Nakangiti ako the whole drive pauwi ng bahay dahil nagkita na ulit kami ni Nathan. Actually, sobrang na-miss ko siya. Gusto ko pa nga sanang makausap siya nang mas matagal pero hindi naman pwede dahil parehas kaming may pasok bukas. Hindi pwedeng hindi kami pumasok. “Hay… I really missed you, Nat…” naisambit ko habang patuloy pa rin sa pagngiti. Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil maaga naman talaga ang pasok ko. “Nate!” napalingon ako sa tumawag sa akin. “Fran!” sambit ko naman dito. Lumapit naman siya sa akin. “Good morning,” bati niya. “Good morning,” bati ko rin sa kanya, “Ang aga mo ah,” sabi ko. Napangiti naman siya. “Ah, yeah. Maaga kasi ang klase ko eh,” sagot niya, “Ikaw rin naman maaga ka,” she said. “Ah, yeah. Maaga rin kasi ang klase ko ngayon,” tugon ko rin nam

