Chapter 13

2078 Words
Napag-usapan naming tatlo—ni Kim at Zaire—na sa hapon na lamang kami papasok dahil ang dalawa ay may hangover, habang ako naman ay hindi pa rin napapawi ang pagod dahil sa party kagabi. Naunang umalis si Matt dahil may gagawin daw ito sa school. Natulog muna ako sa kwarto, samantalang iniwan ko sa labas sina Kim at Zaire na mahimbing na natutulog. Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa labas. Napatingin ako sa orasan sa side table at nakitang alas-onse y diez na ng umaga. Bumangon ako at binuksan ang pinto. Nakita ko si Kim na nakabihis na at sinabing mag-ayos na rin daw ako. Natapos akong maligo eksaktong alas-dose ng tanghali at agad na nag-ayos para sa klase. Umuwi si Zaire upang kumuha ng sasakyan. Pagkatapos ay nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko rito habang palabas ng kwarto ay nakita kong si Papa ang tumatawag. "Papa!" masayang bati ko. "Kumusta ka diyan, anak? Na-enjoy mo ba ang birthday mo kahapon?" tanong niya sa kabilang linya. "Oo naman, Pa. Na-enjoy ko ang bawat segundo kahapon." I think I had the best birthday. Tumawa si Papa at may kinausap gamit ang ibang lengguwahe. "Kaso wala ka rito..." mahina kong sabi, habang unti-unting nawawala ang boses ko. Siguradong hindi iyon narinig ni Papa. "Kailangan ko nang umalis, anak. Tatawag ulit ako." "Sige, Pa. Ingat ka diyan. I love y—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang maputol ang tawag. "Swan! Andito na si Zaire!" sigaw ni Kim. Nagmadali akong lumabas ng bahay at sinigurong naka-lock ang lahat ng pinto. Paglabas ko ng gate ay nakasakay na si Kim at komportableng nakaupo sa harap habang may kinakain na grahams. Noong una ay inakala kong tuluyan nang magbabago ang ugali niya nang minsang umalis si Zaire. But look at her. Binuksan ko ang pintuan sa likod at pumasok na rin. Bago kami makarating sa school ay dumaan muna kami sa isang fast-food restaurant na palagi naming pinupuntahan ni Kim. Hindi na kami kumain sa bahay at napagpasyahang doon na lang kumain, kaya naroon kami ngayon. "Hindi ba sabi mo sa akin, mahal mo ako?" tanong ni Kim kay Zaire habang ngumunguya ng fries. Tumango si Zaire. Napailing na lamang ako habang kinakain ang hawak kong burger. "Akin na lang iyang fried chicken mo?" sabi ni Kim sabay puppy-eyes na tingin kay Zaire—isang tingin na siguradong hindi niya matitiis. Pinanood ko kung paano kinuha ni Kim ang manok mula sa plato ng lalaki habang natatawa pa ito. Kung tama ang narinig ko ay may nasabi pa siyang, "Victory is mine!" Tinitigan lang siya ni Zaire, isang tinging malinaw na si Kim lamang ang babaeng minamahal niya. Naalala ko ang sinabi ni Matt na gusto niyang kumpirmahin kung talagang mahal nila ang isa't isa. Sampung minuto kaming late nang makarating sa school. Pinagalitan kaming tatlo ng aming English teacher at sinabing dapat kaming maging responsable sa aming pag-aaral. Ngayon lamang kami na-late sa klase niya, ngunit parang palagi na naming ginagawa iyon kung makapagsalita siya. "Ang sakit ng ulo ko, beshie," reklamo ni Kim nang makalabas ang English teacher. "Sana dinamihan mo pa ang ininom mo kagabi," walang gana kong sagot. "Ang sama mo talaga," aniya. Maya-maya ay may narinig kaming mga nagtitiliang boses sa labas ng classroom. Mabilis na tumayo si Kim at naki-tsismis. Excited niya akong tinawag papunta sa pintuan. Umirap ako, isinara ang librong hawak, at nilapitan siya—baka kaladkarin pa niya ako kapag hindi ako kumilos. "Aphrodite." Nagulat ako nang makita si Matt na nakatayo malapit sa pinto, sapat ang distansya upang makita ko siya kahit nasa loob pa ako ng silid. Kinusot ko ang mga mata ko upang makasigurong siya nga ang nakikita ko. "Aphrodite, we need to talk." Tumahimik ang mga kaninang nagtitilian at seryoso kaming tinitigan. I can't blame them. The man in front of me is far from normal for a place like this. His presence is too strong—it made me no different from the other girls. Hindi ko mapigilan ang mabilis na t***k ng puso ko, pero kaya kong itago ang emosyon ko. Iyon ang kaibahan ko sa kanila. "Saan mo ako dadalhin? May klase pa ako, Matt," tanong ko nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin. "Matt." Pilit kong inalis ang kamay ko sa kanya at tumigil siya sa paglalakad. "I have something to tell you, Aphrodite." "Pero may klase pa ako." "Give me a minute," pakiusap niya. "But—" Huminga siya nang malalim. "Just trust me. Alright?" malambing niyang sabi. Kung isa ito sa mga tricks ni Matt, well, congratulations, nahuhulog na ako sa'yo. Pababa na sana kami ng hagdan nang masalubong namin si Paul. May dala siyang pulang paper bag na may nakaimprentang pulang mga rosas. "Swan," tawag niya. Naramdaman kong sumama ang tingin ni Matt kay Paul. Naghalukipkip siya at nang hilahin niya ako ay hinila ko siya pabalik, dahilan upang tumigil siya. "Bakit, Paul?" tanong ko. Mas hinigpitan ni Matt ang hawak sa kamay ko. Tiningnan ko siya at nakita kong magkasalubong ang kanyang mga kilay. Marahan kong pinisil ang kamay niya at lumuwag ang hawak nito. "Happy birthday, Swan." "Kahapon pa iyon, so don't bother," supladong sagot ni Matt. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita. Sasagot pa sana si Paul nang ako na ang nagsalita—baka may mangyari pa sa kanilang dalawa. "Thank you, Paul. Para sa akin ba iyan?" pabiro kong tanong, kahit pilit ang tawa ko. "Actually, yes." Iniabot niya sa akin ang bag. Hindi ko pa man nahahawakan ay nasa kamay na ito ni Matt. "She doesn't need anything from you." Nanlaki ang mga mata ko nang itapon niya iyon sa basurahan malapit sa hagdan. Maging si Paul ay nagulat sa ginawa niya. Tahimik akong humingi ng paumanhin kay Paul habang hinihila ako ni Matt palayo. "Ano ba ang problema mo, Matt?!" galit kong tanong. "I don't like him." "Ikaw lang ang walang gusto sa kanya, Matt! Matagal na kaming magkaibigan at wala kang karapatan na gawin kung ano ang gusto mo!" Nakita ko ang samu't-saring emosyon sa kanyang mga mata, ngunit nanaig ang galit matapos lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. Did I say something wrong? Inalis ko ang kamay ko at tinalikuran siya, handang umalis. "Where are you going?! I said I have something to tell you!" Malakas ang boses niya at bahagya akong napatalon sa gulat. Hinarap ko siya at tinitigan ang galit niyang mukha. "Ikaw pa ang galit?!" sabi ko. "Do you like Ferdinand?" iritado niyang tanong. "Ano bang sinasabi mo, Matt?!" Naiinis na ako. He's crossing the line. "Matt, I respect you dahil kapatid ka ni Zaire. Pero hindi ba sa tingin mo ay sobra na ito? Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin mo. May klase pa ako pero hinila mo ako. Pinahiya mo ang kaibigan ko, at ngayon ikaw pa ang galit. Hindi ko rin sinabi na sasama ako sa'yo!" Napasigaw na ako sa galit. "Who's crossing the line? Me?" sigaw niya. Natakot ako, ngunit hindi ko iyon ipinahalata. "You're telling me I'm crossing the line? So how about Ferdinand? Don't tell me he's beyond your line. He touched you, and I saw everything!" "That's none of your business, Matt. We're friends!" "So don't be friends with him!" Umiling ako at mariing tiningnan siya. "Do you think it's that easy? How dare you tell me what to do, Matt! Hindi ikaw ang tatay ko! You are nothing but a stranger!" Nakita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko. "I'm what?" iritado niyang tanong at akmang hahawakan ako, ngunit agad kong iniwas ang kamay ko. "Don't touch me and don't talk to me! We know each other, but we're not friends! For f**k's sake, Matt!" Napapikit ako sa inis at pagmulat ay iniwasan ko ang kanyang mga mata. "Aphrodite," malambing niyang tawag. Napatingin ako sa kanya. Salubong ang kilay ko; galit pa rin ang mukha niya ngunit malambing na ang boses. "What?!" humihingal kong sagot. "I'm sorry," sabi niya sabay yuko. What the hell? Galit siya kanina—bakit parang biglang nagbago? "You're what?" "Don't make me repeat myself, Aphrodite." Tinaasan ko siya ng kilay. Noon ko lang napagtanto ang lahat ng nasabi ko. Bigla akong nakonsensiya. Tulad ng sabi ni Kim, nakakatakot daw akong magalit—at totoo iyon. Hindi ko namalayang nasa loob na ako ng kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung paano ako napunta roon. Ang alam ko lamang ay galit pa rin ako. Tapos na rin ang klase nang matapos ang pagtatalo namin. Iniwan ko siya roon, ngunit nang lumingon ako ay nakita ko siyang naghihintay pala sa gate. Paglingon ko sa dalawang kasama ko kanina ay bigla na lamang silang nawala. Tumingin ako sa bintana at bumungad ang isang malaking jewelry store na hindi rin kalayuan mula sa school. Siya ang unang bumaba. Nanatili akong nakaupo habang sinusundan siya ng aking paningin. Binuksan niya ang pinto para sa akin. "Are you just going to stay there?" "Isasama mo ako?" sabay turo ko sa sarili ko. Muling hinawakan niya ang kamay ko at isinama ako papasok ng store. Pagpasok namin ay agad sinalubong si Matt ng isang lalaking sa tantya ko ay nasa trenta na ang edad. "Matt!" Nakipagkamay siya at niyakap si Matt habang marahang tinatapik ang likod nito. "Luke. It's been a while," ani Matt. Habang nag-uusap sila ay tumingin-tingin ako sa mga display cabinet sa paligid. Isa-isa kong sinuri ang iba't ibang klase ng alahas. May isang singsing na agad nakakuha ng atensyon ko. May maliit na hugis-pusong ruby sa gitna at manipis na silver shank. Simple ngunit napakaganda. Napatawa na lamang ako nang makita ang presyo. Cute at simple rin, maraming digits. Lumingon ako sa kabilang display cabinet at nakita kong nakatingin sa akin sina Matt at Luke. Awkward akong ngumiti at dahan-dahang lumakad palayo. "Is she your girlfriend?" seryosong tanong ni Luke. Hindi sumagot si Matt. Kahit abala ang mga mata ko sa mga kumikislap na alahas, alerto ang pandinig ko. "I never saw you with a woman before, except Victoria. Speaking of, nakita ko siya noong isang araw sa club." Nanigas ako at dahan-dahang tumingin sa kanila. Nagkatitigan kami ni Matt bago siya tumango. Mabilis akong umiwas ng tingin. Nakita ko si Victoria noon—magkasama sila ni Matt—at sobrang iba niya. Hindi ko nga siya nakilala agad. Para ko na siyang nakababatang kapatid kaya hindi ko maiwasang mag-alala. "Yeah. That's why I'm here, Luke. That club was yours, right? Can you watch my sister for a while? I need to go somewhere, and you know Zaire is also busy." Natapos ang usapan nila habang abala pa rin ako sa mga alahas. They are so shiny, precious, and fragile. Bago magpaalam si Matt kay Luke ay binalikan ko ang singsing at tiningnan ito sa huling pagkakataon. "Let's go?" tanong niya. Nang mapansin niyang parang ayaw kong umalis, muli niya akong tinanong. "Do you like it?" "Yeah. Wait—no. I mean, it's alright." Itinaas ko ang ulo ko at ngumiti. Nahiya ako. Bakit ba ako ganito ka-showy? Hindi ko man gustuhin, parang hinihigop talaga ako ng singsing na iyon. Lumabas na kami. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para sa akin at saka umupo sa driver's seat. "So... do you have any plans?" tanong niya habang nakatuon ang mga mata sa daan. "Plans?" "Yeah," maikli niyang sagot. Pinagmasdan ko siya nang masinsinan. Hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi niya. "For your mushroom friend and my brother." Akala ko'y nagbibiro siya. Tinignan ko siya na hindi makapaniwala sa mga natuklasan. Paano niya nalaman na pumunta kami ni Kim sa lugar na to? Nasa lugar kami kung saan ay naglalakad sina Kim at Zaire papunta sa isang ice cream shop na palagi naming binibisita ni Kim tuwing huwebes ng hapon, at huwebes ngayon. Ang daya nito! That should be me. Hindi man lang ako tinawagan at hinintay. But I'm still confused kung bakit alam ni Matt ang lugar nato.. Nagtago kami sa likod ng isang sasakyan kung saan tanaw namin ang dalawa. Nasa counter sila at nag-o-order. Kami naman ni Matt ay naghihintay sa hindi ko alam kung ano. Matagal ko siyang tinitigan. He looked familiar. Parang nakita ko na siya noon. Sa tagal naming magkasama araw-araw, ngayon ko lang iyon naalala. "Is something on my face?" tanong ni Matt. "You look familiar," sagot ko, binale-wala ang tanong niya. Hindi siya sumagot at sinenyasan akong tumingin sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD