chapter 4

1713 Words
Dumating na rin ang alas kwatro ng hapon at nag ring na rin ang bell, kanina ko pa gustong umuwi, nagugutom na kasi ako. Mabilis natapos ang araw ngunit andaming nangyari. Papalabas na kami ng gate nang nagsalita si Kim, “Hindi talaga ako makaget over sa nangyari kaninang umaga.” “Hayaan mo na nga yon. Ang hilig mo talagang bumalik sa mga nakaraan, yan tuloy nabaliw ka kay Paul mo.” Tukso ko sa kaniya. “Kim, parang ang sarap maglakad ngayong umaga, bumili tayo ng palamig kay Manong Mama.” Masaya ko siyang kinabit sa braso, ngiting aso ang binigay niya sakin kaya kinabahan ako sa sasabihin niya. “Basta-” “Waaa- Wala akong naririnig.” Tinakpan-takpan ko pa ang tenga ko at lumabas ng mabilis sa gate kung saan makakatakbo ako kung asan wala si Kim. “Nakita mo ba kung pano ka titigan ng bodyguard na yon? Parang inlove na inlove siya sayo, dzai.” Akala ko ba tapos na ang usapan namin tungkol sa lalaking yon, pero ito at nag di-dilap na nga ng ice cream pop pero ang ingay parin ng bunganga. “Baka kayo talaga ang destined for each other, beshie, katulad samin ni baby Paul.” Pagpatuloy niya sabay hawak sa kaliwa kong braso. Inalis ko ang kamay niya mula sa braso ko, agad naman akong nagmadaling tumawid at iniwan siya. “Hoi, Aphrodite! Excited ka bang mag trip to heaven? Ang tanga mo talaga.” Sigaw niya sa kabilang daan sabay subo ng ice cream pop. Hindi kasi ako marunong tumawid, ako pa ba ang dapat mag adjust? Eh, sasakyan sila may preno hindi katulad ko, hihinto lang ang mga yan pag nakita nila ako. Nang nakatawid na ako tumahimik na rin ang paligid ko, thanks to all the gods in heaven for hearing my prayers. Tumingala ako sa langit sabay huminga ng malalim, nakakarefreshing talaga pag wala yung maingay na mushroom sa tabi ko. But then kinabahan parin ako dahil sa pag tawid nanghina ang tuhod ko dahil sa mga motorcycle na akala mo siyam ang buhay kung magpaandar ng motor. “Pangit! Akala mo matatakasan mo ko?” Nahihingal na tawag ng duwende sa likod ko. Bakit ba kasi? My shoulders dropped kasi alam ko na ang bodyguard na naman ang ito-topic niya. And speaking of the demon in hell, nakita ko ang bodyguard na may kasamang babae. Ang sexy ng damit niya at ang kapal ng make up, papasok sila sa itim na sasakyan. Girlfriend niya kaya yun? Pero parang wala naman kasi sa itchura niya na ganong babae ang mga tipo. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inggit, yung pagbukas pa lang niya ng pinto ng sasakyan, at maingat na ipinasok babae ay nakakasakit na sa mata ko. After ilang minuto ng kalbaryo ko, nakarating na rin kami sa bahay nila ni Kim pero hindi ko parin maiwanan na isipin ang nakita. Ewan ko kong nakita ni Kim yon pero ako kitang-kita ko siya kong paano niya alagaan ang babaeng yon. Dito ako matutulog ngayon kasi wala rin naman akong kasama sa bahay, at isa pa maaga rin kaming aalis ni Kim bukas since it's saturday. Binuksan na ni Kim ang gate at pumasok na kami nang may narinig ako na may kausap si Mommy Belle. “May bisita ba kayo?” Tanong ko kay Kim habang isinasara ang gate. “Parang wala naman ah.” Sagot nito at naunang pumasok sa bahay. “Bakit ka nandito?!” Rinig kong tanong ni Kim mula sa loob ng bahay. Mabilis akong lumakad papasok sa bahay para tignan ang taong kausap niya, si Zaire lang naman pala. “Kimmy...” Tawag ni Mommy Belle na naging dahilan ng pagtahimik ni Kim. Hindi ko alam kung bakit ba galit si Kim kay Zaire wala naman silang problema ah, kaso ganyan talaga sila mula nong grade 9. Masyado kasing pa close si Zaire kay Kim, alam kong may something si Zaire para kay Kim. Tanga lang talaga itong kaibigan ko. “It's fine, Tita.” He reassured Mommy Belle. “Tinawag ako ni Tita kanina sa bahay para tulungan siya magluto ng ulam for dinner.” Pagpaliwanag niya kay Kim at inirapan lang siya ng duwende. Minsan nalilimutan ko na mag kapit bahay lang pala at mag best friend sila ni Zaire at Kim. Best friend nga ba ang tawag don? Basta naiinis sa kaniya si Kim pero halata namang importante sa kaniya yung tao. So complicated. Naiwan si Kim sa baba at tumulong kay Zaire habang ako ay nasa kwarto niya sa taas at nagp-prepare ng damit ko pangtulog. Timing nong nakatapos akong mag half bath ay tinawag ako ni Kim para kumain na, nagdali-dali rin akong bumihis at bumaba. Ang dining table nila ay six seaters. Magkatabi sila ni Zaire at Kim, habang katabi ko naman si Luna, at si Mommy Belle at Tito naman ay ang nasa both ends. “Daddy, alam mo bang may crush na si Aphrodite?” Tawang sabi ni Kim, at isinubo ang pagkain. Ako nanaman ang nakita niyang target. “Totoo ba, Aphrodite? Bago ata yan ah, iaw ba ay hinawaan nitong ni Kimmy? Tinuturuan ka ng hindi maganda ng anak ko?” Tanong ni Tito sakin sabay tumawa ng mahina. Maliban kay Kim na naka busangot “Grabe ka, daddy.” Pagtatampo nito. “Hala, hindi po! 'Wag po kayong maniwala sa sinabi ni Kim.” Mabilis ko naman na pagtanggol sa sarili ko dahil alam ko na yan naman ang iaasar nila sa akin. “Ikaw? May crush?” Wika ni Zaire. Parang iniisulto mo 'ko Zaire ah. “At least never ko pang naexperience na ni-reject.” I replied as I stuck my tongue out at tumawa silang lahat. Minsan na kasing nagbiro itong si Zaire dito sa bahay na aakyat daw ng ligaw kay Kim pero mabilis pa sa kidlat na umayaw si Kim at umarteng sumusuka. “Mom, diba alam mong dumating yung owner ng school namin?” Tanong ni Kim sa kay Mommy na kumukuha ng ulam, and she nodded as an answer. “May bodyguard kasi siya, yon yung crush ni Xy-” Hindi ko si Kim pinatapos at sumulpot ako sa kanilang usapan. “Tumahimik ka nga at kumain na lang diyan.” Tumawa silang lahat sa naging reaksyon ko except kay Zaire na parang may iniisip ng malalim. Tinulungan ko si Kim na maghugas ng mga pinggan dahil naaawa ako sa kanya, nag insist kasi si Zaire na tulungan siya kaya niya ako tinawag para di niya lang daw makasama si Zaire. The next day, I woke up at exactly six in the morning when I felt something heavy on me. It was Kim's leg, nakatanday na naman siya sakin, inalis ko ang paa niya sakin at bumangon para maligo na. Pagkatapos kong maligo at magbihis, mahimbing na natutulog pa rin si Kim. May naisip ako na paghiganti sa ginawa niya sakin nong natutulog ako. “Kim, gising na. Aalis na tayo mamaya.” Sabi ko habang tinatapik yung braso niya. She mumbled an “oo” at tinalikuran lang ako. “Nasa labas si Paul hinahanap ka niya, mag d-date daw kayo.” Pigil tawa kong sabi. “Ano?! Si Paul?! Nasa labas? Hindi pa ako naka ligo! Sandali!” Mabilis siyang bumangon mula sa kinahihigaan niya at dumiretso agad sa banyo. Tumawa ako sa nasaksihan na pangyayari. Halos mag-iisang oras na si Kim banyo at di pa rin siya nakatapos, natulog ba siya ulit don? Papalabas na sana ako ng kwarto para puntahan siya at nasalubong ko siya na papasok rin sa kwarto, bumaba ako at naghintay nalang sa sala. “Tara na. San mo ba gustong mauna?” Tanong ni Kim. Kinuha ko na yung shoulder bag ko at sumunod kay Kim na nauna sa gate. “Diba nailista mo na yung mga pupuntahan natin?” I reminded her. “Ay, oo nga pala. Sandali, check ko lang.” Kinuha niya yung phone mula sa purse niya at ng inopen niya ito, sumilip din ako. May nagtext sakanya galing sa isang teacher na nagha-handle sa kanilang mga CAT. Nagtinginan kaming dalawa ng matapos namin basahin ang text. “Paano to? Kailangan ko talagang makapunta don pero mas kailangan natin matapos ang pinlano natin para ngayong araw.” “Sasamahan na lang kita then after na lang natin ipagpatuloy ang plano natin.” I suggested at sumang-ayon naman si Kim. Hindi ko inasahang na magbubunot pala ako ng mga d**o dito, mag s-spray daw sila ulit pero para na naman sa lamok this time. Nag volunteer ako kanina na tumulong pero I thought magwa-walis lang ako, 'di na rin ako nakatanggi at sinunod ko na lang ang sabi ng teacher. Nang mapuno na yung sako, bubuhatin ko na sana at ilalagay doon kung saan nila tinitipon yung mga basura. Tinawag ko si Kim para sana tulungan ako na magbuhat hinanap ko si Kim and to my surprise, nandito yung bodyguard at nag-uusap sila ng teacher. He was facing to our direction... To my... Direction? Hindi ko alam para kasing saakin siya naka tingin. Hindi ko gusto maging assuming pero napatitig ako sa kaniya ang ganda kasi ng mukha niya at parang saakin talaga siya nakatingin. Umiigting din ang panga na mas lalong nagpagwapo sa makisig niyang mukha. Ano to? Bakit nasasayahan ako na makita siya? Tama ba talaga ang sinabi ni Kim? Crush ko ba talaga sya? Nanliit ang mata ko at pinagmasdan ang labi niyang gumagalaw habang nag sasalita. He is so attractive, kaya hindi ako mabibigla kung marami man yung babae niya. But imagining him kissing the girl he was with yesterday is hurting me so much and I don't know why. Naalimpungatan ako mula sa pagtingin ng labi niya ng biglang may humawak ng kamay ko na agad ko namang kinuha, ang sako sana ang hahawakan niya kaso andoon ang kamay ko. Tumawa si Jeremy sa harap ko at agad na umiling paalis. Sino ba ang hindi tatawa sa ganong reaksyon ko, kasi naman si Jeremy pa sulpot-sulpot kung saan-saan eh. Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa bigla, kung hindi lang sana ako nakatitig sa labi ng bodyguard na yon, hindi sana ako mabibigla ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD