"Anong nangyari?" Kim asked curiously while tinitignan 'tong paglabas ng kuya ni Zaire, pagkatapos ay tinignan muli ang perang nasa mesa.
"Ang ingay mo raw kasi," sabi ko. Uminom ako ng tubig at tumayo. Hinayaan ko nang si Kim ang magbayad, alam ko rin naman na hindi na niya ibibigay ang sukli sa kuya ni Zaire.
Tumingin ako sa wristwatch ko at twenty minutes na lang, second period na. Binilisan ko ang paglakad. Gusto kong mahabol ang kuya ni Zaire, kailangan kong ibalik sa kaniya ang perang kinuha ng duwende kong kaibigan.
"Kuya ni Zaire!" sigaw ko nang naabutan ko na nasa labas pa lang siya ng canteen.
Nilingon niya ako na galit ang mukha.
"I told you to call me Matt!"
"Sorry, kuya Matt." Tumaas ang isang kilay niya na parang na-insulto sa sinabi ko.
"Ito po. Sorry sa ginawa ng kaibigan ko," inabot ko sa kaniya ang limang daang pesos.
Ayokong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao, at lalong-lalo na ayokong binabayaran ng ibang taong hindi ko naman gaanong kakilala ang kinakain ko.
"What's that?" he said as his eyebrows furrowed. Napayuko lang ako habang kinabahan akong magsalita.
Bakit kaya sa tuwing nagkikita kami o nag-uusap ay ganito ang itsura niya? Para akong naging ipis na gustong lumipad palayo sa kaniya. Nakakatakot kasi ang matitingkad na kulay itim niyang mga mata, para siyang lobo na tutuklapin ako anumang oras. Siya yung taong nakakatakot kahit sa titig pa lang—yung pagtingin mo pa lang sa kaniya, kahit na ang gwapo-gwapo niya, ay para kang mamamatay sa titig niya. Ang mga mata niyang kulay itim ang nagpapatunay na kaya ka niyang tuklapin at ihagis sa pinakamalayong lugar.
"Hindi mo naman kailangan bayaran ang kinain namin. Kaya kong magbayad. Isa pa, nakalibre na ako ng pamasahe sa'yo kanina. Nakakahiya na."
"I don't care," he said rudely. I looked at him and saw nothing on his face.
"Pero hindi mo naman kailangan gawin 'to, kuya Matt."
"s**t. Don't call me 'kuya' or I will kiss you right here." Nanlaki ang mga mata ko.
"Huh? Pero—" Nabigla ako nang inisang hakbang niya ang pagitan namin, hindi ako agad nakagalaw.
"Do you want me to kiss you?" Gulat akong tumingala dahil sa kaniyang kataasan. Nakangiti siya habang tinititigan ang labi ko. Kinabahan ako, nakaramdam ako ng panggiginaw sa katawan. Ang kamay kong naiwan sa ere, na nasa bandang baywang niya, ay nanginginig na dahil sa kaba.
"Hey. Breathe," utos niya, at doon bumalik ang katinuan ko.
Tinulak ko siya at tinakpan ang bibig gamit ang libreng kamay.
"Kunin mo na 'to," utos ko at iniabot ang limang daang piso. Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil alam kong pulang-pula na ang mukha ko.
"No," pagmamatigas niya.
"Kunin mo na 'to, ku—Matt. Ayokong binabayaran ng iba ang pagkain ko." Which is not true, dahil nagpapabayad ako kay Zaire pero never din naman ako nagpa-bayad sa ibang taong hindi ko kilala. So, it's half truth lang pala.
Tinignan niya ako ng masama at tinalikuran.
"Matt," tawag ko.
"Treat me to dinner then."
"Ano?!" Ang sabi ko lang naman ay kunin niya ang limang daang piso.
"I don't take back what I gave, Miss Sanna." He turned to see my confused face.
"Treat me to dinner with that money," he said in a monotonous voice.
"Pero may pupuntahan kami ni Kim mamaya," pagdadahilan ko. Ayokong sumamang kumain sa kanya pagkatapos niya akong takutin ng gano'n. Akala ba niya mapapasama niya ako? Sabi niya hahalikan niya ako kanina. He's dangerous for me. Too dangerous. I need to avoid him.
"No. We don't have plans." Nabigla ako sa pagsulpot ni Kim. Kanina pa ba siya diyan? Nakita niya kaya kung paano ako lapitan kanina ni Matt?
"To be honest, may pinag-usapan kami ni Zaire na kakain sa labas, kaya you can take her." She then smiled innocently, as if I don't know kung ano ang meaning niyan.
Pinanlakihan ko ng mata si Kim. Ito talagang duwende na 'to, palagi akong pinapahamak.
"You can take her now, Mr. Lombardi," sabi pa niya, at kinabahan na ako doon.
"Hindi! May tatlong klase pa tayo, Kim!" Tumaas nang konti ang boses ko. Naiinis ako kay Kimmy, but still, hindi ko siya masisisi dahil matigas na talaga ang ulo niya.
"Ayos! Okay lang 'yun, beshie. Mataas naman yung mga grado mo," sagot pa nito habang patalikod na naglalakad palayo at iniiwan ako.
"Hoy!" sigaw ko nang tuluyan na siyang tumakbo. Iniwan ba naman ako.
"Let's go?" tanong ni Matt habang nawala na si Kim sa paningin ko.
"'Let's go' mo mukha mo. Alam mo, nire-respeto kita dahil mas matanda ka sa'kin, eh, tapos kuya ka pa ni Zaire. Pero hindi maganda na takutin mo 'ko ng halik, Mr. Lombardi. Ibahin mo ako sa ibang babaeng nakaharap mo, baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili at masuntok ko 'yang pagmumukha mo." Sunod-sunod kong sabi, ngunit kahit konting ilag sa mukha dahil sa mga pinagsasabi ko ay wala akong nakita.
Ito ang unang beses na may binastos ako. Bastos din naman kasi siya.
"I don't care about anything you say. I just need your approval," he said nicely, but with a strong voice.
"You don't need my approval. Kung hindi mo kukunin itong five hundred ko, bahala ka sa buhay mo."
Mabilis akong umalis sa harap niya at pumasok ako sa second period, na ikinagulat ni Kim.
Oh, ano? Malungkot ka ngayon dahil hindi mo nagawa ang gusto mo? Sekreto kong tanong sa sarili habang papalapit sa upuan na katabi niya.
"What?"
"What happened?"
"Tigilan mo 'ko, Kim," sabi ko dito.
Tumigil na siya dahil tinawag siya ni Zaire. Simula noon ay ginawa niya nang alalay itong si Zaire, itong isa naman ay nasisiyahan na ginawa siyang alalay ng pandak niyang kaibigan.
Nakita ko na binigyan ni Zaire si Kim ng chocolate, at yung isa naman ay panay ang subo.
Hindi namin kaklase si Paul. Hindi katulad noong grade 10 na parati kaming magkakasamang apat kahit na minsan gustong mag-away nina Zaire at Paul.
Natapos ang klase at nangangalay na naman ang kamay ko dahil sa pagsusulat. Si Kim naman ay walang sinulat kahit isa, for sure, makikigamit na naman 'to sa notes ko.
"Ayiee, hinintay siya," panimula ni Kim nang makalabas kami ng school at nakita kong nakasandal si Matt sa sasakyan niya.
"Tumigil ka, Kim. Hindi ako pumayag sa gusto niya."
"Bakit? Ano ba ang inalok ni Matt sa'yo, Aphrodite?" tanong ni Zaire, na ikinairap ko, at nakita ko si Paul na papunta sa kinaroroonan namin.
"Aphrodite!" tawag niya, at sabay silang tumingin nina Zaire at Kim kay Paul na lakad-takbong lumapit sa'min. Kaya huminto kaming dalawa ni Kim, at natigilan din si Zaire na hindi na naman maipinta ang itsura.
Itong kaibigan ko—naiihi na naman ata dahil sa kilig. Para na naman kasi siyang uod na nagpapacute kay Paul. Lakas magpaganda, hindi naman maganda. Gusto ko tuloy siyang batukan kung hindi lang agad nakalapit si Paul.
"Paul," tawag ko sa kaniya. Napatingin ako kay Kim at hanggang tenga na naman ang ngiti.
"Nasa sa'yo ba ang attendance kaninang umaga? Sa English subject? Hinahanap kasi ni Ma'am."
"Nasa likod ng bag ko—" Hindi ako pinatapos ni Paul at agad itong pumunta sa likuran ko, at ang pagkawala niya sa harap ko ay siyang paglitaw ni Matt.
Tinignan ko siya nang mabuti. Naka-pamulsa siya at masama ang tingin sa'kin—o sa hangin? Hindi ko kasi maintindihan kung saan siya nakatingin. Ang kulay dark blue niyang damit ay nagkakaroon ng hugis dahil sa katawan niya. Hindi naman siya malaking tao, pero ang katawan ay halatang alaga dahil sa mga abs niya at muscle. Mukha talaga siyang model–sa pagsandal niya sa kotse ay para siyang model ng mga mamahaling sasakyan.
"I got it," sabi ni Paul na nasa likod ko. Narinig ko ang pagkasara ng zipper, at lumitaw sa harap ko ang attendance sheet na nagpaharang sa direksiyon kung nasaan si Matt.
"Here, thanks," sabi niya at nginitian ako.
Weird niya ngayon. Umalis na siya, at ang pag-alis niya ang siyang pagtunog ng cellphone ko.
"Beshie, sa susunod sa bag ko na lang natin ilagay yung attendance sheet. Marami ka na kasing dala para may maitulong naman ako." Tinignan ko si Kim, at nasa likod ni Paul siya nakatingin habang naglalakad yung isa palayo.
"Hoy, Kim. Sabi ko sa'yo, 'wag ka na diyan, 'di ba? Wala kang mapapala diyan. Papaiyakin ka lang niyan nang paulit-ulit," pagsesermon sa kaniya ni Zaire.
Napalunok na lang ako sa pinag-uusapan nila, at dahil nagsimula na silang maglakad ulit ay sumunod na lang din ako.
Nang makarating kami sa kinaroroonan ni Matt ay masakit pa rin ang tingin niya sa'kin.
"Hey, bro! What's with all this seriousness?" tanong ni Zaire.
"Stop seeing that man."
Napasinghap si Kim. "OMG! Are you jealous, Mr. Lombardi?!"
"Hindi siya nagseselos dahil kahit ako, wala akong tiwala kay Paul na 'yan, Kimmy. Pag ako napuno, ewan ko lang kung ano ang mangyari sa mukha ng Paul mo na 'yan." Tinignan siya ng masama ni Kim.
Nauna na akong umalis. Alam ko kasing mag-aaway na naman sila; ayokong marinig ang paulit-ulit nilang away.
"Where are you going?"
"Uuwi?" nagtaka kong tanong bago siya nilingon.
"We're having dinner together, right?"
"You said you don't take back what you already gave, right?" Magsasalita na sana siya nang may tumawag sa phone ko. Pagtingin ko, si "Mr. Ferdinand" ang nakalagay na pangalan.
"Yes, Paul?" tanong ko sa kabilang linya. Nilingon ko ang dalawang aso't pusang nag-aaway kanina, sa akin na nakatingin.
"The teacher called for you. Hihintayin kita sa baba ng library," sabi nito at binabaan ako ng phone call.
"Aalis muna ako."
"I'm not letting you go," matigas na pagkakasabi ni Matt.
"Ako din, beshie—'I'm not letting you go,'" ginaya pa niya ang tono ng pananalita ni Matt.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis.
"Ako na lang ang pupunta. Saan ba?" pag vo-volunteer ni Kim, at talagang masaya pa siyang tinanong kung saan.
"Baliw ka na ba? Akala mo hahayaan kitang pumunta doon? Tara na, umuwi na tayo." Hinawakan ni Zaire ang kwelyo ng uniporme ni Kim at kinaladkad siya palabas ng school.
Sumunod ang tingin ko sa kanilang dalawa, at nang lumiko sila ay napatingin ako kay Matt na seryosong nakatingin sa'kin.
Masama ang titig niya sa'kin habang may kinukuha siya sa likod na bulsa ng pantalon niya. Napatingin ako sa kamay niya nang nagsimula na siyang mag-type sa cellphone niya, and I glanced at him. Gumagalaw pa rin ang mga daliri niya na patuloy na nagta-type sa phone niya habang nakatingin sa'kin.
Tinapat niya ang phone sa tenga niya nang hindi pinuputol ang titig.
"Don't call Miss Sanna at this hour. Give her a rest, or do you wanna be the one to rest?" Nanlaki ang mata ko habang tinitignan ang phone niya sa tenga. Hindi ko kita ang pangalan, pero alam ko na lalaki ito dahil sa boses.
Hindi ba't bodyguard lang siya? Kung magsalita, para siyang boss, at hatid sa boses ang pagka-mayoridad.
Ganito ba talaga ang ugali niya? Tapos mabait naman si Zaire. Ang layo talaga ng ugali nila sa isa't-isa, katulad nina Danna at Kim.
Ganito ba talaga pag may kapatid? Hindi ba dapat ay magkasing-ugali sila dahil iisa ang dugong dumadaloy sa katawan nila? Napaisip ako, kung hindi kaya namatay ang mama ko, magkakaroon kaya ako ng kapatid? Magiging makulit din ba siya katulad ni Danna? Magiging ka-close din ba kami? May tatawag sana sa'kin ng ate. Hindi sana ako mag-isa ngayon at nakikisawsaw sa pamilya ng iba.
Oo, alam kong mahal ako ng magulang ni Kim, pero hindi ko maiwasan na ma-miss ang papa ko at maisip na sana kung nandito si mama, hindi ko na kailangan na maghirap mag-isa.
Kahit marami ang nasa tabi ko, hindi talaga matutumbasan yung makapiling mo ang totoo mong pamilya—yung sila ang nag-aalaga sa'yo at nagluluto ng pagkain mo, at hindi yung ibang tao. Para ko nang tunay na ina si Mommy Belle, pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Basta malungkot ako, gusto ko rin makapiling ang mga magulang ko.
Ang lalaking nasa tapat ko ngayon ay masamang tao. Bakit? Dahil tinangkaan niya akong halikan, at 'yon ang pinaka-mali niyang ginawa. Naiisip ko pa lang yung halik, natatakot na ako, at parang hindi na ako makapag-aral nang mabuti pag mangyari iyon. Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral dahil kay papa. Siya na lang ang meron akong magulang, sa kaniya ako pinakamapanatag. Si papa ang pinagkakatiwalaan ko nang lubos, kanino man.
"Ayokong sumama sa'yo," wala sa sarili kong sabi. Nasa isip ko lang ay masama itong lalaking nasa harap ko.
"You will, whether you like it or not," sabi nito at pinasok ako sa sasakyan. Nang nasa loob na ako ay doon lang ako bumalik sa katinuan. Pinilit kong buksan ang pinto ngunit hindi na mabuksan. Tinignan ko ang masamang lalaki na naglalakad sa harap ng sasakyan at papunta sa driver's seat. Sa bilis ng pangyayari ay wala na naman akong nagawa sa kaniya.