CHAPTER 3
RUSH'S POV
Napatingin ako sa harapan ko nang mapansin kong may isang lalaking papunta sa direksyon namin. Siningkit ko yung mga mata ko. Sino naman 'to?
Mukhang napansin 'yon nung lalaking related kay Nathan kaya napatigil sya sa pagiyak at lumingon sa direksyong tinitignan ko.
"Nathan!" nanlaki yung mata ko nang marinig ko ang pangalan na itinawag niya doon sa lalaki.
Siya yung Nathan?
Dahan-dahang napatigil sa paglalakad palapit sa 'min yung tinawag n'yang Nathan at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming lahat. Maya-maya ay dali-dali siyang tumakbo palayo.
"Hey!" sigaw ko sa kan'ya. Tumakbo ako at sinundan siya. Hinabol din siya ng mga tauhan ni Tita. Hindi pa man s'ya masyadong nakakalayo ay nahawakan na siya sa magkabilang braso ng mga sumama sa akin na habulin s'ya.
"Pakawalan n'yo ako! Walang mag susustento kay Mama kung ikukulong niyo ako!" paiyak nyang sigaw. Huminto ako sa harap n'ya.
"Nathan? Are you Nathan?" I asked him. Tumango-tango s'ya. Tumingin sya sa 'kin bago nagsalita.
"O-oo, bakit? Aarestuhin niyo na ba ako?" nanginginig ang boses na tanong niya. Umayos ako ng tayo. "Pakiusap, hayaan niyo muna akong makaipon pa ng pera para sa bill ng Mama ko sa hospital. P-papatayin nila ang Mama ko kung hindi ko susundin ang inuutos nila," dagdag nya pa. Halata pa rin ang panginginig sa boses niya habang sinasabi 'yon.
Napakunot ako ng noo ko. Nila?
"What do you mean nila'? May naguutos ba sayo para gawin yung mga 'yon?" nakakunot ang noong tanong ko sa kan'ya. Tumango siya nang paulit-ulit. Mas lalong nangunot ang noo ko.
"At sino naman ang mga 'yon?" tanong ko pa.
"N-nung panahon na sinugod si Mama sa hospital, may lumapit sa 'king isang lalaki. Nag-offer ng pera kapalit ng kung susundin ko gusto nila," panimula n'ya.
Umigting ang panga ko. Money is really the root of all evil. Sa tingin ng iba porket madami silang pera, tama na ang manloko o manggamit ng tao kapalit nito.
Fucking assholes.
"Sila na daw ang bahala sa pera para sa pag papagamot ni Mama at pag papa-confine. Lahat ng hospital bills sasagutin na daw. Kahit mga kailangan sa bahay... sila na daw ang bahala. Pumayag na ako, kasi walang-wala na talaga kaming pera. Gusto ko namang gumaling si Mama, kaya kahit 'di ko alam kung ano yung kapalit ay tinanggap ko nalang..." naiiyak na tono n'yang sabi.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng awa habang pinagmamasdan s'yang sabihin ang lahat ng 'yon.
"Wag ka mag alala, you don't need to do those things anymore just for the sake of earning money. Ako na sasagot ng bill ng mama mo sa hospital. I'll send bodyguards there. At ikaw... I think you can stay muna sa Tita ko. For your security," pagpapaliwanag ko sa kan'ya. Nakita kong halos mangiyak-ngiyak siyang tumango-tango.
Nagliwanag yung mukha n'ya.
"S-Salamat! Salamat ng marami! Pero tanong ko lang... paano yung mga magulang ng mga napatay ko? Maiintindihan ko kung ikukulong ako dahil sa nagawa ko..." namungay ang mga mata nya nang sabihin niya 'yon. Unti-unti din siyang napayuko.
Halatang hindi niya talaga kagustuhan ang nagawa niya sa mga biktima.
"It's not your intention to do that, to kill those girls. You were forced to. You don't have any choice but to accept their offer because of the condition of your Mother. They manipulated you. Ang tunay na salarin dito ay yung mga nag utos sa 'yo," pagpapaliwanag ko sa kan'ya.
"Don't you have any other informations that can lead us to the real suspect?" tanong ko pa. Umiling-iling s'ya.
"Wala na akong ibang masasabi. Ang lalaking nakita ko sa hospital ay may suot-suot na maskara, hindi ko naaninag ang itsura n'ya," pag amin niya. Napa-'ahh' nalang ako at tumango-ango.
Nagpasalamat siya ulit bago ko inutusan ang mga tauhan na ihatid siya mismo kay Tita at ipaliwanag ang tunay na mga nangyari.
Napatingin ako sa dinaanan nila. Who's behind this? Iisang tao lang ba, o isang grupo ng mga sindikato? Napabuntong hininga nalang ako. Napapikit ako habang nakasandal sa pader.
I need to know something about those people who's behind these.
Who knows kung may balak pa silang gumamit muli ng isa pang estudyante para pasunudin sa lahat ng mga gugustuhin nila.
In exchange of money.
Napahawak ako sa sintido ko. Napapikit ako. Napadilat ako nang may maalala. I still need to thank that woman na nagbigay sa 'kin ng hint para malaman kung sino ang culprit. But I don't know where she is... nor her name.
Napabuntong hininga ako bago nagpasyang bumaba na. Nilagay ko ang mga palad ko sa bulsa ng pants ko at saka naglakad papalayo.
This is one hell of a stressful day at school.
"Are you sure about that ijo? Paano kung nag lsisinungaling nga lang yong batang iyon? At binabalak mo pa na patirahin sa puder natin. Ako... hindi na ako masisindak dahil madami akong tauhan. Eh, ikaw? mag isa ka lang sa apartment mo at wala pang bodyguard na nakadikit. Paano kung malaman niya condominium na tinitirhan mo at puntahan ka at ikaw isunod? Hindi ko hahayaang mangyari iyon Rush," sunod-sunod na sabi ni tita pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng office niya.
Pabalik-balik pa itong naglalakad na animo'y problemadong-problemado. I understand why she's so worried about me. Walang anak si Tita Athena Kaya ako ang tinuring na anak.
Wala rin s'yang asawa. Tumandang dalaga at itinuon ang buong buhay sa trabaho at career.
She fell inlove before to a man na mahal na mahal din siya. But unfortunately, they didn't ended up together. I never know why though. She never told me.
Well, 'di naman ako chismoso para tanungin pa sya about sa lovelife niya.
Her name, Athena actually means something. We all know that Athena is the Goddess of Beauty. Si Tita? Pinangalan sa kanya 'yon ni lola dahil sa features ng mukha at katawan niya. She looks like a Goddess that's why my grandparents decided to name her after the Goddess of beauty, Athena.
Simula pagkabata hanggang ngayon, millenial pa rin ang datingan.
"Tita... I'm fine, really. You don't need to worry about me. Besides, hindi lang naman s8ya ang nagkwento. May mga napagtanungan na din ako. Yung hospital kung saan naka-confine yung mama niya, may mga nurse na nakapagsabi na mabuting tao talaga si Nathan," I explained to her. She still seems not convinced kaya napatawa ako ng mahina.
Nakakunot ang noo niya at talagang mukhang stressed out. Lumalabas ang wrinkles. Napatawa ako ng mahina sa naisip.
"Nagaalala lang ako sayo. I can't avoid not to worry about you and your safety," she said worriedly. Kitang-kita sa mukha niya ang pagaalala niya.
"Tita... ikaw ang dapat magingat kung masama ngang talaga na tao yon si Nathan. Sa puder mo titira hindi sa akin. Tapos ako pa inaalala mo." natatawang sabi ko sa kan'ya. napakunot ang noo niya nang marinig yung tawa ko.
"Aray!" daing ko nang maramdaman ang hampas niya sa braso ko.
"Ay! Ewan ko ba sayong bata ka. Basta magiingat ka palagi, ha! Ikaw lang mag isa sa condo unit mo. Bakit ba kasi ayaw mong palagyan ko ng guards yon? At bakit din ayaw mo pa akong samahan sa mansion? Ang laki-laki ng mansion, mukha tuloy akong loner lalo," she said and sipped a cup of tea. Kita ko na nakanguso siya.
Napailing-iling nalang ako, same old Athena.
"Nasabi ko naman na 'to dati Tita diba. I want to live a normal life. Ayokong may sumusunod sa akin na parang mga robot para lang bantayan ako. I want to be independent too," sabi ko sa kan'ya na may namumungay na mga mata.
Ilang beses ko na 'tong sinasabi sa kan'ya at hinding-hindi ako magsasawang ipaintindi yon. Nakita kong bumuntong hininga si Tita bago sumagot.
"Pasensya kana Rush. Nagaalala lang talaga ako sa kaligtasan mo. Para na kitang anak. I don't want anything bad to happen to you..." malungkot na sabi n'ya.
I smiled at her. Napangiti din naman siya ng tipid Nilapitan ko siya at niyakap. Buti nalang andito si Tita para sa akin habang wala sila Mom. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawi-hawi ang buhok ko.
"Oh sya, umuwi kana at magpahinga. Wag ka na mag paabot ng gabi pauwi sa condo mo," pagpapaalala nya. I kissed her cheeks before getting my things.
"Take care... Tita. I'll get going now," pagpapaalam ko bago lumabas ng opisina nya. Tumango-tango naman s'ya bilang tugon sa sinabi ko.
Naglakad ako papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi luminga-linga sa paligid. Wala na masyadong mga estudyante. Kakaunti nalang ang natitira, nakauwi na ang iba.
Maagang na-dismiss ang mga klase ngayong araw dahil nga sa nangyaring eksena kanina. Ang daming tanong na bumabagabag sa akin simula nang masaksihan ko ang bangkay ng babaeng natagpuan namin.
Sino ba talaga ang mga taong gumagawa no'n? They have tons of money and uses those to do their evil schemes. They manipulate people.
Kung marami silang pera at walang pakialam sa kung gaano karami ang gagastusin nila para lang makapangloko ng tao, I think the one who controls them or their head to be exact, is quite rich.
Ang pinakatanong lang na nananatili sa utak ko ay kung bakit nagagawa nila ang mga 'to at bakit sa Eulogia pa? Does this school have something to do with the suspects?
Nakakita ako ng batong maliit sa daan at sinipa-sipa yon habang nagtutuloy pa rin sa paglalakad. Napabuntong hininga ako. Sana naman wala ng masyadong susunod na mga mamamatay.
Or if possible, wala na talagang mamatay ni isa.
"If you think that everything is over already, think again. You only caught the puppet... not the one who controls the puppet." napatigil ako sa paglalakad nang may marinig na nagsalita.
That voice sounds familiar.
Napalingon ako sa likuran ko kung saan nanggagaling ang boses na 'yon at nakita ang isang babae.
It's her.
"How... on Earth did you know what I was thinking?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya.
She shrugged. "A guess... I guess? Halata naman sa mukha mo na parang satisfied kana na may nahuli kanang salarin. Kahit sino ganun iisipin kung makikita yung mukha mo few minutes ago," she smirked at me.
Ang yabang ng pagkakasabi niya no'n.
Napalunok ako. This girl really gives me chills. Para akong nauubusan ng confidence sa sarili pag dating sa babaeng 'to. She's a threat.
She giggled. Napatitig ako sa kan'ya.
"What's funny?" nakakunot ang noong tanong ko. Napatigil s'ya sa pag hagikhik at tumitig din pabalik sa 'kin.
"Why do you even ask? Am I not allowed to laugh or giggled because I find you amusing?" I was taken back by her sudden spilled of words. She finds me amusing?
Hindi ko napigilang hindi magmukhang nasurpresa sa sinabi niya. She smirked while intently staring at me. Ano bang problema ng babaeng 'to? Is she trying to flirt with me? Is she hitting on me?
Nawala yung ngisi niya.
"Tch, hindi lang pala babae ang assumera. Pati din pala mga lalaki," masungit na sabi niya. Napakunot ako ng noo. What did she say? She just whispered kaya hindi ko narinig.
"What?" naguguluhang tanong ko.
"Nothing, stupid President," tipid n'yang sabi kaya napatiim bagang ako.
Hindi na talaga niya ako tinigilan sa pagtawag niya sa 'kin no'n. Namumuro na siya! Feeling close s'ya masyado!
Pasalamat siya babae siya kaya hindi ko siya mapatulan, tch!
"So long, I guess I'll be seeing you more often starting tomorrow haah! How unlucky," dagdag niya pa. Tumalikod siya sa direksyon ko at naglakad papalayo.
"Hey!" sigaw ko sa kanya. Itinaas niya lang ang kamay niya na parang kumakaway pa sa akin habang tuloy pa rin sa paglalakad.
How unlucky? I can't believe that woman!
Lahat ng mga babaeng nakakakita sa 'kin nagkakandarapa pa para lang masulyapan ako ulit tapos sya how unlucky?!
Pinatunog ko na ang kotse ko at t'yaka pumasok sa loob. Hindi ko agad pinaandar ang engine nang may maalala.
Wait, what does she meant by what she said 'I'll be seeing you more often starting tomorrow'?