CHAPTER 11 RUSH'S POV "Hoy!" napalingon ako sa likod ko nang marinig ang pagtawag na 'yon ni Treyton. Nakita ko siyang naglalakad na papalapit sa akin. "Anong nangyari sa interview kahapon?" bungad na tanong n'ya nang tuluyang makalapit. Binulsa ko ang mga kamao ko at diretsong naglakad bago nagsalita. "It was fine, I guess? They already conducted an autopsy doon sa katawan ng biktima and guess what? Nova was right. She died because of strangling," paliwanag ko. Kumurap-kurap si Treyton nang marinig 'yon. "Ang galing ng babaeng 'yan! Akala mo psychic sa sobrang galing manghula!" bulalas niya na halatang namamangha nga siya kay Nova. Hindi ako nagsalita at diretso lang na naglakad. Yes, he's right. Ang talino ni Nova. She guessed how the victim died just by looking at it for minut

