Chapter 12

2070 Words
Nakauwi na ang mga bisita, maliban kina Matt, Kim, at Zaire. Nawala sina Kim at Zaire nang halos labinlimang minuto na, hindi man lang sila nagpaalam kung saan pupunta. Sunod-sunod si Matt kung saan man ako pumupunta habang nililigpit ko ang mga paper plates na ginamit kanina. Sinabihan ako ni Matt na siya na lang daw ang bahala rito at magpapatawag na lamang ng pwedeng magligpit kasi ayaw niyang mapagod ako—plus, special day ko raw. Tinanggihan ko ang offer niya. Mas mabuti kung ako na lang ang magliligpit dahil mas sigurado akong malinis talaga ang bawat sulok ng bahay. Kaya heto siya, panay buntot kung saan ako pupunta. "Swannie! Look what I bought," sigaw ni Kim. Sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang may dalang paper bag. "Ano 'yan?" tanong ko sa kanya nang makapasok na siya, at sumunod ring pumasok si Zaire. "Remember when you told me na gusto mong uminom? Well, today is your lucky day." Mula sa paper bag ay inilabas nito ang tatlong bote ng sari-saring inumin. "I was just joking that time, at ayoko rin na mapagalitan ni Papa, 'no," ani ko, at lumabas ako para itapon sa garbage bag ang mga ginamit na paper plates. Rinig ko ang mga yabag na sumusunod sa likod ko. "Hindi naman malalaman ni Tito 'yon, unless may magsusumbong," she said quietly. Tumahimik ako para mag-isip habang si Kim ay ngumisi sa harapan ko. "So?" tanong nito habang hawak-hawak ang dalawang bote. "Sige na nga. Isang bote lang, ha." Tumawa lang ito bilang sagot. Pumwesto kami sa lamesa kung saan kami naglaro ng bridge. Umupo ako sa mahabang upuan at tumabi si Matt sa'kin. Si Zaire naman ay nasa harapan namin habang kumuha si Kim ng apat na shot glass. Nilagyan niya ang mga ito. Kinuha ko ang bote at binasa ang content sa likod. Lahat ng nabili niya ay may 75.5% alcohol content. Napatingin ako sa kanya nang marinig kong nagde-debate na naman sila ni Zaire. "Kaya pala hindi mo 'ko isinama sa loob. Kung sana, pang lady's drink ang nabili natin. Ba't ba kasi ito ang pinili mo?" sermon ni Zaire, ngunit hindi na naman nakikinig si Kim sa kanya. "Kasi ang ganda ng bote at ng packaging," sagot ni Kim, at napabuntong-hininga si Zaire sa narinig. "Hindi ka pa nga nakainom, pero parang lasing ka na," tawang sabi ng lalaki, at tinapik lang ito ni Kim sa kanyang braso. Napatingin ako kay Matt na kanina pa nananahimik sa tabi ko. "Are you okay? You can go home if you're tired," I said with a smile, at umiling ito. Mukhang 'di mapakali si Matt. Ngumingisi ang dalawa habang nakatingin sa amin, kung ano naman ang naiisip nila. Minsan nagtataka nga rin ako kung nagsha-share ba sila ng brain cell. Tig-isa naming kinuha ang shot glass as we raised it. "To our birthday, girl," sabi ni Kim. Pinauna niya akong uminom at sumunod siya. Hindi ko pa nga totally nailalapat ang shot glass nang kinuha na ito ni Matt mula sa kamay ko. "You're not gonna drink tonight, Aphrodite." Inilagay niya ang glass palayo sa'kin, at tinitigan ko lang siya nang masama. "Why not?" tanong ko. "Because I said so." "Kahit isang shot lang?" pagpupumilit ko, at hindi siya nagdalawang-isip na inumin ang nasa glass ko. "Mahirap talaga pag strict ang boyfriend, beshie," pigil-tawang sabi ni Kim. Feeling ko naka-tatlong shot na siya, at ako, ni isa ay wala. Inirapan ko lang siya. "Anong boyfriend? Hoy, wala akong boyfriend. G*ga neto, oh." "Alam mo, Swannie boy, hirap niyan magka-boyfriend. 'Kung gusto niyang patunayan na mahal niya ako, saluhin niya 'yung bala na para sa 'kin,' tandang-tanda ko pa noong sinabi niya sa 'kin 'yan." Tawang-tawa pa siya, at napasabay rin si Zaire. Akala nila siguro ay nagjo-joke lang ako. Bawat lagay ni Kim sa glass ko ay iniinom ni Matt, pati ang sa kanya. Maya't-maya ay naubos na nila ang isang bote at kalahati na rin ang isa. Hindi pa rin nalalasing si Matt. Si Kim ay medyo nasa wisyo pa, habang si Zaire ay parang isang pitik na lang ay makakatulog na. Sa bilis ng oras, nabuksan na nila ang pangatlong bote. Sina Zaire at Kim ay mahimbing nang natutulog. Nasa kabilang dulo ang ulo ni Zaire, ganoon din kay Kim, ngunit ang paa ni Kim ay nakatanday kay Zaire at malapit sa mukha ng lalaki. Yuck. Si Matt naman ay parang ngayon pa lang tinatablan ng alcohol. "It's kinda late, and I'll be going home now, Aphrodite." Kanina pa niya ito sinasabi, tanda ko'y mga anim na beses na siguro. Akmang tatayo siya nang pigilan ko. Hindi sa gusto kong dito siya magpalipas ng gabi—sa akin lang, baka may mangyari pa sa daan, at konsensya ko pa 'yon. "Do you believe in aliens?" tanong nito. Nagulat ako sa narinig at napatawa nang kaunti. "Huh?" "Aliens, Aphrodite," ulit nito. "I heard you. And yes, naniniwala ako sa aliens." I saw how his eyes lit up with joy after those words left my mouth. "I've always wanted to be an astronaut," masayang sambit nito. "But my dad wouldn't let me." Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong niyakap habang umiiyak. I tried to remove his arms around me, but they were tight, parang gawa sa bakal ang mga braso niya. Umalis siya sa pagkakayap as I released a deep sigh. He is drunk, Aphrodite. That was just a meaningless hug. Tumawa na naman siya at nagsabi, "I saw a shooting star the other night, and I wished. Do you wanna know what my wish was? I wished that—" Para siyang batang sabik na sabik dahil may bagong laruan, ngunit pinigilan ko siya. Kahit disinuebe na ako, naniniwala pa rin ako sa shooting stars. "It's fine. If sasabihin mo 'yan, hindi matutupad ang wish mo," sabi ko, at pinunasan ang pawis at luha sa kanyang pisngi. Hindi ko alam, parang may sariling utak ang mga kamay ko—they automatically knew what to do. "Really?" he asked with disappointment in his voice as I nodded. "Maybe that's the reason why Bruno died." Nagsimula na naman mamasa ang kanyang mga mata. Bruno? Aso niya? "When I was eight, I told my mom that I saw a shooting star. I also told her that I wished for Bruno to live for a hundred years." Napatigil siya. Dogs only have a seven- to fourteen-year lifespan. And that sucks, really. They should live for twenty years–much more than that actually. "And when I woke up... Bruno was floating upside down in its aquarium. Bruno was my first-ever goldfish." At nagsimula na naman siyang umiyak. He hugged me again. Is it just me, or did the hug feel different? It was a drunk hug, yet it was gentle and comforting. I didn't know this cool, serious, and mysterious guy gives the best hugs. I slowly rubbed his back and mumbled a "shh," hoping na tumahan na siya sa pag-iyak. We stayed like this for a while; akala ko nga ay nakatulog na siya dahil hindi na siya umiimik. "Aphrodite?" he muttered. "Hmm?" I hummed, and he loosened the hug. "I have a joke," he said with a giggle. Hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang nababaliw. "Why did the chicken cross the road?" panimula nito. "Bakit?" "To get to the other side." Tumawa siya nang malakas. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa nang ganito. It sure is a treasure that I'll keep in my mind always. Nang makita niyang hindi ako tumawa, mukhang iiyak na naman siya. "I'm sorry if it isn't funny," he pouted, akmang iiyak na naman sana. I don't know, but this side of Matt is so cute. Sa likod ng ka-coolan mo, Matt, may tinatago ka palang lihim. "I think you should sleep and get some rest, Matt. You're drunk," sabi ko. Tatayo na sana si Matt at kinuha ang susi ng sasakyan mula sa kanyang bulsa. "Saan ka pupunta?" ani ko, at hinawakan ang kanyang pulsuhan. "I'm going home," he proudly said. Hindi ka nga makatayo nang maayos, magda-drive ka pa. Pinahiga ko si Matt sa mahabang upuang inuupuan namin. Tiningnan ko ang dalawa at mahimbing pa rin silang natutulog. Buti na lang hindi nila nakita ang nangyari kanina. Call me selfish, pero parang gusto ko na ako lang ang nakakita sa ganoong side ni Matt. Pumasok ako sa kwarto para kumuha ng kumot at unan para kay Matt. Tinatamad na akong hanapin ang mga hindi pa nagagamit, kaya pinahiram ko na lang sa kanya ang akin. Buti na lang nalabhan ito noong isang araw. Marahan kong itinaas ang ulo ni Matt at inilagay ang unan sa ilalim nito, pagkatapos ay I put the blanket over him. Umupo ako sa sahig. I crossed my arms as I rested my head on them. Hindi ko mapigilang tingnan ang natutulog na lalaki sa harapan ko. Ngayon ko pa lang siya nakita nang ganito kalapit. I wanted to caress his cheeks and play with his hair. Tiningnan ko ang bawat feature ng kanyang mukha. Ang ganda pala ng pilikmata niya—parang sa babae. Dahil sa pagod, hindi ko namalayang nakatulog ako. I woke up na may nakabalot nang kumot sa akin. Ako na ang nakahiga sa puwesto ni Matt. Sa pagkakaalala ko, para akong creep na tinititigan si Matt kagabi at sa sahig ako nakaupo. Nasaan pala si Matt? Bumangon ako at nakita si Matt na natutulog nang nakaupo sa paanan ko, while propping his elbow on the armrest and resting his head on his hand. I looked over sa kabilang upuan kung saan sila natulog ni Kim at Zaire—Kim was nowhere to be found. Nagmadali akong tumayo para hanapin si Kim, na nasa kusina lang pala at nagto-toothbrush. "Good morning, sleepyhead. I bet you had the best sleep ever, 'no?" ani Kim matapos niyang magmumog. Aga-aga, nanunukso na agad siya. "Good morning. Ano—" I greeted back, ngunit hindi niya ako pinatapos at ngumisi na parang kinikilig. "Beshie, kinikilig ako," pabulong niyang sabi. "Kilig? Saan?" I slightly tilted my head to the side dahil sa curiosity. Hinila niya ako papunta sa hapag-kainan at pinaupo. "Nagising ako bandang alas-tres kaninang umaga para mag-CR sana. Napatawa pa nga ako nang makita kong ang talampakan ko ay nasa mukha na ni Zaire at naka nga-nga pa siya." Tumawa muna siya bago nagpatuloy. "Back to the story, nakita ko si Matty boy na binuhat ka para ikaw ang ihiga sa couch, tapos nilagyan ka niya ng kumot. Noong narinig ka nga niyang humilik, napatawa pa siya nang mahina. Bago siya natulog ulit, siniguro muna niyang komportable ka. Isn't it the sweetest thing in the world? Kinikilig ako, beshie." Hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin ni Kim; parang gusto niyang tumalon-talon o sumigaw dahil sa kilig. Nanahimik lang ako dahil hindi ko in-expect na gagawin iyon ni Matt. "Namumula ka na naman, oh," ani Kim. Oo, Kim, alam ko—ramdam ko ang init sa mukha ko. "Tumahimik ka nga," sabi ko bago tumayo at pumasok sa banyo. 'Yon ba talaga ang nangyari kagabi? I looked at the mirror to see my face, parang kamatis na sa pula. Ano ba 'to? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? This is weird. Paglabas ko ng banyo, nakaupo na si Matt sa hapag habang nakapikit ang mga mata as his fingers were pinching his nose. I tried to quietly walk past him, hoping he wouldn't notice. "Good morning, Aphrodite," ani Matt. "P-paano...?" I mumbled. Nakapikit ang mga mata niya—paano niya ako nakita? "Good m-morning, Matt," sagot ko, hirap magsalita dahil sa naalala ko ang kinuwento ni Kim. "Come, sit." He moved the chair beside him and patted it, and I obliged. "Did you sleep well?" tanong nito, at namula na naman ako. Akmang sasagot na sana ako nang marinig ko siyang magmura. "Mierda." Sh*t. "Okay ka lang ba? Timplahan kita ng kape." Tumanggi pa siya noong una, pero wala na siyang nagawa nang magpainit na ako ng tubig. "Sa ganoon karami ang nainom mo kagabi, imposibleng wala kang hangover." I tiptoed para kunin ang tasa sa aparador, but to no avail. Bakit ba kasi ang taas ng aparador na 'to? Kukuha sana ako ng upuan nang maramdaman kong may bumangga sa likod ko. Inabot ni Matt ang tasa at ibinigay sa akin. "Thank y-you," nautal kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD