Chapter 4

2026 Words
CHAPTER 4 RUSH'S POV I swiped my card at pumasok na sa loob ng condo ko. Bumungad sa akin ang usual na amoy nito, classic. Itong condo na 'to, sarili kong pundar. I invested some of my own money sa company ni Lola. So basically, kumikita na ako as an investor. Naglakad ako papunta sa kusina at saka uminom ng tubig. Napabuntong hininga ako. I'm so exhausted. Napatingin ako sa t'yan ko at napahawak don, hindi pa nga pala ako kumakain. Binalingan ko ng tingin ang stove. Nagugutom ako pero tinatamad akong magluto. Napangiwi nalang ako. Naglakad ako papalapig sa fridge at kumuha ng chocolate bar sa loob no'n bago ako dumiretso na sa room ko. Nang makapasok sa kwarto ko ay isinalampak ko agad yung katawan ko sa kama at pumikit. I was only planning to close my eyes pero hindi ko namalayan na nakatulog na ako, with a piece of chocolate bar on my hand. Nagising ako at may naaninag na bulto ng katawan ng tao sa bandang paanan ko. Mukha pang gabi dahil wala pang sinag ng araw na nanggagaling sa labas. Kinusot-kusot ko yung mga mata ko at nung luminaw yung paningin ko, nakita kong wala namang ando'n. Napatayo ako ng konti at luminga-linga sa paligid. I thought I just saw someone standing there. Rumehistro ang pagtataka sa mukha ko. Guni-guni ko lang ba yon? "Whatever..." mahina kong sabi at saka bumalik sa pagkakahiga. Tumagilid ako ng pagkakahiga at napabaling ako ng tingin sa chocolate bar na nasa baba ng kama, hindi ko pala nakain 'to. Pinulot ko 'yon at nilapag sa side table na nasa gilid ng kama ko. Dalawa ang side table dito, left and right. Tinignan ko 'yon. Matutulog na lang ako. Bukas na kita kakainin. Humiga na ulit ako sa kama at pumikit. Pagod lang ako kaya nakakakita ako ng kung ano l-ano, imposible naman kasi na may mapasok dito nang hindi ko nalalaman o nahahalata. Wala naman sigurong nagbabantay sa akin sa loob ng bahay na 'to, no? Tama, guni-guni lang yon. Pumikit ako para subukang matulog ulit pero ilang minuto na ang nakalipas ay gising na gising pa rin ang diwa ko. Nakapikit ako pero hindi ako tulog, gets niyo 'yoj? Ilang minuto na akong ganito, pass 30 minutes na ata pero hanggang ngayon hindi talaga ako makatulog. Dumilat ako at ang unang-unang nakita ko ay ang ceiling. I can feel another presence surrounding me pero wala namang ibang tao sa kwarto ko, bukod sa akin. Something's not right. Hindi ko alam kung ano pero pakiramdam ko talaga ay parang may mali. Umupo ako sa kama at nagisip ng ilang minuto. That shadow figure I just saw earlier, was that only just a dream? Or there is really someone inside my house na hindi ko alam kung sino at hindi ko manlang namalayan na nakapasok dito? I have to check the house. Nagpasya akong tumayo sa pagkakaupo sa kama para libutin ang buong bahay. No one has a copy of my card sa condo na 'to. Kung meron man ay nandito yon sa cabinet ko. I don't have a girlfriend either... that is obvious kaya nga sinabi kong walang iba na may kopya ng card ko. How can someone from outside entered my house without me noticing it? Lumapit ako sa side table at nakita ko ang spare card na meron ako. Nandoon lang yon sa loob. Napalinga-linga ako sa paligid. There's nothing suspicious around here. Napako ang tingin ko sa bintana nang may mapansin. Siningkit ko ang mga mata ko doon. I didn't moved a bit. Why is the window inside my room open? 'Yun ang labis na ipinagtataka ko. Hindi ko iniiwang bukas 'yon kahit na lalabas ako and seeing it wide open sent chills down my spine. How is that even possible? Lumapit ako doon at naramdaman ko ang sariwang hangin na nanggagaling sa nakabukas na bintana na yon. Dinungaw ko ang baba kung saan napakaraming sasakyan ang nandoon. Kung mayroon ngang magnanakaw o kung sino man na nakapasok dito, tapos dito dumaan sa bintana na 'to na nakabukas, that is quite impossible. Ang tinutuluyan ko ay penthouse 'to ng building na 'to. Dinungaw ko pa lalo ang labas ng bintana at tumingin-tingin sa paligid no'n. "Imposibleng dito dumaan 'yon," mahina kong bulong sa sarili. Masyadong mataas 'to para akyatan ng magnanakaw. Sinara ko ang bintana at babalik na sana sa pagkakahiga sa kama nang may maramdaman akong kung anong bagay sa sahig. Nangunot ang noo ko nang mapagtantong may naapakan ako. Tinignan ko agad ang paanan ko para malaman kung ano ang natapakan ko at natigilan ako nang makita iyon. Napaupo ako habang hawak-hawak 'yon. It is as small as a single piece of rubic cube. Inikot ikot ko ang maliit na bagay na 'yon sa mga daliri ko para titigan nang mabuti. Metal 'yon at masyadong weird ang appearance kaya hindi ko malaman laman kung ano nga ba ang bagay na 'yon. Maybe I should ask some people if they have an idea what this thing is. Tumayo ako at nagpas'yang ilagay nalang sa drawer ko yon, itatago ko nalang muna 'to. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon and it really awakened my curiosity. Sinara ko ang drawer ko na pinaglagyan ko no'n at nagpasyang lumabas ng kwarto. I'm kind of thirsty. Maybe I should get myself a drink. Or siguro kakain na din ako, hindi pa nga pala ako kumakain simula kagabi. Binuksan ko ang fridge pagdating na pagdating ko sa kusina. Good thing I got some groceries nung nakaraang araw. Nilabas ko ang isang pack ng pancakes. Hindi ko alam bakit nandito sa loob ng fridge yung pancakes na hindi pa luto. Siguro lasing ako o bangag nung naglagay ako nito dito. Kinuha ko na rin ang iba pang mga kakailanganin ko sa pagluto ng pancake at nagsimula nang magpainit ng kawali. Habang naglalagay ng butter ay nanlamig ang batok ko. Hindi ko alam kung bakit but why do I feel like someone's watching me from a corner of my house? Am I being paranoid? Why am I being paranoid? f**k this s**t. Nangunot ang noo ko nang may maamoy akong parang nasusunog. Where does that smell coming from? "f**k!" nataranta ako nang makita na ang nilagay kong batter ay nasusunog na pala. Napakamot ako ng ulo ko nang mapatay ko ang stove. Bumuntong hininga ako bago kumuha ng pot holder. Inalis ko ang kawali sa kalan at binuksan ang gripo. Kumuha ako ng isa pang malinis na kawali at saka sinindihan. "Lumilipad nanaman ang isip ko, ohh~" napaigtad ako habang nagsasalin nang may marinig akong tugtog. Napahawak ako sa dibdib ko nang mapatingin sa counter top ng kusina, tumunog pala ang phone ko. Tinapos ko muna yung huling piece ng pancake na niluluto ko bago ko kinuha ang phone. Tinignan ko 'yon at napangiwi nalang nang makitang isa sa mga fan girls ko lang pala ang may gawa. Aksidenteng natawagan ako. Aya: Hala! Sorry! Sorry! Napindot ko lang, sorry talaga! Ayon ang nakita kong text na galing sa isa sa mga schoolmate ko. Pinatay ko nalang yung phone ko at binalik sa kinalalagyan noon kanina. Napailing-iling ako, napindot? Anong klaseng rason 'yun? Bakit ba ang lalakas ng trip nila? At t'yaka bakit ganoon ringtone ko? Napairap nalang ako sa hangin at sumubo ng piraso ng pancake na niluto ko. Pinakialaman nanaman siguro ni Treyton 'tong phone ko habang nasa classroom. Hayop na ringtone yan sumakto pa talaga sa pagiging lutang ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko at kumain nalang ng niluto kong pancakes. I should start eating my food para makatulog na ako. Nilinga-linga ko pa rin ang paningin ko sa paligid ko. I really felt someone staring at me a few minutes ago pero wala namang bakas ng kung sino dito. Am I really just being paranoid? Napangiwi nalang ako nang mapansin ang ilan sa mga students na tingin nang tingin sa 'kin pagkababa ko palang sa kotse. Tititig sabay hahagikgik, ewan ko ba sa mga 'to akala mo ngayon lang nakakakita ng lalaki. Sinara ko na yung pintuan ng kotse at sabay ibinulsa ang susi. "Hi Rush!" napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang boses ng isang babae. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. She's a senior student, I can tell based on the color of her ribbon. Ang kulay ng ribbon ng junior students na babae sa ESU ay light pink. Sa senior students naman ay dark pink. Sa mga lalaki naman na junior students ay aqua blue at sa mga senior students ay dark blue. Hindi ko talaga alam bakit ganoong mga kulay ang napili ng kung sino man ang nag-design ng uniforms ng university na 'to. Ewan, lahat talaga ng tungkol sa school na 'to baduy. "Ako nga pala yung nag text sayo kagabi." nakangiting sabi niya. Ah, siya pala 'yon. Napalingon ako sa paligid nang may marinig. "Eww, who's that girl? Is she hitting on Mr. President?" "Sa school grounds pa talaga? How dare she?" "Hindi manlang nakaramdam ng hiya, senior pa man din duh." Binalik ko ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko. Kita kong halata sa mukha niya na narinig niya rin yung mga narinig ko. I saw how her smile slightly changed pero nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya ng malawak. I am not rude to just shoo her away kaya nagsalita ako. "Oh, is that so?" tanong ko sa kan'ya. I can see how her face brightened. "Pasensya kana ha? Hindi ko talaga yon sinasadya. I just..." inantay ko ng ilang segundo kung may susunod pa s'yang sasabihin pero wala na. Siguro nahiya na sa sobrang daming mga estudyante na nakatingin sa amin. Inangat ko yung kaliwang braso ko at mahinang tinapik-tapik sya sa ulo. I saw her eyes widened by the gesture I just did. Inangat n'ya yung tingin n'ya sa akin. Nginitian ko siya. "That's okay. Go to your class now, baka ma-late ka pa sa first subject mo. Goodluck on your studies," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa mukha nya. Naglakad na ako papalayo doon at iniwan siyang nakatayo. Mahirap na, baka iba pa ang maisip niya sa ginawa kong 'yon. "Woah... what a scene." napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Tumingin agad ako sa gilid ko at nakita ko yung taong nagmamayari ng boses na yon. It's her, the girl who kept on calling me 'Stupid' yesterday. Nakasandal lang siya sa pader habang may nakasapak na lollipop sa bibig niya. Nilabas niya 'yon sa bibig nya at dahan-dahan na naglakad papalapit sa akin. Huminto siya sa harapan ko sabay titig sa mukha ko habang nilalaro niya yung lollipop sa bibig niya. Napalunok ako sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Why does your face looks like you've seen a ghost or something?" tanong niya matapos suriin ang mukha ko. Napakurap-kurap ako nang ilang ulit at tinignan siya ng maayos. "Y-you can't just do that," nauutal na sabi ko. Napatiim bagang ako nang ma-realize kung gaano ka-stupid pakinggan yung boses ko.Para akong bakla. What the hell? "Do what?" inosenteng tanong niya. Hindi ko alam kung nagmamamang-maangan lang siya, nangaasar o sad'yang wala talaga siyang kahit na anong clue sa ginagawa niya. Napatitig ako sa mukha n'ya nang makita ko s'yang ngumiti. She looks like a Japanese Girl. Hindi lang dahil sa buhok niya kun'di dahil na rin sa mukha niya. Aakalain mo talagang anime character siya na nabuhay. "Staring is rude you know." natauhan ako nang marinig ko s'yang magsalita ulit. Nakaramdam ako ng hiya, feel ko namumula na yung mukha ko ngayon. Fuck! This is the first time na namula ako nang dahil sa babae! Iniwas ko yung mukha ko sa paningin niya dahil ramdam ko na talaga yung pag init no'n. "Wait... Are you blushing?" nakakalokong tanong n'ya. "W-what? Me? Haah! Of course not, asa ka pa." pilit kong tinuwid yung boses ko nang sabihin ko 'yon. "Bakit mo iniiwas yung mukha mo kung gano'n hmm?" dagdag pa n'ya. Hinagilap nya yung mukha ko kahit na todo pa rin ako sa pag iwas. This girl is driving me insane!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD