Wala akong nagawa kundi ang tumunganga nang hinatak ako papasok ni Matt sa isang restaurant. Una ay akala ko isa itong building na may tatlong palapag. But, what the hell?! What is this place? Kulay pula ang ilaw na nakabalot sa buong lugar. Maginaw at napakapresko ng hangin.
Napalunok ako nang masilayan ko kung gaano kataas ang kisame at may isang napakalaking chandelier. Napakalapad ng lugar na 'to, may malaking counter sa dulo, at sa tantiya ko ay aabutin ng isang daang lamesa ang magkakasiya sa lugar na 'to, ngunit mayroon lang trenta na nasa harap. May mga couch sa kada gilid at may stage sa isang sulok. Nandoon ang babaeng kumakanta at may mga lalaking mahinang tumutugtog. May mga waiter na naglalakad na nakasuot ng kanilang mga uniporme, at kung hindi ako nagkakamali ay kulay asul ang kanilang mga damit. Hindi ko matukoy dahil sa lighting ng restaurant na 'to.
Nasa paligid ang mga mata ko habang hatak-hatak ako ni Matt, hanggang sa naramdaman ko ang pagpaupo niya sa akin, pero nasa counter ang tingin ko. Namamangha pa rin ako sa lugar. Mabango ang sinisinghot kong hangin at para akong hinihila ng napakagandang boses ng babae. But wait, is she naked? Nanlaki ang mata ko nang tama nga ang nakikita ko.
"Hey, look at me." Mababang boses ang nagpukaw ng natutulog kong diwa.
"Set your eyes only for me." Napalunok ako sa sunod niyang sinabi. Masyado ka ring husky. Parang kinikilig tuloy ako sa boses niya. Umiwas ako ng tingin at nagtagpo ang mata ko sa isang familiar na lalaki.
"I said to look at me, la mia donna." He gently held my face, na ikinagulat ko. Bakit hawak siya nang hawak? Nakakatakot kaya siya. I said to look at me, my lady.
"Wait, I think I know that guy," sabi ko at akmang tatayo na sana nang hinawakan ni Matt ang kamay ko.
"In this place, you see and know nothing."
Bahagyang tumaas ang isa kong kilay at nagtataka ko siyang tiningnan.
"I'm sorry. I don't know where to bring you kaya dito kita dinala. Is it uncomfortable?"
Talaga bang nagtanong siya? May nakahubad na babae sa stage tapos tatanungin niya ako kung uncomfortable ako sa lugar na 'to? Is he insane or something? Peke akong ngumiti at marahang tumango. Tiningnan ko na lang ang basong nasa harap ko; may laman na itong tubig.
"I'm sorry. I should've asked you first. Do you want to go? Let's go somewhere else." Patayo na siya nang pinigilan ko.
"Okay lang. Gusto ko rin namang matikman ang pagkain dito."
"Are you sure?" Paninigurado nito, parang hindi pa siya naniwala sa sinabi ko. Nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalala na baka hindi ko gusto dito. Actually, gustong-gusto ko nga dito—'yung babaeng nakahubad lang ang hindi.
"Yeah. 'Yun lang ang nakakailang." Tinuro ko ang babaeng nakahubad sa ibabaw ng stage gamit ang aking labi.
"'Wag!" Mahina kong sigaw nang akma siyang lilingon sa tinuro ko.
"Why?"
"'Wag mong dumihan 'yang mga mata mo," bulong ko. Oo, at matanda na siya. Sa tantiya ko ay nasa twenty-five ata ang edad, pero kasi nakahubad 'yung babae. Hindi ba't kapag naghuhubad ang mga babae tapos makikita ng mga lalaki ay pagpapantasiyahan agad nila ito?
"Wh-what?" Nagtataka niyang tanong.
"Kung hindi mo napansin kanina, nakahubad kasi ang babaeng nasa stage." Bahagya ko pang tinakpan ang bibig ko.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang tumawa siya nang mahina. Nakita ko kung paano niya tinakpan ang bibig at ginalaw ang hintuturo niya sa matangos niyang ilong. Tinaas niya ang isa niyang kamay at agad na pumunta ang isang lalaking waiter. Tiningnan ako nang mabuti ng waiter at tiningnan niya ang damit ko. Naka-uniform pa naman ako kaya yumuko ako sa hiya. Napansin ko kasi na ang gaganda ng mga damit ng babaeng naririto, tapos ang s-sexy pa. Binigay niya ang menu kay Matt.
"I want Francesca to serve us the food later." Napatingin ako sa kaniya at hinintay ang susunod niyang sasabihin, pero pinayuko niya ang lalaki at may binulong. Pagkatapos ay tumayo nang tuwid ang waiter at tumango bago umalis.
"What do you want to eat?" Mababang boses niyang tanong. Sasagot na sana ako nang napatingin ako sa stage. Nawala kasi 'yung kumakanta at nakita kong umalis siya sa ibabaw, at pagbalik niya ay may damit na siya.
"Look at me, Aphrodite!" Napaigtad ako sa boses ni Matt.
"A-ahh, yes. Ano nga 'yon?" tanong ko at kinuha ang menu sa gilid ko.
"Gnocchi Sorrento... Fettuccini Alf—" Natigilan ako sa pagbabasa nang makita ko ang presyo sa kabila. Totoo ba 'to? I blinked several times to make sure sa mga nakikita kong numero. Isang serve, six hundred agad? Tumingin ako kay Matt.
"Family size ba 'to?" tanong ko at itinuro ang mga nakalagay sa menu.
"Silly. You want that?" sabi niya na natatawa pa, and he talked about Gnocchi Sorrento.
Ano kaya ang nakakatawa sa tanong ko? Tumango ako.
"What else?"
"Okay na 'to," sagot ko na nasa menu ang mata. Marami akong nakitang masasarap, pero nahihiya na akong mag-order pa.
May dumating na babae—maganda, matangkad, at 'yung mukha ay parang hindi siya taga-rito.
"Good evening, Mr. Lombardi. I can't believe you'd visit our place again. It's our pleasure to have you as our guest." Nakangiti ang babae kay Matt, pero sa akin lang nakatitig ang lalaking nasa harap ko. She sounded French by hearing the way she talked.
Masyado namang formal 'yon. Hindi niya sinagot ang babae, instead, he asked me,
"Is that all you want?" Tumango ako.
"Alright." May tinuro siya sa menu—marami rin iyon. Nakatingin ang babae sa mga tinuturo ni Matt at mabilis din itong nililista.
"Your order will arrive in thirty minutes, Mr. Lombardi," she said with a reassuring smile. Tiningnan siya ni Matt.
"Thirty minutes?" tanong nito na parang naiinis sa sinabi ng babae. Tumikhim ang babae.
"Ten minutes. I'm sorry, Mr. Lombardi." Naglakad na agad ang babae, at tumingin si Matt sa akin habang nasa likod ng babae ang mata ko.
"How many times do I have to tell you to set your eyes only for me, Aphrodite." Tiningnan ko siya. Naiirita ba siya? Para kasing galit ang boses niya. Well, kahit wala akong gawin ay mainitin naman talaga ang ulo ni Matt.
"Okay," sagot ko, pero nasa baso na ang mata ko at hindi sa kaniya. Narinig ko pa ang pag buntong-hininga niya kaya napakagat ako ng labi.
Maya-maya ay dumating na ang mga pagkain. Ten minutes nga lang talaga ang itinagal ng order namin.
"Enjoy your meal." Seryoso nitong pagkakasabi at inilapag nang dahan-dahan ang mga pagkaing inorder sa mesa.
Para akong sinaksak ng sarili kong sinabi. Nalalaway ako sa mga pagkain, pero kasi...
"Try it." Kinuha niya ang plato ko at saka kumuha ng isang kutsarang Gnocchi Sorrentina.
"Have a taste." Pamimilit niya at isinubo sa akin ang pagkain.
Kanina pa ako nagpapabuntong-hininga. Why? Because he said siya raw ang magbabayad ng pagkain namin, so ang mangyayari mas lalaki ang utang na loob ko sa kaniya. Imbes na five hundred ay magiging malaki talaga ang utang ko sa kaniya dahil naka-apat na meal ako ng Gnocchi Sorrentina. Yumuko ako, ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pag ngiti niya sa labi.
Nahihiya ako dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko. This is insane—para akong naging si Kim sa mga oras na 'to. Pero bakit ganito na lang ka-hiyang ang tinatamaan ko? Kung si Kim andito, siguradong o-order pa 'yon ng dessert.
Lumapit sa amin ang babaeng nagngangalang Francesca. Nginitian niya ako at tiningnan si Matt, at ibinigay niya ang resibo na nakapatong sa hugis-plato. Hindi niya tiningnan ang bill at kumuha lang ng pera sa pitaka niya—maraming libo iyon.
"Keep the change." Magsasalita pa sana ang babae kung hindi lang siya tinawag.
"Manager!"
Hindi ko na nalaman ang sunod na nangyari dahil hinila ako ni Matt palabas ng restaurant. Hindi niya ako binitawan, hawak niya ako sa baywang hanggang sa nakapasok ulit ako sa sasakyan niya. Tiningnan ko siya habang papaupo siya sa driver's seat.
"Are you good? Do you want something else?" Nakita niya siguro ang paninitig ko. Ang cool niya kasing tingnan habang nakahawak sa manibela, mas nagfe-flex ang mga muscles niya at bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nakikita ko 'yon.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko kasi kinaya ang paninitig niya. Pinatapang ko ang sarili ko at tiningnan muli siya.
"Talaga bang nakukuha mo lahat ng gusto mo, Matt?" tanong ko, irritation in my voice.
"Yeah," sagot nito at tiningnan ang labi ko na para bang ito ang pinakagusto niya.
"Pwe-pwes, bahala ka sa buhay mo! Wala akong pambayad sa'yo sa gano'n kalaking halaga." Nanginig pa ang boses ko dahil walang tigil ang titig niya sa mga labi ko. Umiwas ulit ako ng tingin sa kaniya at kinagat ang dalawang labi ko.
"One kiss will do." Nanlaki ang mata ko sa mga katagang lumabas sa bibig niya. Kinabahan ako, at kahit may aircon ang loob ng sasakyan ay namamawis ang kamay ko. May naramdaman pa akong tumulong pawis sa mukha ko, na ikinagulat ko nang punasan ni Matt gamit ang hinlalaki niyang daliri. Hindi ako lumingon sa kaniya at kinagat ko nang mariin ang ibabang labi, at hinanda ang mga kamay ko sa bag na kapag lalapit lang nang kaunti ang mukha niya ay talagang hahampasin ko siya at tatakbo ako palayo.
Sa halip na lapitan niya ang mukha ko ay narinig ko ang malakas niyang pagtawa. Nagtataka ko siyang tiningnan, na kalaunan ay naging inis dahil sa naintindihan ko ang ibig sabihin ng tawang iyon.
"Niloloko mo ba ako o pinagti-tripan? O both?"
"No." Natatawa ulit siya.
"But your reaction..." Tumawa ulit siya kaya hindi niya mapatuloy ang gustong sabihin.
"You're cute, babe. Hatid na kita sa bahay n'yo," sabi nito at pinaandar ang sasakyan.
Babe? Seryoso ba 'to?
Bigla akong nahiya kaya diretso sa kalsada ang mata ko. Narinig ko pa ang panlalaking tawa ni Matt kaya hindi ko maiwasang mamulahan.
Tahimik ang biyahe kaya naiilang ako. Maluwag ang kalsada, pero hindi ko maintindihan kung bakit ang bagal niyang magpatakbo.
"Alam mo, may similarities kayo ni Zaire. Gusto n'yo parating makuha 'yung mga gusto n'yo sa buhay. Ang kaibahan lang ay hindi makapalag si Zaire kay Kim," pagbabasag ko sa katahimikan. Para na kasing giniginaw ang bibig ko dahil sa lamig dito sa loob ng sasakyan.
"Kim? Who's that?"
"'Yung kasama ko palagi. Pasensya ka na sa kaniya, ha. Gano'n lang talaga ang ugali non, kaya hindi makapag-hindi si Zaire sa kaniya," sabi ko.
"Oh... that little mushroom." Bigla akong natawa sa itinawag niya kay Kim.
"Is there something between my brother and that mushroom?"
Hindi ko alam, may pagkatsismoso din pala ang isang 'to.
"Ang alam ko, may gusto si Zaire sa kaibigan ko, pero iba kasi ang gusto ni Kim," dismayado kong sabi.
Sa totoo lang, mas boto ako kay Zaire kasi parating iniiyakan ni Kim si Paul. Ang alam ko kasi, kapag umibig ka sa isang tao, piliin mo 'yung hindi ka sasaktan—'yung handang gawin ang lahat para sa'yo. Because that's their job: to make us girls happy, contented, and confident. Kapag hindi nagawa ng lalaki sa'yo 'yon, then he's not the one.
"That really hurts."
"Pero sa napapansin ko, simula pa noong Grade 10 kami, parang may gusto si Kim kay Zaire. Hindi lang niya maamin sa sarili dahil natatakot siya. Hindi ko alam kung bakit." Wala sa sarili kong naikuwento ang mga naiisip ko noon pa man sa dalawang 'yon.
"Let's confirm it then." May kahulugang ngisi ang ginawa ni Matt kaya para akong na-excite sa gagawin niya.
I leaned my head on the car's window and set my gaze on the empty road.
"Hey."
"Hmm?" I answered while my eyes were still glued on the road.
"What are you planning to do?" I confusedly raised my brow.
"Para sa ano?" tanong ko.
"For that little friend of yours and Zaire." Grabe ka naman sa little, ha, pero totoo naman.
Anong ibig niyang sabihin? Ako ang magpa-plano? Akala ko pa naman ay siya ang magpa-plano. Abot hanggang langit na sana ang saya ko.
Matagal ko na ring gustong maging sila na lang ni Kim at Zaire, ngunit hindi ko alam kung paano ko gagawan ito ng paraan. Makikita mo talaga na si Zaire ang gusto niya, pero parang pinipilit niya lang na magustuhan si Paul sa hindi ko malaman na dahilan. I was in my deep thoughts but was interrupted nang magsalita ang lalaking nasa tabi ko.
"So, have you thought of one?" he asked in his low, deep voice.
"But you are the one who thought about that idea, so... you're gotta be the one who'll have to make the plan." In-English ko na rin, kanina pa kasi ako naiirita sa kaka-English niya.
"Yeah. That's exactly what it is. I'm the one who made this idea, and you are involved. You'll be making a plan. Come on, let me hear your plan." He's so annoying.
I raised my brow as I looked at him, irritated. I crossed my arms over my chest and said,
"Are you kidding me? You want me to make a plan for backstabbing my best friends?"
"It's not backstabbing; it's called being thoughtful," he said, emphasizing the last word. He stopped the car and looked at me, at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. This is bad.