CHAPTER 2
RUSH'S POV
Nang ma-decode ko yung code na iniwan ng biktima by the help of that woman at malaman na ang pangalan na nabuo ay related sa biktima, we immediately tried searching for him sa campus.
"Dito ba?" I asked the girl who confirmed that the Nathan guy probably has something to do with her friend that got killed.
Tumango-tango ito. "Y-yes president. Dito yung room nung Nathan na 'yon, hindi ko lang alam kung nandyan ba siya ngayon sa loob," she answered.
Pinihit ko na yung doorknob ng room at bumungad sa 'kin ang mga estudyante.
"Ahhh! Si President Rush!"
"Baby!"
"Wag nga kayong assumera ako talaga pinuntahan n'ya!"
"Marry me president!"
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Hindi manlang nahiya 'tong mga 'to. Nasa harap nila yung teacher nila pero kung makatili ay akala mo nasa concert.
"Lakas talaga ng tama mo sa mga babae no, Rush? Penge naman d'yan," singit ni Treyton sabay bungo ng braso ko.
"Shut up. Gusto mo sayo na lahat," I said. Tawa-tawa naman yung mokong.
"We're sorry for interrupting your class, but is there a student here named Nathan?" si sir Dy yung nagsalita. Napatingin ako sa mga estudyante sa silid. Natahimik sila sa narinig kay sir.
Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga estudyanye sa loob na siyang ipinagtaka ko.
"Uy, si Nathan daw."
"Bakit sa 'kin mo tinatanong? Pakialam ko sa weirdo na 'yon."
"Did he even go to school today?"
"Nagpaalam po siya kanina pa na may aasikasuhin lang sa labas. Hindi pa po bumabalik hanggang ngayon," sagot ng isang lalaking studyante na naka-eye glasses at petite ang katawan. Kaibigan niya siguro yong Nathan.
"Is that so? May mga alam ka bang mga lugar dito sa campus na pwede n'yang puntahan o tambayan?" I asked.
"A-ah pres... pwede bang wag tayo dito mag usap? Kahit sa labas siguro nitong room ayos na," pakikiusap nya. Mukha s'yang balisa.
"Sure, step outside so we can talk. Ma'am please excuse him." bumaling ako sa professor sa harap. Tumango naman ito ng walang pagaalinlangan. Nang makalabas kami sa room ay nag simulang mag salita yung lalaki.
"P-pres, kaibigan ho ako ni Nathan. Wala naman ho s'yang nababanggit na specific na lugar na pinag tatambayan niya. Pero meron akong hindi maintindihan na nangyayari sa kan'ya nitong mga nakaraang araw," he worriedly said. Napakunot ako ng noo sa pagtataka.
"Ang kaibigan mo na si Nathan ay sa tingin namin na may kinalaman sa pag kamatay ng isang Senior Student na babae kaninang tanghali lang. But were not accussing him for nothing. May isang bagay lang na nag lead sa kan'ya para maging suspect," I explained.
Mukhang hindi na bago sa kan'ya yung sinabi ko. Hindi manlang sya nagulat, bagkus nagsimula lang mamawis yung noo nya.
"May I know what you noticed that happened to him?" I asked him. Tumango naman siya.
"Si Nathan po noon ay maayos naman kinikilos nya. Masiyahin, palatawa, palakwento, makulit at iba pang mga ugali na talagang maganda naman. Pero nagbago yon noong na-hospital yung nanay n'ya. Comatose daw sabi ng doctor, hindi din daw alam kung gigising pa ba. May chance daw kung i-cconfine lang sa hospital para makabitan ng mga makina. Kaso noong panahong yon gipit sila Nathan, mahal yung magiging bayarin nila sa hospital kung magkataon. Kitang-kita ko kung paano malugmok si Nathan no'n." bakas sa boses at sa mukha niya yung lungkot.
"Isang gabi tumawag sa 'kin si Nathan. Tuwang-tuwa sya sa kabilang linya nung sinabi nya sa 'kin na may pambayad na siya sa pampa-hospital ng nanay niya. Syempre ako natuwa din kasi magandang balita 'yon. Bukod sa maaaring gumaling nanay niya, makikita ko na ulit na nakangiti si Nathan. 'Yun lang pala yung akala ko." napayuko siya.
"Kinabukasan pagkapasok ni Nathan sa school, balisang-balisa sya. Parang akala mo ay may problema sa utak. Tapos maya't-maya pa nagpapaalam para lumabas ng room, may gagawin lang daw. Kada lalabas siya ng room, babalik s'yang pawis na pawis. Tapos maya-maya makakarinig na kami ng report na may namatay na babaeng estudyante. Nung una iniisip ko na coincidence lang siguro yon."
"Not until isang araw naaktuhan ko mismo si Nathan na ginagawa 'yon. Naalala mo yung isang biktima na nakita sa pool sa may gym?" he asked me. Tumango ako sa kanya nang maalala yung tinutukoy n'ya.
"Oo, naaalala ko. Yung isa sa member ng volleyball team na senior student na babae na natagpuang palutang lutang sa pool sa gymnasium." tumango-tango siya nang kumpirmahin ko ang sinabi n'ya. Kumunot ang noo ko.
"Paanong nahuli sa akto? Sinasabi mo ba na siya nga yung pumapatay sa mga babaeng maiikli buhok?" tinanong ko s'ya. Um-"oo" naman sya at napalunok bago mag salitang muli.
"Oo, nahuli ko siya sa akto. Isang beses kasi naiwan niya yung cellphone niya sa desk sa room. Nakabukas lang yon tapos biglang tumunog na parang may nag-text. Tinignan ko yon. Nakita ko na may ka-text siyang babae. Nakikipagkita yung babae sa gymnasium. Kinalkal ko pa yung cellphone niya tapos nakita ko don mga pangalan ng mga babaeng namatay sa ESU. Kaya kinutuban ako. Nung nagpaalam s'yang mag babanyo, sinundan ko siya, dun nga punta n'ya sa gymnasium." huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.
"Nakita ko do'n, may kausap s'yang babae na maikli buhok gaya nung mga ibang biktima. Naghalikan pa nga silang dalawa, tapos sumunod no'n ay kitang-kita ng dalawang mata ko kung pa'no n'ya pilipitin yung ulo nung babae hanggang sa malagutan ng hininga. Tapos hinagis niya sa pool," umiiyak niyang pagpapaliwanag.
"Anong ginawa mo?" mas lalo s'yang naiyak.
"Masama na ba ko kung sasabihin kong nakita niya ako pero hindi ko siya sinumbong? Pinakiusapan niya ako na wag ko s'yang ilalantad. Pero kahit pa man 'di nya sabihin 'yon wala akong balak isumbong siya. Masama na ba ako non?" tanong niya habang may luhang tumutulo sa mata niya. Namamasa na din yung salamin n'ya.
"Pagkatapos n'yang gawin 'yon nakita niya ako sa likuran niya tapos napaiyak siya at yumakap sa 'kin. Sinabi niya sa akin na 'di nya gustong gawin 'yon at para 'yon sa nanay n'ya. Hindi niya kinwento kung bakit. Simula noon kahit alam kong mali hinayaan ko siya. Aware ako, na pumapatay ang kaibigan ko. Pero bilang kaibigan, ayoko s'yang makulong dahil alam ko dahilan bakit n'ya nagawa ang mga 'yon. Tinuring ko na din s'yang kapatid," pagpapatuloy niya. Pinunasan n'ya yung salamin niya at sinuot ulit.
"At paano naman niya pinapatay yung mga biktima n'ya?" tanong ko.
"Ang estilo nya, makikipagusap siya sa papatayin niya ng ilang araw tapos makikipagkita. Doon na n'ya nabgagawin yung balak n'ya," he said bago mapaupo at umiyak nang umiyak.
May hindi pa ako maintindihan. Paanong para sa nanay niya? May nakukuha ba s'yang pera dahil sa ginagawa niya? O may naguutos sa kanya para gawin 'yon kapalit ng pera?