PROLOGUE
"Good morning... President," one of the junior girl student said as I walked pass them while holding papers that I need to take to the Principal's Office.
I just nodded without looking. Pag pinansin ko pa sila ay baka kung ano-ano nanamang articles ang makita ko sa f*******: page ng school.
Magkakaroon nanaman do'n ng kung ano-anong edited pictures kasama ang kung sino mang pinansin ko dito sa school na 'to. Iyon ang laging nangyayari kaya mas okay nang iwasan nalang, nakakairita na rin kasi.
Although hindi naman na bago sa akin yung mga gano'n. Everyday, I mean every single part of the day may mga babaeng tawag nang tawag sa'kin.
Maglakad lang ako sa hallway, nagsisidungawan na yung mga students especially the girls. Kaya madalas nangangamote nalang yung mga Professors nila kasi hindi na natutuloy yung klase pag gano'ng case.
Dumating pa nga sa point na nakiusap pa sa 'kin yung professor ng isang section para lang sabihin na kung pwede ay wag na muna akong dumaan sa tapat ng room nila.
Yung mga estudyante n'ya daw kasi ay puro ako ang nagiging topic at hindi ang naturiang lesson nila pag nangyari na 'yon.
Sanay na sanay na ako sa mga gan'yang mga estudyante. May iba pa ngang professors na babae at mga kasing edad ko na gano'n nalang din kung maka-fan girl sa akin.
Pero seryoso, araw-araw halos hindi sila nauubos kahit na anong pag-iignore ang gawin ko sa kanila.
Some are sending me gift's sa desk ko sa classroom, sa labas ng pintuan ng office ko, sa ibabaw ng locker ko, minsan meron pa sa mismong loob na mga written letters (sinusuksok lang nila) and even on my personal condo unit.
Sa labas ng pintuan ng condo unit ko kada uuwi ako hindi talaga matatapos ang araw na wala akong nakikitang kung anong flowers, chocolates at kung ano-ano pa na galing sa mga 'fan girls' ko kuno.
I don't exactly know why though. Hindi naman ako pala-approach sa school lalong lalo na sa mga estudyante. Is it because I'm a varsity basketball captain sa campus and the president of the student council at the same time? Is it because I have a rich family and my family name is actually known worldwide? Or because of my looks?
Hindi naman sa nagmamayabang, I'm just stating the facts and some of the possibilities.
I'm an engineering student here in Eulogia State University, a dean's lister, senior varsity captain, my family owns one of the largest company in Philippines with lots of branches abroad and when it comes to looks, well...
Hindi nalang ako mag-talk.
Napangiwi nalang ako nang maisip nanaman ang pangalan ng school na 'to. Ewan ko bakit ganiyan pangalan ng university na 'to, sounds weird.
Eulogia, really? Baduy!
Hindi ko din talaga alam kung sinong nagpangalan n'yan sa buong angkan namin. Sa pagkakaalam ko wala namang ganyang ka-baduy ako na kamag-anak.
This school is actually owned by my family. Kung ako tatanungin, ayoko ng special treatment nila. I even bought myself a condo unit of my own para bumukod sa parents ko.
Honestly, for someone who has a very well-known family background, I don't really like attention that much especially kapag family name ko nalang lagi ang dahilan. Well, who wants to be remembered just by their family name 'di ba?
"Tita... here are the papers that Mr. Dy asked me to give you." sabi ko nang makarating at makapasok sa loob ng office ni Tita.
The principal, my tita, looked at me with a hint of worry in her face kaya nagtaka ako kaagad.
"Is there something wrong?" nakakunot ang noong tanong ko sa kan'ya. Bumuntong hininga naman s'ya bago sumagot.
"Rush, do you have a lead or informations about the sudden happenings here in the campus? This is very unusual, nakakaalarma. Nitong mga nakaraang buwan parami nang parami," she said with a worried tone.
Bakas sa mukha at sa mga mata n'ya na iyon lang ang talagang iniisip n'ya. I sighed. These past few months, there are sudden outbreak of murder cases here on our school.
Anonymous murder cases.
Hindi ko alam paano nangyari. The security system here in the campus and even outside the campus are pretty high. Kahit si Tita ay walang masabi na kahit ano tungkol dito. Wala rin naman s'yang nababanggit na taong may atraso s'ya para may makagawa ng ganitong bagay.
Kung sino man ang taong nasa likod nito, I admit, matalino s'ya.
"I don't know what to do anymore, Rush. Hindi naman maaaring ipaalam natin ito sa mga authorities, masisira ang pangalan ng paaralan na ito. Ano na lang ang iisipin ng mga magulang mo na nasa ibang bansa pag nalaman nila? They'll think I'm a failure! Sa akin pa man din inihabilin itong university!" she shouted, frustratedly.
She's close to crying kaya umupo ako sa harap niya dahilan para iangat niya yung ulo niya at mapatingin s'ya sa akin. I smiled at her para iparating na maaayos din ang lahat.
"I swear Tita, we'll find those people who's behind all of these. I won't let you face and solve these crimes all by yourself. Baka nakakalimutan mo Tita, tayong dalawa inihabilin dito. I'm the president of student council of ESU, and these problems are my problems too," I said while looking intently at her eyes.
Nakita ko naman na medyo naging panatag ang ekspresyon ng mukha n'ya kaya sa tingin ko ay ayos lang 'yon.
She seemed convinced kaya medyo nag-lighten up ang mukha niya. I'm not actually a smiley person pero napangiti ako ng konti nang makita 'yon.
She's like my second parent. She's the one who took care of me since I was a child up until now while my real parents are busy working their asses off.
Siya nalang ang pamilya ko na nandito sa pilipinas kaya hangga't maaari ay gagawin ko ang lahat para sa kaniya.
I will do anything just to protect her.
"If that's the case then thank you... Rush. Sana lamang ay mahanap na natin kung sino man ang may kagagawan ng mga ito. I can't afford to lose another student," Namumungay ang mga matang sabi niya. Halata sa mukha niya ang pagaalala.
"Don't worry Tita, we'll find a way," I assured her. Hinalikan ko siya sa noo at t'yaka hinarap.
She nodded and smiled.
"Hay! Oh siya, you better go to your class. May klase ka pa hindi ba? Baka mahuli ka sa klase mo," pagtataboy niya sa akin na tinawanan ko nalang.
"Yeah yeah, I'll go," natatawang sabi ko sabay tayo bago nagdesisyon na lumabas na ng office nya.
I glanced at my wristwatch. It's exactly 2 pm in the afternoon. I still have 10 minutes for my next class.
Napatingin ako sa bulsa ko nang may maramdaman ako. I took my phone off when it vibrated. Notifications from my "fan girls" kuno started to pop-up.
Araw-araw dumadagdag ang friend requests ko sa lahat ng social media accounts ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiirita. Napabuntong hininga nalang ako bago ibalik sa bulsa yung phone ko.
Millenials nga naman, basta pogi crush na agad. Tignan lang sila pabalik, tingin nila crush din sila. Assumera ka, bhie?
Habang nag lalakad napalingon ako sa isang student na nag-lalakad takbo. She's holding her phone and keep on glancing on it while half running on a certain direction. I think sa junior building ang punta niya.
She's a senior student base on the ribbon on her uniform, so why is she headed that way? Anong gagawin niya do'n? Mukha pa siyang madaling madali.
I just shrugged and continued walking. Pag s'ya nadapa, goodluck nalang.
"Uy Cap! Practice mamaya?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Nash, one of my co-members sa varsity. Tumango ako sa kaniya at kumaway.
Pagkaapak ko ng floor namin sa labas pa lang ng classroom ay nandoon na ang mga classmate ko, nag aabang. Napataas ako ng kilay nang magtilian silang lahat bago pumasok sa loob ng room.
Hindi ako bakla ah, babae lang ba ang pwedeng mag taas ng kilay at mag taray?
Mula sa pintuan pa lang ng room kitang-kita ko na mga chocolates, letters, at kung ano-ano pang mga bagay sa desk ko. Araw-araw naman ang mga 'to pero 'di pa rin ako sanay.
Kumaway sa 'kin si Treyton, my best friend. Magkababata kami ni Treyton, our parents are business partners kaya totoy pa lang ako ay magkakilala na kami.
Pagkarating ko sa desk ko napabuntong hininga na lang ako. Pinagkukuha ko isa-isa yung mga iba't ibang chocolates at nilapag sa harapan ni Treyton.
"Ikaw nalang ang kumain nang mga 'yan, busog ako." nilingon ni Treyton yung mga babaeng nagbigay sa 'kin ng mga 'yon kaya napatingin na din ako sa kanila.
Karamihan sa kanila ay nalukot ang mga mukha na pawang nalugi dahil sa narinig na sinabi ko.
Tumingin sa 'kin si Treyton na parang nangaasar pa. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binalin ulit ang tingin sa mga kaklase ko at binalik agad kay Treyton matapos ang ilang segundo.
"You eat those and I'll read these letters. Busog talaga ako, besides araw-araw na ako nakakatanggap niyan, mag kaka-diabetes na ako sa chocolates na kinakain ko araw-araw," I said sabay upo at lagay ng mga letters na nakapatong sa desk ko sa loob bag ko.
"Pfft... you heard that mga bebe girls? Mukhang ako nanaman ang kakain nitong mga 'to pero babasahin naman daw ni Rush mga letters niyo kaya wag na kayong maging mga sad girls dyan," he said and opened a Kitkat at isinubo sa bibig nya.
I glanced at my classmates once more at mukha namang ayos na sa kanila 'yon. I sighed. papatayin ata ako ng mga 'to sa chocolates.
"A pleasant afternoon, students. Please be seated." Nabaling na ang tingin ko sa prof namin nang magsalita ito.
"For this afternoon, wala akong ididiscuss sa inyo about our lesson. I just want to ask you guys about the creepy happenings here on ESU for the past months." Napakunot ang noo ko. I thought we're not allowed to talk about those?
"Kita kong ang pagtataka sa mukha ng ilan sa inyo so please allow me explain it," he started. ",pumayag na ang principal na pag usapan ito at baka may mga alam ang ilang mga estudyante dito that can help us to find who the suspect is. I know that all of you are all curious but students, makakaasa ba ako na wala kayong pagkkwentuhan ng mga paguusapan natin ngayon sa klase?" mahabang paliwanag niya sabay libot ng tingin sa mga estudyanteng nasa loob ng klaseng 'to.
All of my classmates answered 'yes sir'. Napade-kwatro nalang ako. Dapat lang.
Gaya ng sabi ni Tita kanina, walang dapat makaalam na otoridad or government personnel sa issue na 'to ng school. Why? Easy... just like what we talked about earlier ni Tita, this scandal could ruin the reputation of this school.
I cannot let that happen.
Iyon ang huling bagay na hahayaan kong mangyari. Kaya kung maaari ay dapat malaman ko na kaagad ang kung sino man ang nasa likod ng lahat ng mga pangyayaring 'to bago pa maging huli ang lahat.
Rush the president-s***h investigator?