyang shorts at nag-picture. Kasunod si Zaire, sabay kuha ng bagahe ni Matt sa likod ng sasakyan. Lumabas na rin ako nang mag-ring ang cellphone ni Matt. Narinig ko siyang magsalita sa isang foreign language bago ako tuluyang bumaba. "Swan, 'lika!" sigaw ni Kim. Napatingin ang mga tao sa kanya, pero wala siyang pakialam. Umiling ako at nilakihan siya ng mata bilang saway. "Eto naman. Ang KJ mo talaga, Swan," sabi ni Kim habang kinakaladkad ako papunta sa spot kung saan siya kumukuha ng pictures. Inutusan niya si Zaire na kuhanan kami ng litrato habang hinihintay si Matt na matapos ang phone call.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD