NATE’S POV “Sige na, Nate, see you,” Joan said nang makapagpaalam na ako sa kanya na hindi ako makaka-attend ng meeting namin since susunduin ko si Nathan. Hindi ko kasi siya nasundo the previous days dahil naging busy talaga ako. I mean, busy na rin naman talaga ako before ko pa makilala at makasundo si Nat, pero nag-iba na kasi ang routine ko noong magsimula na rin na maging okay kaming dalawa. “Basta a-attend ako ng meeting natin next time,” pagpapakasigurado kong sabi rito. “Oo na. I know you naman, Nate. Ikaw pa ba? Sige na, sunduin mo na ‘yong girlfriend mo,” she said. Napangiti naman ako sa sinabi niya. “Hey, she’s not yet my girlfriend,” sabi ko na kinatigil ko ring bigla. “Aba? May pa-not yet ka pa ah? Now I know,” Joan said as she teases me. “O

