CHAPTER 10 RUSH'S POV Nang matapos ang pagsusuri namin sa bangkay ng babae na yon ay ipinautos na ng Professor namin na idala na yon sa purinarya. "The police will ask for both of your statements and also the message that you decoded that is about the victim," sabi ni Sir Dy na dumiretso rin dito nang marinig ang nangyari. Tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nya. Nilingon ko si Nova na nasa gilid ko at nakatanaw lang sa labas ng room. "I have something to do. Rush can go there without me," sabi nya habang nakatanaw sa labas ng bintana ng room. Tinignan ko si Sir Dy at tumango sa kanya. "I could go there alone," sabi ko sa kaniya. Tumango-tango naman sya hudyat na naiintindihan n'ya ang sitwasyon. "Okay then. Go talk to your Auntie about this incident. She probab

