Chapter 5

2072 Words
CHAPTER 5 RUSH'S POV Ramdam ko yung sobrang paginit ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Ginamit ko nalang yung dalawang palad ko para takpan yung mukha ko. A girl is seeing me blushing, how embarassing! "Why are you avoiding my gaze? Nahihiya ka ba? Kinikilig?" she asked in a playful tone. Dinungaw ko ang mukha niya and I can clearly see that she's enjoying this. I can't believe this woman! Mas mukha pa s'yang lalaki sa akin kung umakto. Sino ba kasi talaga 'tong babaeng 'to? I'm really curious about her. Unti-unti kong inalis yung palad ko na nakatakip sa mukha ko nang mapansing tinigil niya yung paghagilap sa mukha ko. Napatitig ako sa mukha niya, she's staring at me with a serious gaze. What is wrong with her? "I am just an ordinary student, you don't need to be curious about me " seryosong sabi niya sabay talikod sa akin. Para akong na-guilty dahil sa sinabi niya. Did I just offended her? Ginulo ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko sa sobrang inis. Hindi ako nanunuyo ng babae but why does the thought of her being offended by me makes me guilty? "W-wait!" pagpigil ko sa kan'ya. Dali-dali akong naglakad takbo papalapit sa kan'ya at sinabayan siya sa paglakad. Ilang minuto ang nakalipas ay purong katahimikan lang ang namamayani sa aming dalawa. Nilingon ko siya sa gilid ko. Diretso lang ang tingin niya sa dinadaanan niya. She didn't even said a word as I walk with her. Gusto kong magsalita pero napapatikom nalang ulit ako ng bibig ko. "You know..." napatitig ako sa kan'ya nang bigla kong marinig na magsalita siya. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Kumunot ang noo ko nang dahil doon. "I have read a book that includes this quote, 'Do not let curiosity drive your own body.' I think you should keep that in your mind," makahulugang sabi niya na naging dahilan para mas lalong mangunot ang noo ko. Do not let curiosity drive your own body? "W-why are you saying these words to me?" nagtataka kong tanong sa kan'ya. Binalingan niya ako ng tingin at tinitigan ng diretso sa mga mata ko. "If you want to live long..." panimula niya. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko na halos magkaduling duling ako sa kakatitig sa mukha niya. She stared at my lips and returned her gaze at my eyes before continuing. "...do not let curiosity drives you crazy or else," pagbibitin niya sa sinasabi niya. Nilayo niya yung mukha niya sa mukha ko at dumiretso ng tayo. Inantay ko s'yang magsalita pero ilang minuto ang nakalipas at walang mga salitang lumabas sa bibig niya. "Or else? What?" nagtatakang tanong ko. "Find it on your own," huling sabi niua bago naglakad palayo sa akin. "W-wai-" pipigilan ko na sana siya nang bigla kong marinig sa gilid ko yung boses ni Nash. "Uy! Cap! Hindi na tayo nakapag-practice kahapon. Plano ba tayo schedule?" dinig kong tanong nya. "O-oo. Sabihan ko nalang kayo mamayang breaktime," maikling sagot ko habang nakatanaw pa rin sa nilakaran nung babaeng 'yon. What does she meant by what she just said? Hindi ko maintindihan. Nagpasya nalang akong dumiretso sa room ko. Magsisimula na ang first class ko sa araw na 'to. I am still bothered about what that girl said earlier. Kahit saang anggulo ko tignan at isipin, wala akong maintindihan sa mga sinabi niya kanina. Although I am really curious about it, halata namang wala s'yang balak sabihin sa akin nang diretsuhan kung ano ba talagang tinutukoy n'ya. She's leaving me with hunches. Iniiwan n'ya ako ng iisipin para mas lalo akong ma-bother. And she just said na wag kong pairalin ang curiosity ko? In order for me to stop my curiosity is to know what is really going on. At ang babaeng 'yon ay halatang sinasadya akong mag isip ng kung ano-ano. She's leaving me in a pithole. Telling me to stop being curious but continues to make me curious! Napasuklay nalang ako sa buhok ko dahil sa mga naiisip kong 'yon. Pagpasok na pagpasok ko ng pintuan ng room ay bumungad sa akin ang nakangising si Treyton. Napataas ako ng kilay ko nang makita yon. Anong problema nito? Umupo ako sa upuan ko which is katabi lang ng upuan ni Treyton at naglabas ng isang notebook at pen. Ramdam ko sa gilid ko yung nakakalokong tingin sa akin ni Treyton. "What the actual f**k is wrong with you?" tanong ko habang hindi siya tinitignan. Naramdaman kong gumalaw siya sa gilid ko. "Nagustuhan mo ba yung bago mong ringtone?" nakakalokong tanong niya sabay tawa ng malakas. Napaigting ako sa panga ko nang marinig ko 'yon. I knew it. Sabi na nga ba siya yung nangialam sa phone ko kaya naging ganoon yung ringtone. Nilingon ko siya at mas lalo akong nainis nang makita ko ang nakakalokong ngiti na nakapaskil sa pagmumukha niya. "A song about m*******a for a ringtone? Seriously Treyton?" nakangiwing tanong ko sa kan'ya. "Ganda naman ah? Lumilipad nanaman ang isip ko ohhh~" kinanta niya yung eksaktong parte ng kantang 'yon na ginawa n'yang ringtone ko. "Kung 'di lang kita kaibigan kanina pa kita hinagis sa labas tapos pinagpapalo ng tubo," nagbabantang sabi ko sa kan'ya. Tinaas niya naman yung dalawang kamay niya sa ere na animo'y sumusuko pero nandoon pa rin yung nakakalokong ngiti niya. Umiling-iling nalang ako. Hindi ko rin talaga alam bakit ko napagtyagaang pakisamahan 'tong bobo na 'to. "Okay class, be seated. I will introduce you all to your new classmate." napatingin kaming lahat sa harapan nang marinig na magsalita si Sir Dy. "New classmate? Sana naman babae, sawang-sawa na ko sa mga mukha ng mga babae nating classmate," pabulong na sabi ni Treyton sa gilid ko na inilingan ko nalang. Nakatuon lang ang buong atens'yon ko sa harapan. New classmate? That's new. It's the middle of the semester, tapos may lilipat pang estudyante? Hindi ba't parang mahihirapan na siyang makahabol sa academics kung ganoon? Except nalang kung may grades na siya sa previous school niya tapos dito lang niya itutuloy yung pag aaral niya. That is understandable. "You can enter now, ija." dinig naming sabi ng Prof namin na nasa harap habang nakatanaw sa labas ng room, sa may bandang pintuan to be exact. Ija? So, it's a girl. Well, good for Treyton. Tuwang-tuwa nanaman siguro 'tong mokong na 'to kasi natupad yung hinahangad niya. Lahat kami ay nakatuon ang buong atensyon sa harapan, naghihintay na pumasok ang babaeng magiging bagong kaklase namin. Maya-maya pa ay napahugot ako ng hininga nang mapansin ang pamilyar na taong naglalakad sa harapan. White hair with pink and violet highlights, don't tell me... "Class, she will be your new classmate for this school year. Please introduce yourself," nakangiting sabi ni sir Dy habang nakatingin sa aming lahat. Nakatitig lang ako sa babaeng 'yon na diretso lang din ang titig sa akin. What is she doing here? Diretso lang talaga siyang nakatitig sa akin na naging dahilan para makaramdam ako ng pagkailang. "Kanina pa sya nakatitig sayo pre. Don't tell me, magiging fan girl mo na rin 'yan? Hay nako, umay," dinig kong tanong ni Treyton sa gilid ko. Halatang may bahid na disappointment sa dating ng pagkakatanong niya no'n pero hindi ko nalang siya pinansin. "The name's Nova Forest. Nice meeting all of you." walang kabuhay-buhay na sabi niya. Nova, huh? Her name sounds foreign. Is she foreign? "Okay Nova. You can sit... there!" nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kung saan nakaturo si Sir Dy. Sa bakanteng upuan sa isang gilid ko. Tumango si Nova sa kan'ya sabay naglakad papunta sa upuan na tinuro ni Sir. Don't tell me makakatabi ko pa sya? Bakit naman gan'to? Umupo sya sa tabi ko pero hindi ko siya nilingon. Tinuon ko lang ang buong pansin ko sa harapan at hinayaan siya sa gilid ko. "Pre, ang ganda niya. Mukha s'yang foreigner," dinig kong bulong ni Treyton sa gilid ko. Nilingon ko siya at pinandilatan ng tingin. "She might hear you, jerk," pagbabanta ko. Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi ko sabay tingin nalang din sa harapan. Binalik ko ang atensyon ko kay Sir Dy. "I assume that some of you are confused why she transferred in the middle of the semester. I did too, nung time na kinausap ako ng Principal tungkol dito. Turns out, her family migrated here in the Philippines that's why she needed to transfer to another school here in our country as soon as possible," pagpapaliwanag ni Sir. Migrated here? So tama nga ang hinala ko na foreign siya. Or probably, she's asian pero ibang country lang. She looks like a japanese for me. "How many times do I have to telll you that staring is rude?" napaigtad ako sa pagkakaupo ko nang bigla s'yang nagsalita. Dahan-dahan s'yang lumingon sa direks'yon ko habang nakataas ang isang kilay. Napaiwas ako ng tingin nang mapagtantong kanina ko pa pala siya sinusuri gamit ang mga mata ko. Stupid Rush, she might think I'm a psychopath or something. "You look more of a stalker than a psychopath," dinig kong bulong niya. Napakunot ako ng noo nang 'di ko maintindihan kung ano ang sinabi niya. "What did you just said?" nagtatakang tanong ko. Tinitigan niya ako at nakita ko s'yang napangisi. "You really can't contain your curiosity, do yoy?" tanong n'ya. Napatikom ako ng bibig ko at umiwas muli ng tingin. She's getting annoying. I heard her chuckle kaya napabaling ulit ako ng tingin sa kan'ya pero nakatingin lang siya sa harapan. "She's still waiting for her uniform kaya sya naka-civilian pa ngayon. Be nice to her," dagdag na sabi ng Professor. Yeah, napansin ko nga. She's wearing a long sleeve croptop at black pants sa ibaba. Yung sa paa niya naman, boots ulit kagaya ng unang kita ko sa kan'ya na suot nya. Her fashion sense is looking sharp. Para tuloy s'yang babaeng bida sa mga movies like resident evil or what. Napailing-iling nalang ako at napatitig sa harapan nang magsimulang mag lesson si sir. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa bulsa kaya kinuha ko jyon para tignan kung anong meron. A message from Nash sa group chat namin. Nash: G mamaya guys? Siguro mga around 3pm to 5pm nalang tayo mag practice. I can't go home late, may family dinner pala kami. Free naman ako ng mga oras na 'yon, siguro ganung oras na nga lang talaga kami mag practice. Nagtipa ako ng isasagot sa kaniya. Rush: Seems fine to me. Free ako ng mga ganyang oras, count me in. Pinindot ko na ang enter at hindi na inantay na mag-reply pa siya. Nilagay ko pabalik sa bulsa ko ang phone ko. "You can take a break for now. Mamaya pa ang next class n'yo. See you again tomorrow, class dismissed," pagpapaalam ng professor. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko habang ako ay nanatiling nakaupo habang nililigpit ang mga gamit ko. "Pre, tara cafeteria. Wala akong kain eh, nagugutom na ko." tinaas ko ang tingin ko kay Treyton nang magsalita siya. Mukha ngang wala pa s'yang kain simula kaninang umaga kasi nakahawak lang talaga siya sa t'yan niya. Naagaw ang atensyon ko ng babaeng nasa kabilang upuan ko. Bigla s'yang tumayo at walang ano ano pa ay naglakad palabas ng room. Sinundan ko lang s'ya ng tingin. Where is she going? "Ang ganda nung babaeng yon pero mukhang suplada tapos masungit." napalingon ako kay Treyton nang sabihin niya 'yon. Tumayo ako at sinukbit na ang backpack ko. Tumingin ako sa kan'ya. "Yeah, she kinda' looks like it," simpleng sabi ko at t'yaka naglakad na palabas ng room na sinundan naman kaagad ni Treyton. Paglabas na paglabas palang namin ay bumungad na agad sa akin ang ilan sa mga babae at mga binabaeng junior students na nakatambay sa may hallway. "Hi fafa Rush!" dinig kong tawag ng isa sa kanila. Siniko-siko naman ako ni Treyton. "Lakas talaga ng karisma mo eh no? Pati mga silahis naaakit mo. How to be you po ginoong Rush?" pangaasar nya sa akin sabay tawa nang malakas. Hindi ko na siya pinansin at tumuloy nalang ako sa paglakad papuntang cafeteria at hindi na pinansin ang mga tingin at tili ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. Lumingon-lingon ako sa may field pero walang bakas ni Nash doon. Itatanong ko sana sa kan'ya kung sino-sino ang mga sasama mamaya kaso tinatamad akong buksan ang phone ko. Bahala na, mamaya nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD