Chapter 10

2305 Words
Ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko. Is he about to kiss me? No! My first kiss. I was about to push him when I suddenly smelled his manly scent. He smells like sandalwood with a mix of different kinds of spices that were put together as one. I can also feel his warm breath brushing onto the skin of my face. Only God knows how nervous I am the moment he looked down onto my lips. He playfully bit his own lips and shifted his light blue eyes onto mine. This feeling—I hate this. My body is betraying me. I want to push him away, but I can't move. This is insane! And before his lips linked on mine, my phone rang. I praised and thanked all the gods in heaven. Napaigtad ako at napamadaling hinanap ang cellphone, but before I could say anything, nakuha na niya ang seatbelt ko. Napatingin ako sa labas at nakitang nasa tapat ng bahay na pala ako. Tiningnan ko siya ulit na nakangisi at nakatuon sa labas ang tingin habang dahan-dahan kong sinasagot ang tawag. "Hello?" I answered na hindi ko tinitingnan kung sino. "Hey! Aphrodite, where are you?" Rinig ang pag-aalala sa boses ng tao sa kabilang linya. "Outside," I briefly answered. Nasa kay Matt ang paningin ko at wala ako sa sariling sumasagot kay Kim. Does he really want to kiss me? Or just teasing me? I'm confused, I really am. "Anong ginagawa mo diyan? Andito ako sa bahay mo!" "Kissing." Wala sa sarili kong sagot. Napatingin si Matt sa akin, at kasabay noon ang pagbuhay ng laman ko. "Wait, no! Sh*t! I mean, papasok na ako diyan." Natataranta kong binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas ako, at dali-daling binuksan ang gate. Nakakahiya ang ginawa ko, and nang nakapasok na ako completely sa gate, I remembered that I never said thank you to Matt. Pinatay ko ang tawag habang si Kim ay may sinasabi pa sa kabilang linya. Bumalik ako sa nakaparadang sasakyan sa labas, at bago pa ako kumatok ay bumaba na ang bintana niya. "Do you want something?" tanong nito. Kitang-kita ko pa kung paano niya ako pinakitaan ng malademonyo niyang ngiti. "I-I just wanted to thank y-you." I tried so hard not to stutter, but I failed. Pagkatapos niya akong nginitian ng ganyan, I swallowed the big lump that formed in my throat. His looks—no. He himself is just so breathtaking that I feel like I've been looking at a million-dollar painting. Everything about him looks perfect, kahit hindi ko pa man siya ganoon kakilala. "Hoy, Swan! Kanina pa 'ko naghihintay at nag-aalala sa'yo. 'Di mo man lang ako tinawagan at pinaalam!" sigaw ni Kim mula sa gate habang papunta sa akin. She peeked to see who's inside the car, para siguro ikumpirma na si Matt nga ang kasama ko. "Hi, kuya ni Zaire!" Abot tengang ngiti ang pagbati ni Kim kay Matt, ngunit tumango lang ito at ibinaling ulit ang tingin sa akin. Grabe, kung gaano kabilis pumalit ang mood ni Kim, ganoon din si Matt—napakasuplado naman nito. "Matt, thank you for the ride." "Hala! Close na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kim. "Hindi," mabilis kong sagot. Ayokong mag-overthink si Matt at wala pa akong tiwala sa kaniya. Marami ang nagsasabi na gwapo ang demonyo, kaya hindi ko siya dapat pagkatiwalaan. Napatingin ako kay Matt. Na-offend ko ba siya? Nakataas ang isang kilay niyang tiningnan ako. Lumunok ako at wala sa isip na tumalikod. Mas mabuti ngang pumasok na lang ako sa bahay. Napahawak ako sa dibdib dahil sobrang bilis nito. Papasok ako sa loob—kailangan ko ng tubig. Papunta ako sa kusina nang bigla akong nagulat kay Zaire. Naka-apron siya at nagluluto. "Anong ginagawa mo dito?" habang nakahawak pa rin sa dibdib ang isa kong kamay. Nanlalaki ang mata at hingal na tanong ko sa kaniya. "Nagutom si Kimmy, eh. Tapos ang sabi, dito raw kami kakain dahil hihintayin ka namin. Saan ba kayo nanggaling? Bakit ginabi ng uwi?" May pagtutukso sa boses niya at ngiting-aso ang hinarap sa akin. Tumango ako at hindi na pinansin ang panunukso ng kaibigan. Naghanap ako ng tubig sa ref at uminom mismo sa babasaging pitsel. "Hey, slow down." Nabuga ko ang tubig na nasa bibig nang marinig ko ang malalim na boses ni Matt. Nagtatanong ang mata ko nang tiningnan ko sila. Agad na lumapit si Matt sa harapan ko at pinunasan ang mukhang kong puno ng tubig. "Beshie, pinapasok ko na. Gusto ko kasing maglaro ng bridge. Tatlo lang naman tayo ang nandito—kailangan pa ng isa kaya niyaya ko si kuya ni Zaire." "Hoy, Kimmy, 'yan ang tawag mo kay Matt? Ang pangit pakinggan," ani Zaire habang nilalagay ang spaghetti na niluto sa lalagyanan. "Talaga ba? Eh, kung Matty boy na lang?" Malakas na tumawa si Zaire na akala mo'y wala nang bukas. Hindi sila pinansin ni Matt at nasa akin lang ang tingin niya habang abala sa pagpupunas ng tubig sa mukha ko. "Are you okay?" tanong niya, dahilan ng pamumula ng buo kong mukha. Bakit ganito siya ka-sweet? Nakaramdam ako ng kaba, at parang lahat ng dugo ko ay pumunta sa mukha ko dahil sa mababa niyang boses at sa titig niyang diretso sa aking mga mata. Para na akong hihimatayin dahil sa lapit niya. Breathe, Aphrodite. "Aakyat muna ako sa taas." Dali-dali akong umalis at tinungo ang sariling kwarto. Mabilis ang t***k ng puso ko. Bakit niya ako tiningnan nang gano'n? Kinagat ko ang ibabang labi dahil nararamdaman ko pa rin ang bakas ng panyong ipinunas niya sa mukha ko. Hinawakan ko ang gilid ng labi ko kung saan niya ipinunas ang panyo. Natapos akong maglinis at agad akong lumabas ng kwarto na naka-pajamas at pares na long sleeves. Paglabas ko ng kwarto ay agad kong nakita si Kim na kumakain ng spaghetti habang naka-de kwatro sa mahabang sofa. Si Matt naman ay nasa isahang upuan at may ginagawa sa cellphone niya, si Zaire ay katabi ni Kim. Nakaakbay ang isang kamay niya sa sandalan ni Kim at masusing nanonood ng TV. Feel na feel nila ang bahay ko! Isang palapag lang ang bahay namin, at paglabas ko ng kwarto ay sala agad ang makakaharap ko. Maingay akong pumunta sa tabi ni Kim. Napatingin sa akin si Matt. Lumunok ako at umupo. "Nasan 'yung card?" tanong ko kay Kim. "Hmm." Tinuro niya si Zaire habang ngumunguya. Maraming laman ang bibig niya kaya hindi siya makapagsalita. Hinampas pa niya si Zaire dahil hindi ito kaagad gumalaw. Nagbuntong-hininga ang lalaki at masamang tiningnan ang nakangising si Kim. Tumayo si Zaire at may kinuha sa kusina. Nahirapan lunukin ni Kim ang nasa bibig niya, at nang bumalik si Zaire ay inilagay niya ang nakabalot na card sa mesa—sa harap ko mismo. Binigyan niya si Kim ng tubig at masama na namang tiningnan ang kaibigan ko. "Dahan-dahan kasi. Hindi ka naman namin uubusan, eh," may inis sa boses ni Zaire at hinagod ang likod ni Kim. "Okay ka na?" Masayang tumango si Kim at nginitian si Zaire. "Gusto ko nang maglaro." Palagi namang ganito 'to—isang sabi lang ni Kim, ginagawan agad ng paraan ni Zaire. Napatingin ako kay Matt at nagsisi dahil sa akin pala siya nakatingin. Nahiya tuloy ako. Nagsimula nang maglaro. Nasa square table kami, nasa gilid ko si Matt at Kim, habang nasa harapan ko naman si Zaire. Naka-upo kaming lahat sa sahig. Hindi ko alam, pero parang naiilang si Matt na umupo. Imposible namang hindi pa siya nakaupo sa sahig. Mas maraming panalo si Kim—apat na ata. Sunod ay si Matt na may tatlong panalo, tapos naka-isang puntos pa lang kami ni Zaire. Maya't maya ang tawa ni Kim kay Zaire, si Zaire naman ay masama lang na pinagmamasdan si Kim. "Hobby mo na talaga ang pagtatawanan ako, 'no?" naka-busangot si Zaire. Si Kim naman ay tawa ulit nang tawa. Nahawa ako sa tawa ni Kim at kumuha ng popcorn sa harap namin nang sabay kaming napakuha ni Matt. Nagbanggaan ang kamay namin at nakaramdam ako ng kuryente. Agad kong inalis ang kamay ko at maayos na umupo. Namula ako dahil sa biglaang kaba. Tiningnan ko si Kim na ngayon ay may munting asong ngiti sa labi. "Swannie, namumula ka." Hindi iyon pag-aalala kundi panunukso. Nabigla ako nang biglang tumawa si Matt—mahina lang—at dahil doon ay nadagdagan ang pamumula ng pisngi ko. "Tingnan mo si Swannie oh, v*rgin na v*rgin." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kim habang malakas na tumatawa. Hinampas pa sa balikat ang nakakunot-noong si Zaire. "Kimmy, watch your words," sermon ni Zaire sa kaniya, pero parang wala siyang narinig at muling nagsalita. "Palibhasa, beshie, hindi ka pa nakakahalik, kaya konting dikit lang ay namumula ka na." Tawa ulit si Kim nang tawa. May nabanggit siya sa akin noon, pero hindi alam ni Zaire. Natatawa siya nang bigla silang nagtinginan ni Zaire, at biglang nawala ang tawa niya. Si Matt at ako naman ay nakatunghay lang sa kanilang dalawa. "Swannie, pinayagan na ako nila Mommy na dito ako matulog bukas," panimula ni Kim. "Oo nga pala, nakaluto na sila Mommy ng mga dessert para bukas. Lahat ng paborito mo ay niluto niya. Noong pagde-debut ko noon, hindi ako ginawan nila Mommy ng grahams, tapos itong sa'yo talagang pinarahipan pa nila. Naiinggit na talaga ako sa'yo, beshie. Kaya 'wag kang mabibigla kung isang araw hindi na kita kakausapin!" Inirapan niya pa ako kaya natawa ako sa ginawa niya. Naglibot ang mata ko dahil five of hearts na lang ang nasa kamay ko. Apat na puntos na ang kina Kim at Matt, dalawang puntos ang kay Zaire, at isa naman ang sa akin. Alam kong hindi na ako mananalo, pero kinakabahan ako kapag si Kim ang manalo. Pero ang mga kalaro ko ay parang relax na relax lang—parang panatag na mananalo. "Aphrodite, baba mo na," ani Matt at pinapababa ang hawak kong baraha. Tiningnan ko siya; nginitian niya ako kaya kahit papaano ay nawala ang kaunting kaba ko. Okay lang na matalo ako—at least may ngumiti sa akin nang gano'n kagwapo. Palihim akong kinilig dahil sa ngiti niya. Binaba ko ang baraha at tumawa nang malakas si Kim. Si Matt ay ibinaba na rin ang baraha. Nabigla pa ako nang two of hearts ang nasa kamay niya. Bakit gano'n? Kung maka-ngiti siya kanina, parang panatag na panatag na mananalo siya—iyon pala, pinakamababang baraha ang hawak niya. Nabigla ako at nagulat sa malakas na tawa nina Zaire at Kim. Itong dalawang 'to, partner talaga sa lahat. Parang gusto ko silang itali at isaksak ang baraha sa mga bunganga nila para hindi na makatawa. Matapang at may pagkamayabang na inilapag ni Zaire ang baraha niya at hindi makapaniwalang tiningnan ko ang mayabang na mata niya habang nakatingin sa kuya niya—eh three of hearts lang naman ang hawak niya. Mas lalong natawa si Kim. "Mga bobo," sabi niya at malakas na inilapag sa harap namin ang eight of hearts. Taas-noo siyang tumayo at unang nilapitan si Zaire. Pumitik siya sa tenga nito, at agad namang napahawak si Zaire doon, kita sa mukha ang sakit. Tinawanan siya ni Kim at nilapitan si Matt. "Oh... here you go, my future best friend-in-law." Lumuhod si Kim sa harap niya at pumitik din sa tenga ni Matt. Nanlalaki ang mata ni Matt habang tinitingnan si Kim. "Are you really a girl?" mangha at gulat niyang tanong kay Kim. "Yeah... a very cute, girly, and gorgeous girl," mayabang at may pagpupuri sa sarili niyang sagot. Tatayo na sana si Kim pero nabigla kaming lahat nang hawakan ni Matt ang braso niya. Gulat na tiningnan nina Kim at Zaire ang ginawa niya; pati ako ay nagulat din. "Matt, what are you doing?" inis na tanong ni Zaire sa kapatid. "Just flick me instead." Binitiwan niya si Kim, at ang kaibigan kong ubod ng sama ang elemento sa utak ay nginisihan ako nang bongga. "Hala, ang sweet!" hirit pa niya na natatawa. Ako naman ay hindi makagalaw sa narinig. Mabilis ang t***k ng puso ko. Ayaw niyang masaktan ako? Bakit? Umayos ng upo si Kim, nag-stretching at ginalaw ang ulo na parang pinaghahandaan talaga ang pagpipitík kay Matt. Natawa si Zaire dahil naghanda rin si Matt ng sarili. Nanliliit ang mata ni Kim habang tinitingnan ang pulang tenga ni Matt. Balak atang tirahin ang mapulang parte kung saan siya unang pumitik. At sa pangalawang pitik ni Kim, nakita ko ang sakit sa mukha ni Matt. Naawa akong tiningnan siya nang mapansing napaluha siya sa sakit ng tenga. "Hoy, Kim!" saway ko sa kaibigan kahit alam kong huli na. Nilapitan ko si Matt at tiningnan ang pulang-pula niyang tenga. "Ayiee... ang sweet nila, oh. Pinagtatanggol ang isa't isa," ani Kim at humagikgik sa tabi. Napatingin ako kay Matt na nakatingin din sa akin. Nawala ang sakit sa mukha niya at seryoso siyang nakatitig. Nabigla ako nang bigla siyang umusog at nanlaki ang mata ko nang maglapat ang mga labi namin sa isa't isa. Nanlalaki rin ang mata niya at kita ang pagkagulat. Agad kaming lumayo sa isa't isa at napatayo. Si Kim naman ay tawa nang tawa. "Kimmy, bakit mo tinulak si Matt?" Hindi galit ang boses ni Zaire at natatawa pa habang nagsasalita. "Oops. Sorry. My fault," sagot ni Kim, at sabay silang tumawa ni Zaire. Namumula na ako; si Matt naman ay hindi kumibo. Agad akong umalis at nagtungo sa kwarto. Malakas kong sinara ang pinto dahil sa pagmamadaling maitago ang mukha sa kahihiyan. Hawak ng isang kamay ko ang dibdib at ang isa ay nasa labi. Kahit dumikit lang ang labi namin, ramdam ko ang lambot ng bibig niya—na para bang gusto kong maulit. Hay nako, Aphrodite!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD