NATHAN'S POV Three days ko ng hindi nakikita at nakakausap si Nate mula nang huli kaming magkita. Iyon pa iyon noong hinatid niya ako sa boarding house. Hindi na naulit. Even texts, nor tawag ay wala. Wala talaga siyang paramdaman sa akin. I don’t know why. Hindi naman ako galit sa kanya eh. Hindi naman talaga. Wala rin naman akong alam na naging dahilan para magalit siya or magtampo man lang sa akin. Minsan tinatawagan ko siya at tine-text, pero wala pa rin naman siyang reply sa akin. Kahit sa tawag hindi niya ako sinasagot. Hindi ko alam kung bakit. May nagawa ba akong mali sa kanya? Hindi ko kasi maisip eh. Bakit kaya? Hindi na rin siya nagpupunta rito sa school unlike before na halos-minu-minuto siya kung magpakita sa akin.

