“Nakakainis ka, alam mo ba iyon hah?” sambit na naman ni Nat sa akin habang yakap-yakap ko siya. Rinig na rinig ko ang kanyang paghikbi. Kung iniisip ninyo na nakayakap siya sa akin, ay nagkakamali kayo. Hindi siya yumakap sa akin. “Hindi mo alam kung ano ang naramdaman ko no’ng mga araw na hindi ka nagpaparamdam sa akin. Hindi ka tumatawag, hindi ka nagte-text, hindi ka nagpaparamdam. Kahit si Jesh nang makausap ko tungkol sa iyo ay hindi naman ako sinabihan,” patuloy niyang wika. Hindi ko alam pero halatang-halata sa boses niya na talagang matindi ang pinagdaanan niyang lungkot at pag-aalala. “Shh… I’m sorry, Nat. Sorry na…” I said once again, “I just don’t know…” Nagulat naman ako nang tumanggal siya sa pagkakayakap ko sa kanya. “What do you mean you don’t know?” tanong niya sa a

