CHAPTER 1
RUSH'S POV
"So... for starters, ako muna ang magbabahagi. According to the autopsies ng mga katawan ng mga estudyanteng pinatay ng 'di pa nakikilalang killer o mga killers, they found some strange numbers sa katawan ng mga victims." umayos siya nang tayo matapos sabihin 'yon.
Numbers?
"Kung bibilangin natin simula sa unang araw na pumutok ang issue na 'to sa school, there are 12 cases. 12 students din ang victims at ang mga numero na nakita sa katawan ng bawat isa ay from 1st to 12th numbers. Ibig sabihin... ang killer ay minamarkahan ang mga nabibiktima niya. Sa mga gamit naman na na-recover sa mga biktima, there are no signs that can lead to us who might their killer be. Ang cellphone naman ng mga 'yon ay hindi na namin pinakialaman, pakiusap na rin ng mga magulang nila," pagpapaliwanag ni Sir Dy.
Binibilang niya talaga mga pinapatay niya? And for what reason? Is he/she planning to kill more? Napakuyom ako ng palad sa naisip.
Looks like we're looking for a serial killer. How did a serial killer got loose in the campus?
"One thing's for sure, the killer is a genius. Pinagplanuhan ang pagpatay sa bawat biktima. He/she got rid of the possible evidences before we could even guess anything para 'di natin malaman kung sino s'ya." He said, animo'y naiinis na din sa mga naiisip.
"Sir!" napalingon kaming lahat sa isa naming kaklaseng babae na nagtaas ng kamay.
"What is that?" tanong ni sir dy dito.
She stood up before answering, "Yung mga victims po sir 'di ba puro mga babae? At lahat po sila maiikli ang mga buhok? Baka po sir connected yun sa susunod na magiging biktima nung killer." napaisip ako sa sinabi niya. Kahit si sir dy ay mukhang may napagtanto nang marinig 'yon.
"Possible! Kung tutuusin nga naman lahat ng mga pinatay nitong mga nakaraang buwan ay purong mga babae. Wala pang na-rereport sa 'min na lalaking naging victim," namamanghang sagot nito.
May naisip ako. Tumayo ako kaya naagaw ko ang atens'yon ng buong klase. Kahit si Treyton ylay napatingala sa 'kin habang ngumunguya ng snickers.
"Sir, where are the documents of the victims? Since kayo po ang may access d'on" napakunot ang noo ng prof sa naging tanong ko.
"Nandoon sila sa office ko. Why do you need them? Do you have something in mind?
"Can I have a look?" I asked. I can feel na hesitant siya but he nodded anyways.
Nagpaalam siya bago ako sinamahan sa office nya, treyton joined us too. Yung mga kaklase ko mukhang gusto din nilang malaman pero hindi pwedeng sumama sila.
"Anong nasa isip mo Rush? Bukod sa pag planong umiwas sa mga fan girls mo sa campus bukas, ano pa?" sinamaan ko siya ng tingin. Itinaas naman n'ya yung dalawang kamay niya na parang sumusuko.
Pagkapasok ni sir sa office ay hinalungkat niya agad yung drawer niya kung saan nakalagay yung mga papeles ng bawat estudyante. Inilatag niya ang mga 'yon lahat sa lamesa at isa-isa ko 'yong tinignan.
"Sir pwede ko rin bang makita ang mga phones nila? I just want to confirm something." mukhang nagdadalawang isip pa s'ya kung ilalabas ba pero sa huli ay nilabas n'ya din lahat.
I turned on each one of them at tinignan ang call history pati messages. All of them has a number of the same user.
Tinignan ko ulit yung mga documents, may mga pulang accessory sila isa-isa. Some has red necklace, red scrunchy, red earring, red hair clip, etc.
Nanlaki yung mata ko nang may mapagtanto. Napalingon kaming tatlo nang biglang bumukas ang pintuan ng office. Isa sa mga janitor ng school ang hingal na hingal na nakatukod sa nakabukas na pinto.
"S-sir! Sir! May isa nanamang katawan ng babae ang natagpuan sa isang room sa junior building!" halos napapaos ang boses na sigaw nito.
Nalukot ko yung papel na hawak ko. I knew it! My hunch was right! Dali-dali kaming pumunta sa sinabi ng janitor na kwarto kung saan nakita ang bangkay. Nanginig yung kamay ko nang makita kung sino ang nakahiga sa malamig na sahig habang balot balot ng sariling dugo.
Yung babaeng nakita ko kanina sa grounds.
Nagdatingan ang mga tauhan ni Tita at sinuri ang katawan. Lumapit ako at lumuhod sa gilid ng bangkay.
Sabi na nga ba sya ang sunod.
Napansin ko kanina nung nakita ko s'ya na may pula siyang bracelet. Maikli din yung buhok niya. Naisip ko na baka s'ya ang isusunod nung makita ko yung mga picture ng mga babaeng namatay sa mga files na nasa office ni sir.
"Nasaan yung cellphone niya?" one of tita's men handed it to me. Nagsuot ako ng gloves kanina kaya pwede ko 'tong hawakan.
Pagkabukas ng screen, bumungad sa 'kin ang ilang mga numero na naka-type. Naka-type iyon sa parte ng cellphone kung saan ka tatawag. Mukhang nai-dial niya 'to bago sya mamatay, asking for help.
I-eexit ko na sana para tignan yung contacts nang may humawak sa kamay ko.
"Wag mong pakialaman yan kung gusto mong malaman kung sino nga ang pumatay sa babaeng yan," a girl spoke.
Lumingon ako sa kanya at nangunot kaagad ang noo ko nang makita ang itsura ng babaeng 'yon.
She has a short white hair with pink and violet highlights, black lenses, a fair skin, maliit ng konti sa akin. She's also wearing a white racerback tank top at fitted jeans na kulay itim. Boots naman ang suot niyang sapatos sa pangibaba.
Estudyante ba 'to? I've never seen her here before, ngayon lang. And what did she just said? Inuutusan niya ba 'ko?
"At bakit ko naman gagawin yon?" she raised one of her eyebrow.
"Sa tingin mo i-ttype iyan ng babaeng 'yan at the first place habang kaharap ang killer kung wala lang yan?" bahgagya akong napaisip sa sinabi niya.
"Probably napindot lang niya 'yan sa sobrang nerb'yos. Ang daming numbers, mukha ngang pinagtripan ng bata tapos kung ano-ano ang pinagpipindot." kumunot ang noo niya at mas tumaas pa ang kilay nito sa naging sagot ko.
Anong problema sa kilay nito?
"Presidente ka ba talaga ng student council? Bakit ang bobo mo?" diretsong sabi niya. Hindi ko inaasahan yung isasagot n'ya kaya medyo nagulat ako.
Ako bobo?
"At sin-" she cut me off.
"Look at the dial pad of her phone. Sa ilalim ng bawat numero sa mga nasa screen ay may mga letters, tama ba? Now look at the numbers she typed." napatingin ako sa screen ng cellphone.
662844266
"Look again to the screen, sa dial pad to be specific. Sa ilalim ng 6 may tatlong letters right? MNO. Ngayon, try typing on your phone those numbers she typed and write on a paper ang letrang katumbas hanggang sa may mabuong word," she added. I glanced at her.
"At bakit kita susundin?" masungit na tanong ko sa kaniya. Bakit nga ba e hindi ko nga siya kilala? Baka mamaya pinagtitripan lang ako nito.
Lumapit siya sakin, as in sobrang lapit to the point na magdidikit na yung mga dulo ng ilong namin.
"If you want to know who the killer is, do as I say. Stupid president."
Napalunok ako. Her breath smells like strawberries. But what did she just said? Stupid president? Gustong gusto ko sya pagsalitaan ng kung ano-ano pero pinigilan ko ang sarili ko. How can she say those worfs? Tumitig ako nang matalim sa kanya bago bumaling sa isang estudyante.
"Can I borrow a pen and a paper?" I asked one of the girl from the crowd of students. Wala bang klase tong mga 'to? I think she's a junior student based on the ribbon on her blouse.
The girl seemed nervous nang kinausap ko sya. Nanginginig-nginig pa yung mga kamay niya habang inaabot yung hinihiram ko. I took off my phone and opened the dial pad.
The dial pad looks like this:
1 2 3
abc def
4 5 6
ghi jkl mno
7 8 9
pqrs tuv wxyz
* 0 #
Napatingin ulit ako sa mga numbers na tinype ng biktima. Probably bago sya patayin or mismong time na papatayin na sya.
662844266
I analyzed the numbers using the dial pad. So when you type 66 ang letter na katumbas no'n ay N. I wrote n on the paper. If I type 2, A naman ang equivalent letter. I wrote A.
N-A
Pag 8 naman, T.
N-A-T-
Pag dalawang 4 naman, H.
N-A-T-H-
Second to the last letter, 2 which is equivalent to A.
N-A-T-H-A
Napakunot ang noo ko as I looked at the letters that are forming. Is this a name?
And lastly, another 66 which is N.
N-A-T-H-A-N
Nanlaki yung mata ko. Pangalan nga!
Nilinga-linga ko yung tingin ko sa paligid. Nahagilap ko yung dalawang babaeng estudyante na umiiyak sa tabi ng bangkay. Nilapitan ko sila.
"Are you both somehow related to the victim?" I asked. Tumango-tango naman sila.
"May kilala ba kayong Nathan na related sa victim?" dagdag ko pa. Napatigil sila sa pag iyak at nagkatinginan.
"O-opo, yun po yung junior student na ka-textmate niya. Siya po yung pinuntahan n'ya dito. Bakit po? May kinalaman ba siya sa pagkamatay ng kaibigan namin?" sagot ng isa.
There's a huge possibility that the Nathan guy has something to do with this girl's death. Lumingon ako sa kinatatayuan nung babaeng kumausap sa 'kin kanina pero wala na siya do'n.
Who is she? Bakit alam niya kung paano at kailangan i-decode ang mga numbers na 'yon?