Nagising ako ng maaga dahil sa ingay na pinaggagawa ni Kim. Yung sofa sa sala ay parang inuusog. Kapag minsan kasi na wala siyang magawa, ang bahay yung nadi-diskitahan niya. Nililinis niya ito at ina-arrange, kaya yung bahay ay pabago-bago ng arrangement twice or thrice a month. I groaned and removed the blanket na nakabalot sa aking paa as I turned to my side. I checked my phone to see kung anong oras na and rubbed my sleepy eyes.
Nakita ko na may tatlong text messages at in-open ito. Una kong binuksan ang text ni Papa.
Happy birthday, anak! Sayang wala na naman si Papa diyan para i-celebrate yung birthday mo. Promise, babawi ako sa'yo. Tatawag ako sa'yo pag may bakante akong oras mamaya. Love you, nak!
Pagkatapos ay ang kay Kim.
So, bakit ba ako mag g-greet sa'yo? Our friendship has already ended yesterday. Akala mo hindi masakit para sa'kin na masarap yung pagluto nila Mommy sa'yo ng grahams? Duh. Alam ko naman na ibibigay mo sa'kin lahat 'yon, kaya I changed my mind. Ha-ha. Happy birthday, pangit!
Yung last message ay galing sa number na hindi naka-save sa aking contacts. Hindi ko muna ito binuksan dahil kung kay sino na naman ito nanggaling o baka mga scam messages naman 'to. Ngunit kalahati ng curiosity ko ang bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko napigilan ang sarili at binuksan ito.
Happy birthday, Aphrodite! – M.
M? Sinong M? Agad na pumasok sa isip ko si Matt. Sa dami ng posibilidad na ibang M 'yan, pero bakit si Matt? Nagmadali akong bumangon at pinuntahan si Kim na dala-dala ang cellphone. Paniguradong kagagawan niya naman 'to.
"Kim!" Sigaw ko sa kanya habang palabas ng kwarto. Katahimikan lang ang nakuha kong sagot. Napatingin-tingin ako sa aking paligid para hanapin ang duwendeng 'yon.
"Bakit?" tanong nito habang pinupunasan ang kanyang kamay sa likod ng kanyang T-shirt.
"Ano 'to?" Pinatingin ko sa kanya ang text message at napangisi ito na parang loka. Inalis niya ang kanyang mata sa cellphone at tumingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at naghihintay pa rin ng sagot.
"I may or may not 'accidentally' gave your number to Matty boy last night." She innocently smiled and gave me the eyes ng isang basang tuta. Hindi ko na nagawang pagalitan si Kim—like I usually do—nang matapos kong marinig ang sinabi niya. Naramdaman ko na naman ang init na pumunta sa mga pisngi ko. Feeling ko nag-shut down yung utak at katawan ko. Tama nga naman ang sabi nila, curiosity kills the cat. I think I died.
"You're welcome, and 'yan na ang birthday ko sa 'yo." Binalik niya sa akin ang phone ko at naka-rename na ang number to, My Labidabs.
"Ew. Ang corny mo, Kim." Narinig ko na tumawa ito nang malakas mula sa kusina.
The same morning. Alas-sais pa lang at may oras pa kaming makapaghanda papuntang school. Nagprito muna ako ng itlog at bacon habang si Kim ay nasa banyo pa. Pinainit ko muna ang non-stick pan at inuna ang itlog, pagkatapos ay sinunod ko ang anim na strips ng bacon. Tamang-tama, pagkatapos lahat maluto ay nakabihis na si Kim. Ano ba naman, kung maligo ay akala mo katiting na tubig lang ang lumalabas sa gripo—kay tagal kung matapos, eh.
"Na-lock mo na ba yung pinto sa likod?" tanong ko kay Kim habang tumatakbo ito palabas ng bahay. Guess what? Siyempre, late na naman kami. Ganyan ka-powerful ang powers namin pag pinagsama. Madalas talaga late ako, at minsan ay nahahawaan ko itong best friend ko. Parati kasi siyang maaga kung magising, at katulad kaming dalawa na matagal sa banyo kung maligo. Maraming nagtataka kung ano ang mga ginagawa ng tao sa loob ng banyo kung maligo. Actually, it's because nauuna naming magsabon sa ulo, tapos magbabanlaw kami, tapos yung katawan naman. Dalawang sabon pa yung ginagawa namin. Yung una ay yung mags-scrub kami, tapos yung pangalawang sabon ay yung para matanggal lalo ang mga dumi. Binabanlawan din namin nang maigi yung katawan dahil yung mga sabong hindi matanggal ay puwedeng maging stain sa balat mo. Kung hindi mo masyadong mabanlawan ang leeg, may posibilidad itong mangitim dahil sa sabon.
Hingal kaming tumatakbo palabas ng subdivision nang may pumaradang itim na sasakyan. Familiar... Ano 'to? Deja vu? Don't tell me na si Matt na naman ang nasa loob ng sasakyan. Bumaba ang tinted na bintana nito, revealing the person inside. Thank God, si Zaire lang. Sa pagkakaalala ko ay iba yung kulay ng sasakyan ni Zaire, eh.
"Do you need a ride?" pag-anyaya ni Zaire. Magkapatid nga talaga silang dalawa, kahit sa mga pananalita at sasakyan ay halos magkapareho na. Noong una ay ayaw ko pa kasi nahihiya ako, pero mapilit si Kim, eh. At tsaka kanina pa ito nagre-reklamo na pagod na.
Nakapaskil ang ngiti sa mga labi ni Kim at sabik na patakbong pumunta sa passenger seat. Si Zaire naman ay sinusundan ang galaw ni Kim. Siya pa mismo ang nagbukas ng pinto mula sa loob. Napangiti ako—'pag makakita ako ng ganito ka-sweet na lalaki ay parang kinikilig ako. Super maalaga na, mabait pa.
Kumilos ako at pumunta na rin sa back seat. Akmang hahawakan ko ito nang bigla itong bumukas mag-isa. Binuksan pa lalo ang pinto at napatigil ako sa nakita. I was fighting with my inner self kung tatabi ba ako kay Matt. Hindi ako nakagalaw. Napatingin ako sa harap at ang dalawa ay sa amin nakatingin.
"Swannie, we're late, remember?" Binigyan pa ito ng parang naiinis na boses ni Kim. Napatingin ako sa kanya nang masama at kalauna'y napalunok. I remembered what happened last night...
I laid on my back, staring dumb-foundedly at the ceiling. His lips were on mine. It was soft and it faintly tasted sweet. I gently traced my lips with my fingers kung saan lumapat ang kanyang malalambot at mapupulang mga labi. I was mad, not because he "accidentally" stole my first kiss. It is because I want my first kiss to be shared with the person I love and with the person who felt the same. Napabuntong-hininga na lang ako at isinara ang mga mata. May magagawa pa ba ako?
"Come in, Aphrodite," sabi nito in a low and husky voice habang ang mga tingin ay nasa likod ng ulo ni Zaire. Pumasok ako at umupo na. I left a space between us.
Habang bumabyahe ay nasa bintana lang ako nakatingin at hindi na ako gumalaw, hoping na makalimutan nila na nandito ako sa loob. Napaisip rin ako kung si Matt talaga yung nag-text, bakit hindi niya ako nito binati. Knowing him, kanina pa niya dapat ako pinakialaman.
"Buti na lang dumaan si Kuya sa bahay. Flat kasi yung pang-likod ng sasakyan ko," paliwanag ni Zaire.
Hindi ko maiwasan na hindi makanakaw ng sulyap kay Matt at nakita ko na nakatitig na pala ito. At hindi lang ito simpleng titig—yung titig niya ay nakakatunaw. Parang magkakausog naman ako sa tingin nito. I forced a smile and quickly looked away as I earned a chuckle from him. Ilang minuto ng tawanan at pag-aaway ang narinig ko sa kanila nina Kim at Zaire, habang ilang minuto rin ang pang-iinit at pamumula ng mukha ko dito.
Nakarating na rin kami sa school, at sa labas pa lang ay mukha na itong ghost town dahil sa katahimikan at wala akong estudyanteng nakikita sa labas, maliban sa guard ng school na nakabantay sa gate. Pinapasok ni Zaire ang sasakyan at nag-o-obserba ako sa paligid. Wala talagang tao dito.
Nang nakapark na si Zaire ay bumaba ako ng sasakyan at sumunod naman si Kim habang sumisigaw ng, "Yay. Walang pasok," habang nagpaiwan muna ang dalawa sa loob. Sinalubong kami ni Sir Lerio at sinabihan na may special occasion daw ngayon at pinauwi na lang ang mga estudyante, pati na rin ang mga teachers. Uuwi na rin daw ito maya't-maya kaso hinihintay niya pa yung owner ng school dahil may meeting sila ngayon. Oo nga pala, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang owner ng school. Nagpaalam si Sir na babalik na ito sa kanyang office, nginitian lang namin ito bilang sagot.
"Gusto mo mag-shopping, Swan? Total wala naman tayong pasok," Kim suggested.
"Pwede rin, basta bibilhan mo 'ko ng gift, ha." Tumawa lang ito, unsure kung nag-oo ba siya o hindi.
Patalon-talon na parang bata na pinuntahan ni Kim si Zaire na nag-uusap sa kanyang kapatid. Ang cute niya talaga, dahil iniwan niya akong mag-isa dito. Nakatingin lang ako sa kanila at bago pumunta si Matt sa direksyon kung saan ako nakatayo, parang may itinugon siya kay Zaire. Hindi ko marinig kung ano dahil medyo malayo ako sa kanila.
"I've heard you're going shopping?" tanong nito, at tumango lang ako.
"I have something to do and I'll be staying here until..." He paused. Naningkit ang mata niyang tinignan ang relo.
"Until twelve noon," he continued. Huh? Siguro kailangan niya ring magpaiwan dito. Siyempre, kailangan niya ring gampanan ang papel niya bilang bodyguard ng owner ng school.
"You're gonna wait for the owner too?" tanong ko. Sa kada araw na kasama ko siya, nahahawa na rin ako sa kaka-English niya.
"Swan, halika na!" Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Kim na nakasakay na.
"I have to go, Matt," paalam ko sa kanya.
"Have fun, principessa." He waved off with a soft smile. Have fun, princess.
Medyo madilim na nang lumabas kami ng mall. Tantiya ko ay nasa quarter to six na. Maraming bitbit na paper bags sa magkabilang kamay. Kanina pa kami ikot nang ikot dito, at sa tanda ko ay pang-apat na mall na ata 'to. Binilhan ako ni Kim ng bracelet. Matagal ko na itong gustong bilhin kaso bina-budget ko yung perang binibigay ni Papa at sini-save rin pag may sobra ito. Nagpunta kami sa sine, sa mga arcades, at sa mga restaurants. I was so happy. If this is a plan of Kim for spending my birthday, she succeeded. I enjoyed every second, minute, and hour that I spent with them. Although, I was kind of hoping that Matt could've went with us.
"Ang sakit na ng mga paa ko," reklamo ni Kim. Zaire looked at her with concern in his eyes. Feeling ko kung wala lang itong mga bitbit ay kanina pa niya ito binuhat.
"Malapit na tayo, Kimmy." Pinunasan nito ang tumutulong pawis sa mukha ni Kim. Napairap ako sa aking nakita at napatawa nang mahina. Obvious na gusto nila ang isa't isa, bakit ba mahirap para sa kanila ang mag-amin?
"Beshie, okay ka lang diyan sa likod?" tanong ni Kim habang nakatingin sa akin sa rearview mirror.
"Oo, siyempre. Napakakomportable ko nga dito, oh," sarkastikong sagot ko. Kailan pa naging komportable ang naiipit dahil sa mga paper bags? Sa likod ng sasakyan at dito sa tabi ko ay puno na ng paper bags. Parang binili na ata ni Kim ang buong mall, ah.
"Good." At pagkatapos noon ay sumabay ito sa kanta na nagpe-play sa radio. Sa pagkakaalam ko, magastos siya sa magastos, pero hindi ganito ka bongga. At sa nakikita ko ngayon parang masaya siya. Napatingin ako kay Zaire na seryosong nagda-drive. There's something fishy going on.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa biyahe, at pagkamulat ko ay nasa labas na kami ng bahay. Bakit naka-on yung mga ilaw? I was sure that everything was secured before kami umalis ng bahay. Maybe nauna na sila ni Kim at hindi ako ginising. Nagmadali akong bumaba at pumasok ng bahay. May ingay akong naririnig mula sa loob. Pagbukas ko ng gate ay bumungad sa akin ang mukha ni Matt.
"Matt? W-what are you doing here? How did you enter the ho—" I was so stunned by the person in front of me that I couldn't even properly gather my words.
"Shh. Don't worry. That mushroom friend of yours gave me permission, and also the key." He gently put a hand on my cheek and held my hand as he pulled me inside.
He was holding my hands like he used to do these past few days. Nagtataka ko siyang tinignan sa mata. Actually, sa labas lang pala ng bahay naka-bukas ang ilaw. Pagpasok namin sa loob ay madilim ito, at pag-on ko ng switch ay nabigla ako sa aking nakita. My friends are here, smiles were on their faces. Nalaglag ang panga ko at nakita ko kung gaano ka-effort ang ginawa nila. This is not what I expected. Ang gusto ko lang ay makasalo ang mga mahahalaga sa aking buhay, and I was planning to video call my dad from Dubai.
Kinagat ko ang labi at gustong maiyak sa nakita. Everyone greeted me a "happy birthday," at biglang nag-ingay ang mga nasa loob ng bahay ko. I saw Kim holding a cake. Dahan-dahan siyang pumunta sa harap ko habang kinakanta ang birthday song.
I closed my eyes and made a wish. I'm really grateful to have this kind of people in my life.