CHAPTER 7 RUSH'S POV "Hoy, pre! Ano na? Pinapatawag ka ni Tita Athena sa office nya," paguulit ni Treyton sa sinabi niya. Doon lang ako natauhan at napatingin sa kan'ya. "Ah... yeah. Let's go," pagaaya ko sabay naunang maglakad. Nanatili naman si Treyton sa likuran ko na nakasunod sa akin. Alam kong gusto n'yang itanong sa akin kung ano ang nangyayari pero pinipigilan niya lang yung sarili n'ya. Mas okay na 'yon, hindi ko rin talaga alam kung paano ipapaliwanag sa kan'ya yung mga naiisip ko. Pagdating namin sa office ni Tita ay bumungad sa akin ang nag aalalang mukha niya. "Rush! Are you okay? What happened? May nangyari bang masama sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni Tita nang makalapit sa akin. Sinuri niya yung mukha ko pati na rin yung katawan ko. "You seemed fine on the extern

