CHAPTER 6 RUSH'S POV Pagkadating na pagkadating palang namin ng cafeteria ay inulan na kami ng tingin galing sa mga estudyanteng naroroon. Gusto kong itaas ang kilay ko pero pinigilan ko ang sarili ko sa paggawa no'n at nanatili nalang na blanko ang tingin. Kasabay ko si Treyton na naglalakad papasok, dumiretso kaming dalawa sa counter. Napalingon ako kay Treyton nang mapansing namumutla siya at may namumuong butil ng mga pawis sa gilid ng noo n'ya. Napakunot ako sa noo ko sa sobrang pagtataka. "Hoy, ayos ka lang? Mukha kang ewan d'yan," tanong ko sa kan'ya. Tinignan niya ako at nanlaki ang mata namin parehas nang may marinig kami. Napatakip ako sa ilong ko nang magsimulang umalingasaw ang amoy ng utot ni Treyton. "What the f**k bro!" nakatakip ang ilong na sabi ko sa kan'ya. Ta

