NATE'S POV Hindi ko alam na ang bilis pa lang lumipas ng mga araw. Parang kahapon lang ng huli kaming magkita ni Nathan sa boarding house niya. Parang kahapon lang nang hinatid ko siya sa boarding house niya. Parang kahapon lang nang magsabi siya sa akin na huwag ko na muna siyang sunduin dahil si Mikko ang susundo sa kanya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hay. Pero hindi pala. I almost forgot, it's been two weeks magmula no’ng huli ko siyang makita sa kanila pa. Hindi ko kasi makalimutan. Oo, nakakasama ko si Franzel pero iba pa rin kasi kapag siya ang kasama ko. Although masaya naman kasama si Franzel, kaya lang iba pa rin ang kulitan namin ni Nathan kapag kami ang magkasama talaga. Nandiyan kasi iyong bigla niya ako kukurutin sa pi

