Nakilala ko si Franzel at talaga namang nawala pansamantala ang naiisip kong lungkot. Masaya kasi siyang kasama. “Hey… Are you okay?” tanong niya habang sumasayaw kami. Ngumiti naman ako sa kanya. “Oo naman!” I said. Hindi ko naman alam kung bakit niya iyon naitanong sa akin gayong sumasayaw naman ako nang maayos. “Good!” she said. “Let’s just dance!” wika ko na lang sa kanya. Kaya naman patuloy kaming sumayaw. Hanggang sa maramdaman naming pareho na kami ay napapagod na. Inaya ko na siyang maupo. “Pagod ka na ba?” tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin. “Tara, upo na muna tayo,” aya kong sabi na kinatango niya sa akin. “Sige. Tara!” At naupo na nga muna kami sa pwesto namin. “Do you want some punch?” tanong ko sa kany

