“Bilisan mo kasi!” Tawag ni Kim na nandoon na sa gate na kani-kanina lang ay nasa tabi ko pa.
“Maghintay ka nga diyan.” Pagod na sagot ko dito. Gusti ko nang humiga at matulog, ang sakit na ng mga paa ko ngunit kailangan talaga naming humanap ng magandang restaurant.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking shoulder bag at tinignan ang oras na nakalagay ay twelve twenty-four ng tanghali, at sa itaas ng oras ay nakalagay ang date ngayon which is march seven.
“Happy ka na?” Tanong ko nang nasa tabi na 'ko ni Kim.
“Super, beshie! Tara na.” Masayang sambit nito. Hinawakan niya ang kamay ko at patalon-talon pa itong lumalakad, malapit na akong sumemplang sa pinanggagawa ng duwendeng to eh.
Nang nasa highway na kami, sumilong kami sa malapit na waiting shed habang si Kim ay paulit-ulit na tumatawag kay Zaire, si Zaire kasi yung service namin pag gumagala eh. Nakailang tawag na si Kim pero di parin sumasagot si Zaire.
“Kung nagtaxi na lang kaya tayo, kanina pa sana tayo nakarating sa pupuntahan natin.” Sabi ko kay Kim na may binubulong na kung ano-ano at nakarinig ako ng “gwapo mo sana kaso bingi ka” bago ako sinagot.
“Omg, beshie! Ang talino mo talaga.” May palakpak pang nalalaman 'to.
Naghintay kami almost five minutes bago nakapara ng walang laman na taxi.
“San po tayo?” Tanong ng driver na nasa forty-eight ata yung edad, sabay tingin sa amin sa rearview mirror.
“Kuya, may alam ka ba na magandang restaurant?” Desperadong tanong ni Kim. Napatahimik muna yung driver na parang may iniisip bago sumagot.
“Meron akong alam, di masyadong malayo mula rito. Kaso baka alam niyo na kung anong restaurant yon?” Suggest ng driver.
“Anong restaurant po ba?” Tanong ko dito.
“Yung Bryxton.” Nagtinginan kami ni Kim kung alam niya rin ba yung restaurant na yon, umiling siya ng “hindi” at sinabihan namin yung driver na don na lang kami.
Pinaandar na ni kuyang driver yung sasakyan at umalis na nga kami, napatingin-tingin ako sa dinadaanan namin, nakailang punta na rin ako dito sa lugar na ‘to pag gumagala kami kasama pamilya ni Kim.
Napalingon ako sa likod ng taxi na sinasakyan namin, nang may nakita akong familiar na itim na sasakyan na sumusunod sa amin. Napaisip ako kung saan ko ito nakita... Nong pauwi pala kami ni Kim kahapon, kung san ko nakita yung bodyguard na may kasamang babae at maingat pa itong ipinasok sa sasakyan. ‘Sa kanya ba to?’ Kung ano-ano lang siguro yung iniisip ko. Baka magkapareho lang sila ng sasakyan. 'Di ko napansin na inoobserbahan pala ako ni Kim.
“Hoi, anong tinitingin-tingin mo diyan?” Tanong nito sabay tingin rin kung saan ako nakatingin.
“Wala.” I briefly answered. Tinaasan ako ni Kim ng isang kilay, siguradong di ito naniniwala sa sinabi ko.
“Wag mo kong iwala-wala diyan, Swan.” Seryosong sabi nito. I took a deep sigh and mumbled a “sige na nga”.
Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nakita ko kahapon in detail, pati ang pagkaramdam ko ng konting inggit.
“Sandali!” Malakas na sabi nito, pati si kuyang driver ay nagulat sa lakas ng boses niya.
“Pasensya po, Kuya.” Maayos na sabi ni Kim sa driver.
“Paano kung sinusundan ka ng bodyguard?” Mahinang sambit nito.
“Ba't niya ko susundan? Siraulo ka ba?” Heto na naman, bakit sa tuwing ang bodyguard na yung pinag-uusapan namin nakakaramdam ako ng init sa aking mukha, na akala mo naman ay may lagnat.
“Eh, kasi...” I raised a brow at her as I wait for her to say something.
“Pano kung nakita ka rin niya kahapon at naisipan niya na baka magselos ka or ano, kaya sinundan ka niya para mag explain at humingi ng pasensya.” Pagpaliwanag nito. Hindi ako makaimik sa aking naramdaman na mas lalong umiinit yung mukha ko at hinayaan ko lang ito, hoping na di mahalata ni Kim na something's off with me.
“Baliw kana ata.” Yan lang ang nasabi ko.
“Alam kong may nararamdaman ka sa lalaking yon, Swan. Kahit anong deny pa ang gagawin mo.” She said with a smile. Hindi na ako sumagot at lumingon na lang ako para tignan ang sasakyan kung sumusunod pa ba, nandyan pa nga.
Pumara ang taxi na sinasakyan namin sa harap ng isang malaking, glass-walled na restaurant. Kung titignan mo lang mula sa labas, ang napakafancy at maganda talaga. Iniabot ko na ang bayad at bumaba na kami ni Kim. Nang makaalis na yung taxi, nasa likod pala nito ang itim na sasakyan. Kinalabit ko si Kim at alertong lumingon ito.
“Hintayin muna natin lumabas yung tao, para sure.” Sabi nito. Agad naman akong humindi dahil mukha kaming magnanakaw sa labas ng restaurant, kaso si Kim ay si Kim, di mo mapapaiba yung isip non.
Naghintay kami hanggang lumabas nga yung sabing tao sa loob, at yung bodyguard nga. Bumulong si Kim ng, “sabi ko sayo eh, tama ako.”. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyari.
Nang papalapit na yung bodyguard sa amin, tinulak ako ni Kim ng mahina na naging dahilan nang pagkabanggaan namin, malapit na sana ako magswimming sa semento ngunit may sumalo sa akin. May sumalo sa akin?! Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili.
“Sorry!” Sabay naming sabi nang bodyguard. Bumilin ako ng isang ngiti na nagpapakita na humihingi talaga ako ng tawad sa ginawa ng maganda kong kaibigan, at mabilis kong sinama si Kim papasok sa loob ng restaurant.
Nang nakapasok na kami, tumayo muna kami ng ilang minuto habang walang pakialam sa mga taong lumalabas-pasok. Napatingin ako sa ceiling kung saan nakakabit ang naglalakihang chandelier habang si Kim ay naghahanap ng mauupuan namin, nang bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila.
“Zaire!” Tawag nito at agad naman napalingon si Zaire na nanahimik sa gilid. Yan na naman ang pagsimula ng pagiging dragon niya. Ako ang nahihiya sa kasama ni Zaire, ano ba naman tong si Kim.
“Kanina pa ako tawag ng tawag sayo, ba't di mo ko sinasagot?” Galit na tanong nito habang nasa baywang ang dalawang kamay, walang paki sa kasama ni Zaire.
Magkasama yung bodyguard at si Zaire? Magkakilala sila? Maraming tanong ang pumasok sa isipan ko.
“Kung ako na lang kaya ang sasagutin mo?” Biro pa nito. Nako, Zaire. Wrong move.
Habang nagbabardagulan yung dalawa, ibinaling ko ang mga mata ko sa bodyguard na nakatingin na pala sakin.
“Pasensya ka na sa kanilang dalawa ah, ganyan talaga yan eh.” Nahihiya kong sabi at ngumiti lang ito. Damn, those smile.
Hinila ko si Kim papalayo at sige pa sa pagsasalita at nagpaalam na ako sa bodyguard na lilipat na sana kami sa last na unoccupied table, nang may umupo na.
“You can share the table with us.” Sabi ng bodyguard with his deep husky voice. Napahinto si Kim sa pagsasalita ng marealize niya ang lalaki na kinakausap ko.
“Umupo ka na diyan, Swan. Ikaw naman eh, ang hilig mong tumanggi sa biyaya na binibigay sayo sa araw-araw.” Mabilis na sambit nito habang tumataas-baba ang mga kilay niya.
“Hindi nama-” Naputol ang pagsasalita ko nang tinulak ako ni Kim sa upuan, malapit na sana akong mausad ulit.
“Careful!” Agad tumayo ang bodyguard para saluhin ako, pangalawa na to ngayon araw ah. Hindi naman malakas ang pagkatulak ni Kim, sadyang madulas lang talaga yung tiles.
“Thank you.” Pabulong kong sabi.
Nang nakaupo na kaming lahat, nag uusap ang dalawa habang kami ni Kim ay pinaguusapan yung bodyguard. Required ba talagang nakasuit? Hindi ba 'to naiinitan? Jusko, parang ako ang naiinitan sa suot niya.
“Alam mo yung mga mafia? Parang ganon yung galaw at pananamit ng bodyguard no?” Pigil tawang bulong ni Kim sakin habang tinitignan ko ang sabing lalaki.
“Kaso andito siya sa Pilipinas eh, kaya d**g lord na lang muna tawag natin sa kanya.” Di na napigilan ni Kim ang kanyang tawa na napalakas yung sinabi niya, malamang narining nila ni Zaire at ng bodyguard na yon. Napasabay na rin ako sa tawa at natigilan ito when he shifted his gaze to me, napaigham ako at napaayos ng upo. Kinurot ko ang nakatagong kamay ni Kim sa ilalim ng mesa.
“Aray!” Sigaw nito. Ngumiti lang ako kina Zaire at sa bodyguard na parang wala lang nangyari.
“Mag order na lang kaya tayo.” I suggested at nag agree naman yung dalawa, except kay Kim na kinamot-kamot ang kamay kung saan ko siya kinurot.
Nang makatapos na kaming mag order lahat, pinagpatuloy ni Zaire at ng bodyguard ang kanilang pinaguusapan and hindi naman sa pagiging chismosa, this time nakinig kami ni Kin sa kanila.
“She doesn't want you to know.” Sagot ng bodyguard. Limited ba ang words nito? Palaging maikli yung sagot niya eh.
“She really hates us, huh?” Kitang-kita sa mga mata ni Zaire ang lungkot nang matapos niyang sabihin yon.
First of, safe, kasi wala silang kinidnap. Secondly, sino ba yang tinutukoy nila. And lastly, matagal pa ba nilang sasambitin ang pangalan ng pinaguusapan nila?
“Victoria is hopeless, Zaire. If it's our little sister we're talking about, I won't give up on her even if it costs a lot.” Seryosong sabi ng bodyguard. So we're speaking. Peri bakit ang imformal niya kay Zaire? Matagal na ba silang magkakilala?
Biglang napatayo si Kim si kinauupan niya at napasabing,
“Magkapatid kayo?!” Dahilan ng pagkagulat ni Zaire, na pati ako ay nagulat din sa tanong niya.
Matagal pa bago makasagot ang dalawa.
“Oo.” Sagot ni Zaire.
“Bakit di mo sinabing kapatid mo ang bodyguard ng owner ng school?!” kumalma na si Kim at bumalik na sa kinauupuan niya. Nagtinginan ang dalawa at pagkatapos ay napatingin rin sa akin yung bodyguard.
“Di ka naman kasi nagtanong.” Pilosopong sagot ni Zaire.
“Malay ko ba naman sa buhay mo.” Inirapan nito si Zaire and she crossed an arm over her chest. Magsasalita pa sana ulit nito ng dumating na yung waiter dala-dala ang mga pagkain na inorder namin.
“Pag usapan natin yan mamaya, Zaire.” Wika ni Kim at sabay kumuha ng pagkain at isinubo ito, as I did the same.
Unang subo pa lang ay malasa na yung pagkain nila, tamang-tama din yung timpla. Nagslice ako ng isang parte ng baboy at itinusok ito gamit ang tinidor, pagkatapos ay isinawsaw ko sa kasamang sauce. Pagkasubo ko ulit ay napapikit ako sa sarap, sasabihan ko si Kim pagkatapos naming kumain na, dito na lang kami at wag nang hahanap ng ibang restaurant.
“May sauce ka dito oh.” Sabi ni Kim at itinuro sa itaas ng bibig niya. Kumuha ako ng table napkin at pinunasan ang nasabing sauce, ngunit hindi ko talaga makuha-kuha.
Nginusuan ako ni Kim at maya't-maya ay tumawa, imbis na tulungan ako ng gaga ay tinawanan pa talaga ako.
“San ba kasi?” Tanong ko kay Kim, nang biglang hinawakan ng bodyguard ang chin ko and he made me face him.
“Here,” Pinunasan niya yung sauce gamit ang thumb niya, hindi man lang ito gumamit ng table napkin. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, at nanigas ang aking katawan na akala mo naman ay nakainom ako ng semento. Naramdaman ko naman ulit yung init mula sa likod ko papunta sa mukha ko.
“Hoi! Swan, okay ka lang ba?” Tanong ni Kim na naging rason para matauhan ako.
“Ah, oo.” Sagot ko, as I put my fingers on where he touched my lips. Tiningnan lang ako neto at bumalik sa pag kain, alam kong aasarin nanaman ako niyan mamaya.
Ilang minuto ang nakalipas ng makatapos na rin kaming kumain lahat, umupo muna kami saglit at napagdesisyonan namin ni Kim na sasama na lang kay Zaire pauwi.
“Sasama ka ulit dito sa 10. Walang nang angal Zaire!” Ma utoridad ni Kim kay Zaire. Mahinang inihampas ko ang braso niya at sinabihan na kung pwede maging respectful naman siya kung minsan.
“Bakit? May ano sa 10?” Tanong ng bodyguard. First time kong narinig na hindi siya nag E-english, pero malakas pa rin ang kanyang accent.
“Birthday kasi nitong pangit na to, at dito namin planong mag celebrate.” Pa ngiti-ngiting sagot ni Kim. Gaga, akala ko ba may agreement kami na wag ipagsabi sa iba. Di talaga makatiis ang bibig neto. Hindi ako sanay sa mga party at palaging pamilya ni Kim ang kasama ko at itong si Zaire.
“Is that it? I can arrange a whole cater for you.” Walang pag da-dalawang isip na sabi nito. Hindi pa nga kami totally na magkakilala ang besides, meron na siyang girlfriend.
“Thank you, I appreciate it. A lot. Baka magselos pa at kung ano-ano pa sabihin ng girlfriend mo sakin.” Sabi ko, pabulong yung last words.
“I don't have a girlfriend.” Sabi nito. Narinig pa niya yon?
“Eh, sino yung babaeng kasama mo kahapon na pinapasok mo sa sasakyan mo?” Hindi ko alam kung saan nanggaling yon, agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa nabitawan kong salita.
“I see you've met Victoria, our little sister.” He said with a smirk. Ang bobo mo talaga, Swan. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa at wag nang babalik pa.
“Ay akala ko girlfriend mo. Pasensiya na.” Yumuko ako dahil hindi ko magawa na tignan siya dahil sa kahihiyan na ginawa ko.
“Don't worry, It's fine. But in one condition, accept the cater I'll have for you.” Napatingin ako kay Kim na abot tenga ang ngiti habang tumatango-tango.
“Bakit?” Tanong ko hindi ko kasi maintindihan kong bakit niya gagawin yun hindi naman kami close o kahit friend ay wala kaming ganong relationship.
“Because you are my brother's friend.” Simple nitong sagot.
“Grabe ganyan ba talaga ka sweet ang kapatid mo Zaire?” Tanong ni Kim. Hindi ko alam kong sinadya niya bang iparinig samin iyon o sadyang wala lang siyang utak at hindi niya naisip na naririnig ng bodyguard na to ang mga sinasabi niya.
Tinignan ko ang bodyguard at ganon din siya sakin. Bakit ganito? Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako nakalunok dahil sa titig nitong bodyguard.
Nakita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya agad kong kinuha ang basong may lamang tubig at uminom, nakakamala ng lalamuna. Ang intense ng nararamdaman ko.
“Salamat, Kuyang bodyguard.” Matamis na pagpasalamat ni Kim.
Hindi ako nilubayan ng guard at lantaran akong tinignan. Lumunok ako at muling uminom ng tubig sabay iwas ng tingin sa kaniya.
“Anong guard?” Tanong ni Zaire, nagtataka pa itong tinignan si Kim.
“Yung kuya mo syempre. Teka nga, ilang magkakapatid ba kayo?” Si Kim naman ang nag tanong at tinaasan siya ni Zaire ng isang kilay.
“Curious ka? Ibig sabihin ba non...” Ngumiti si Zaire ng nakakaloka kaya naman pinamulahan si Kim, pero hindi ko alam kung bakit.
“Ang kapal mo. Mukhang may kaya naman kayo, kaya magpatingin ka nga sa doctor. Siraulo.” Bulyaw ni Kim.
Sanay na ako sa kanila kaya napailing at napairap na lang ako sa kanila. Pero nagsisi ata ako sa ginawa ko dahil sinalo ng matatapang na mata ng guard ang irap ko, natigilan ulit ako at napa lunok. Bakit kaya ganito siya kong tumingin?