NATHAN’S POV Pinag-isipan ko namang maigi ang mga sinabi ko kay Nate. Hindi ko rin naman kasi sigurado kung bakit ako inaya ni Mikko na makipagkita sa kanya. I mean, na makipag-date. Actually, nakakapagtaka na inaya niya ako, pero ano naman ang magagawa ko kung inaya niya man ako? Although pwede ko namang hindian, pero um-oo pa rin kasi ako. “Salty…” tawag ko kay Salty habang nasa bench kami. Wala kasi si Nate, hindi pa kami ulit nagkikita simula no’ng maghpunta kami sa Robinson. “Oh, ano na naman ba ang problema mo, Jabz?” tanong niya sa akin. “Sabihin mo nga sa akin kung tama ‘yong naging desisyon ko na um-oo kay Mikko?” tanong ko sa kanya. “Nathan, naman eh… Ilang beses ko na bang sinagot iyan sa iyo?” tanong din niya sa akin. “Hindi ka nakikinig

