MIKKO’S POV Niyaya ko nga si Nat na lumabas kami. Actually, oo, sinadya ko talaga silang puntahan ni Salty sa University dahil gusto ko talaga siyang ayain na lumabas. Hindi ko naman kasi inaasahan na busy pala siya ngayong araw. Ang alam ko lang ay maaga ang uwi niya dahil iyon naman ang sinabi sa akin ni Jesh kanina nang tumawag ako sa kanya. Ang sabi niya ay wala nang kasunod na klase si Nat dahil maaga ang uwi nila. Exam kasi nila kaya naman talagang maaga. Kaso hindi ko naman alam nga na may singing lessons pala siya. Buti na lamang at napapayag ko siya na samahan ko na lang siya dahil si Salty ay may pupuntahan. “Jesh, sigurado ka bang maaga talaga ang uwi nila Nat ngayon?” tanong ko kay Jesh via phone. Wala kasi akong pasok kaya naman siya ta

