“Ay, pusang gala!” Nabigla ako dahil sa biglaang pag sulpot nang kung sino sa harap ko, pagtingin ko ay yung bodyguard pala ng pagmamay-ari nitong school. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa takot at ang librong hawak ko ay nahulog na siyang gumawa ng ingay sa tahimik nitong library. At ang ikina tataka ko ay bakit siya nandito sa library, eh four pm na.
Nakita ko ang mapanakit niyang mata na nakatitig sa akin. Bakit ganito? Kahit ganito siyang manitig bakit mabilis ang t***k ng puso ko. First time ko tong naramdaman. Kakaiba, para akong hihimatayin, na parang gusto ko siyang gawing keychain at itago sa bulsa ko dahil sa ka gwapohan niya ay parang gusto ko ako lang ang makakita nito. I may be selfish, I know.
“E-excuse me p-po, may kailangan po ba sila?” Pilit kong hindi ma utal, pero anak ng putik bakit ganito ang dila ko ngayon.
Mas lalo akong kinabahan at parang gusto ko ng kumaripas ng takbo. Nang nakita ko ang titig niyang hindi hinihiwalay sa mata ko, naconscious tuloy ako at baka may muta ako sa mata o ‘di kaya dumi, o baka kung ano-ano ang nakita niya sa mukha ko. Kung makatitig kasi parang kasalanan ko pa na nag kita kami dito e.
“E-excuse po?” Patanong ko sa kaniya mukhang natulala kasi siya kaya naman mahina kong itinapik ang balikat niya at sabay nginitian ko siya, at gumalaw na ang kilay niya at tatlong beses na kumurap, napakamot ako ng batok. Ang weird niya kung maka titig siya sa akin parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya tapos nakatulala lang pala. Ano ‘to? Joke ba itong bodyguard ng mayari nitong school namin?
Hindi niya man lang ako kinausap at tinalikuran niya lang ako, kaya nanlalaki ang mga mata ko at napabuntong hininga ako. Ano ‘to?
"Oi, Xyril, you okay?" Tanong ni Kim sakin. Naglalakad kami pauwi at kanina pa pala siya may kinukwento at ni wala akong narinig kahit isa.
Kanina pa bago ko pinuntahan sa office nila si Kim ay hindi na mawala wala sa isip ko ang nangyari sa library, ang gwapo pa naman ng guard na yun pero ang weird niya.
Parati akong nasa library pag merong reporting sila ni Kim sa CAT at parati rin na librarian ang kasama ko doon pero laking gulat ko na andon ang bodyguard. Tapos ang weirdo pa niya, nakakatakot.
“Kim, ano ang gusto mo sa lalaki?” Wala sa sariling tanong ko.
Kausap ko si Kim pero ang bodyguard ang nasa utak ko. Ang mukha niya, ang hugis ng katawan, ang malinis at morenong kulay ng balat, yung maninipis at mapupulang labi, ang tangos ng ilong, ang kulay light brown niyang mata, na kung tumitig sakin ay para akong kakainin bigla.
“My ideal man-” Napatipla ako ng nagsalita si Kim. Alam ko na ang sasabihin niya kaya agad kong tinaas ang kamay ko, patunay na gusto siyang patahimikin na ginawa niya naman. Bago pa ako mangdiri sa sasabihin niya ay agad na akong mabilis na lumakad.
Kinabukasan, para akong isang criminal na nagtatago sa sasakyan. Hindi ko kasama si Kim dahil maaga siyang mag re-report.
Sinilip ko ang bodyguard na nakapamulsa habang kausap ang ibang limang nagtra-trabaho rin ata sa owner ng school.
Teka, bakit ko ginagawa to? Nahahawa na ba ako kay Kim?
Matapang akong tumayo ng tuwid at matapang na naglakad sa loob ng school ang kaso ay bago ako makapasok ay kailangan kong dumaan sa kanila. Ayokong maging bastos kaya bago pa niya ako makita ay nagtago ulit ako sa kulay itim na sasakyan. Ayokong hindi sila pansinin at ayoko ring nakikipag halubilo sa guard na yun.
Ang tapang ng mata niya para niya akong kinakain ng buhay, mukha siyang mamamatay tao dahil sa anyo ng kaniyang presensya. Ayoko ng ganon, at mas lalo na ayoko ang nararamdaman ko sa para lalaking iyon. He really got into my nerves.
Ilang minuto pa hinintay ko bago sila makatapos ngunit mahaba-haba ang pinaguusapan nila. Not to be nosy but I tried to listen to their conversation ngunut hindi ko sila maintindihan dahil ibang lenggwahe ang kanilang ginagamit. Kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa para sana magpunas ng pawis, nang yumuko ako nakakita ako ng...
“Ahhhh!” Pagsigaw ko at mabilis na tumakbo kung nasaan may mga tao habang nanginginig ang aking katawan sa takot.
Sa lahat ng araw, bakit ba ganito ako kamalas ngayon. Hindi nga talaga fair ang mundo. I came back to my senses nang nakaramdam ako ng paghagod sa likod ko. Huh? Sinong siraulo ang matapang na humawak sakin?
Binuksan ko ang mga mata ko para tignan kung sino ang gumagawa non, mabilis akong umalis sa kanyang pagkakayakap ng nakita ko ang tao sa na gumagawa nito. Ang bodyguard...
“A-ah, p-pasensya na po.” I bowed my head down to show sincere apology at pagkatapos non ay akmang aalis na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko.
“You look scared, what's seems to be the problem?” Seryoso niyang tanong. Heto na naman tayo sa mga magaganda niyang mga mata, talagang makakalimutan mo ang lahat ng kamalasan na nangyari ngayon. Hindi ko magawa na sumagot sa tanong niya.
“Miss?” Tanong ng isang kausap niya. I shook my head slightly at itinuro ang lugar kung saan ako nakatayo —nakatago— kanina. He motioned his head sa lugar na itinuro ko at agad sumunod ang dalawang lalaki at pinuntahan nila ito.
Nararamdaman ko na saakin nakatingin ang kanyang mga mata ngunit hinayaan ko lang ito at ibinaling ang atensyon ko sa mga lalaki na pumunta sa likod ng itim na sasakyan.
“Sir.” Pagtawag ng isa at ipinakita ang hawak hawak niya na malaking palaka. Mabilis akong nagtago sa likod ng bodyguard sabay hawak sa damit nito, may inutos siya sa kanila na hindi ko narinig ng klaro. He turned to face me as he gently held both of my arms and said,
“It's fine now.” He briefly said. Ganon lang? Ganon lang kadali para sa kanila? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila natatakot sa palaka na yon. Isang malaking katanungan ang pumasok sa isipan ko. Nagpasalamat ako sa bodyguard at sa iba pa niyang kasama, lalo na sa dalawang lalaki na yon. Mabilis akong tumakbo papuntang classroom at hinanap si Kim.
Nang nakapasok na ako, I scanned the every corner of the room ngunit wala akong sign ni pangit na nakita. Pagod na inilapag ko ang aking bag sa aking upuan at naalala na may reporting na naman pala sila ni Kim, lalo't na busy sila ngayon dahil sa pagdating ng owner ng school. Isang period ang namiss niya at nang makapasok na agad ko agad siya sinalubong at kinuwentohan.
“Hoi, gaga! Ang sweet kaya non! Parang knight in shining suit mo siya.” Sigaw niyang pasabi sabay tapik ng balikat ko.
“Anong sweet? Take note, pinakinuha niya yung palaka at hindi siya mismo ang kumuha.” Pagklaro ko sa kanya. Inilagay niya yung thumb at pointer finger niya sa kanyang baba at nagpanggap na may iniisip, kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa non-existent brain niya.
“Kailangan daw muna natin pumunta sa building ng junior high school.” Pag anunsyo ng isang kaklase namin. Kinuha naman namin yung aming mga bag at sumunod.
“May ano daw?” Tanong ko sa kaniya.
“May mags-spray daw para pamatay sa mga palaka.” Sagot nito, I looked at Kim as she did the same.
“Sa palaka talaga?” I asked once again just to be sure sa narinig ko.
“Destiny ba to o sinadya?” Kim started. 'Yan na, nagsimula na siya.
“What if, sinabihan niya ang owner at nagpakiusap talaga siya dahil ayaw niyang mangyari ulit sa iyo yon?” She whispered, making sure na walang ibang may makarinig sa amin.
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Napaisip din ako sa sinabi niya pero if totoo nga, ba't naman susunod yung owner ng school sa kanyang bodyguard? Alam ko na gagawin agad ng owner yon, for the sake of the school's reputation pero ba't ang bilis kaagad umaksyon? Hay nako, si Kim talaga at ang malawak niyang imahinasyon. I mentally slapped my face para bumalik sa realidad.
“Alam kong iniisip mo pa rin yung sinabi ko.” She teased as I felt my cheeks starting to warm.
“Tumahimik ka nga!” Sabi ko sa kanya ngunit hindi ito nakinig, si Kim pa ba?
“I saw the looks in your eyes noong una mo siya nakita. Dito na ba mag s-start ang love story niyo?” Patawang sabi pa niya. Naalala ko ang unang kita ko sa kaniya, at hinding-hindi ko makakalimutan ang nangyari non. My cheeks grew warmer than before.
“Namumula ka ah, kinikilig ka ano? Nagiging mamon na ba ang bato mong puso? Ayieee, siya lang pala ang solusyon sa matagal nating problema.” Tawang-tawa pa ang gaga. Namumula ba talaga ako? O baka isa na naman to sa pakulo niya.
Salamat at nakarating na kami sa building ng junior high school dahil ang ingay talaga ng duwende na 'to. Akala ko dahil maraming tao at medyo nagsisiksikan na, magiging dahilan na ito para tumahimik siya. Mas lalo lang lumala.
“Zaire!” Tawag ko sa lalaki na papunta sa amin, ito lang ang last resort ko para mapatahimik ang mushroom na 'to.
I don't know why Kim is so blind when it comes to love. She doesn't see how much Red cared for her, that he would even put his life on the line just for Kim's safety and at the end of the day, she'd still choose Paul. Ako ang naaawa kay Red, and I'm trying to slap some senses at Kim para mamulat niya ang kanyang mga mata. Ba't pa siya maghahabol sa isang lalaki kung alam niya naman na 'di naman nito maisusuli ang nararamdaman niya. Pero bilib naman ako kay Red, dahil never siya nag give up kay Kim.
He greeted me and kinausap niya si Kim.
“Good morning, meine leibe.” Matamis na pagbati nito kay Kim.
Hindi ko na sila pinansin at nagtingin-tingin na lang ako sa paligid para mag obserba sa mga nangyayari. Habang gumagala yung paning ko, ay nakita ko yung ibang nags-spray na bumabalik na sa building ng junior high school. Tapos na ba sila? Ang bilis naman non, siguraduhin lang nila na wala na talaga akong makikita na palaka dito.
Sadyang pinaglalaruan ba ako nang tadhana? Nakita ko nanaman ulit yung bodyguard na nag-uusap sa isang nags-spray kanina. At nang pagkatapos nila ay para bang may hinahanap ito, pati ako nac-curious tuloy kung sino ba talaga ang hinahanap nito —kung meron talaga. Ilang segundo ko pa siyang pinagmasdan at hindi talaga mapakali ang kaniyang mata, hanggang sa nagkatinginan kaming dalawa na agad ko namang itinayo ng tuwid.
“Ito na ba ang tinatawag na ‘spark’?” Tanong ni Kim, na akala ko ba ay nananahimik na. Napalunok ako at hinarap ang natatawang Kim sa tabi ko. Gusto kong bulyawan si Kim dahil sa lantaran niyang pagkakilig ngunit kahit na ang bibig ko ay hindi ko maigalaw dahil sa init na nanggagaling sa likod ko na parang may nakatitig sakin. Umigham ako at inayos ang sarili at pasimple kong tinignan ang bodyguard, tama nga akong sa akin siya naka tingin.
“Anong spark-spark nanaman ang pinagsasasabi mo diyan. Zaire, pakisabihan mo nga itong girlfriend mo na wag maingay.” Naiinip kong sabi. Naiinip ako hindi dahil sa pinanggagawa ni Kim, naiinip ako dahil yung bodyguard and rason sa bago kong nararamdaman. Hindi ko pa to naexperience before, bakit ngayon lang?
Habang si Kim ay kinikilig, pinapagalitan din siya ni Red dahil mas naging maingay pa siya. Nagnakaw ulit ako ng tingin sa bodyguard and our eyes met, I can't explain the feeling but it almost feels like I'm home, where I exactly belong. And while sinusulit ko na yung moment, he smiled at me which is almost impossible na gawin niya because of his serious aura.
“Hoi! Aminin mo na lang kasi.” Pagpilit ni Kim saakin na naging rason na nagulat ako sa ginawa niya.
“H-huh? Ang a-ano?” I asked, as I furrowed my brows.
“Gurl, parang tutulo na ang laway mo kanina sa kakatitig diyan sa bodyguard.” Tawang wika nito. Is it really that long ba?
“Anong tingin, fyi hindi siya yung tinititigan ko no.” I denied.
“Ayaw mo lang kasi aminin eh. Ayieee, pumapag-ibig na yung bunso ko.” She said, fake crying. Akmang magsasalita na sana ako nong nagsalita yung isang teacher,
“Class, bumalik na kayo sa mga classrooms niyo. And yung mga CAT officers pala, may urgent meeting tayo.Thank you for the cooperation.”
Hays, salamat makakabalik na rin ako sa classroom, peacefully. Before akong nagsimulang lumakad pabalik sa room, tumingin muna ako sa bodyguard for the last time only just to see him looking at me.