bc

The Enchanting Cord (FREE)- FINISHED

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
revenge
HE
fated
drama
lighthearted
campus
like
intro-logo
Blurb

Ang Wedding Blossoms Inc. ang pinaka-importanteng bagay para kay Juvilyn sa buhay niya

ngayon. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para sa ika-u-unlad ng kumpanya na itinayo nila ng

kaibigan niya. Mula pa kasi pagkabata ay pangarap iyon ni Juvilyn at hindi naging hadlang na

matupad iyon kahit maraming dumaan na matitinding pagsubok sa buhay niya.

Pero nagulo ang buhay niya ng biglang dumating si Rye Emman Villaluz at pinagbibintangan na

siya ang may dahilan kaya iniwanan ito ng girlfriend nito. College palang ay kilala na niya ang

lalaki. Kaya naman imbes na dating anyo nito na payat, may makakapal na salamin at baduy na

pananamit ay nagulat siya ng magpakita ito sa harapan niya. Walang-wala na ang dating Rye na

kilala niya. Sa madaling salita, napaka-gwapo, hunk at matinding s*x appeal ang mayroon kay Rye.

Ang problema nga lang, gusto ni Rye na maghiganti sa ginawa niya laban dito. Pinaghiwalay kasi

niya ito at ang kaibigan niya para sa isang plano na iniutos sa kanya. Kaya ipinangako sa kanya ng

binata na gagawin nito ang lahat para lang magulo ang buhay niya. Hindi niya akalain na sa

panahon na gumaganti ang binata sa kanya ay nahuhulog naman ang puso niya para dito. She

was falling in love with him. Pero ang kapalit pala ng pagmamahal na iyon ay ang pagkabunyag

ng lihim ng nakaraan.

chap-preview
Free preview
Prologue
NABILANG na yata ni Juvilyn ang lahat ng lamok na nasa bahay nila ngunit hindi pa din dumarating ang Tatang Ruping niya. Halos buong gabi na siyang naghihintay dito ngunit hindi pa din ito nakakauwi. Ayon kasi sa Tatang niya ay nakakuha daw kasi ito ng extrang trabaho at wala naman itong nabanggit sa kanya kung saan iyon. Ang tanging bilin lang nito ay huwag na daw niya itong hintayin dahil malaki ang posibilidad na baka gabihin na ito ng uwi. Noong nakaraan kasi ay umuungot si Juvilyn ng pambayad para sa field trip. Alam naman niyang kapos talaga sila sa maraming bagay at hindi rin siya palahingi sa Tatang niya. Pero gusto niya talagang sumama sa field trip nila dahil last na iyon at gusto din niyang ma-experience iyon. Isa pa ay ni-required iyon ng adviser nila. Kaya naman todo pilit si Juvilyn sa matanda at ang sabi nito ay gagawa daw ito ng paraan para makasama siya doon. Kaya naman laking tuwa niya dahil alam niyang tutuparin iyon ng Tatang niya. Dahil kapag nangako ito sa kanya ay alam niyang gagawin nito iyon. Kaya nga nagsisipag siya ng pag-aaral niya dahil gusto niyang mabigyan ito ng maginhawang buhay. Limang taon na ang nakakaraan ng mamatay ang Tatay ni Juvilyn. Nahulog kasi ang pampasaherong bus na sinasakyan nito paluwas na Maynila noon. Halos lahat ng pasahero ng bus ay namatay kasama doon ang Tatay niya. Ang nanay naman niya ay namatay pagkapanganak sa kanya kaya ulilang lubos na siya ng mga panahong iyon. Sampung taon lang si Juvilyn noon at hindi niya halos alam ang gagawin niya. Paano niya bubuhayin ang sarili niya? Walang-wala silang dalawa ng Tatay niya kahit noong nabubuhay pa ito. Ang kwento kasi nito ay naipagbili nito ang maliit na lupang sinasaka nila nang mamatay ang Nanay niya. Kaya nang mawala naman ang ito ay halos wala din itong naiwan sa kanya na kahit na anong ari-arian o pera man lang. Walang kamag-anak ng nanay at tatay niya ang gustong kumuha sa kanya. Naririnig din niya sa mga ito na baka ibigay nalang siya sa DSWD. Pakiramdam niya ay aping-api siya noon dahil sa nangyayari sa kanya. Ngunit bago pa man ilibing ang Tatay ay biglang lumitaw ang Tatang Ruping niya. Hindi niya kilala ito pero pamilyar ang pangalan nito dahil lagi itong binabanggit ng Tatay niya sa kanya. Kapatid daw ito ng Lolo niya at tyuhin ng Itay niya. Naglayas daw ito dahil sa hindi pagkakaunawaan hanggang sa halos ilang dekada na din itong hindi bumabalik sa kanila. Nang sabihin ni Tatang Ruping na kukunin siya nito para ampunin at pag-aralin ay parang nabuhayan siya ng pag-asa. Lalo na ng marinig niya mismo sa bibig nito na magpapatuloy siya sa pag-aaral. Gustong-gusto kasi ni Juvilyn na mag-aral at lagi siyang may honor sa klase niya. Ngunit ang sabi pa nito ay aalis sila sa baryo nila at pupunta sa lugar kung saan ito nakatira. Nakaramdam siya ng lungkot dahil maiiwanan na niya ang lugar na kung saan siya nagkaisip. Pero mabuti na rin na sumama siya sa Tatang niya kaysa mapunta sa mga iba pa nilang kamag-anak o sa bahay-ampunan. At isa pa ay mabait ang Tatang Ruping niya. Pagkatapos na malibing ng Itay niya ay nagpunta na sila sa Camba, Sta. Ana. Tulad nila ng Itay niya ay maliit lang din ang bahay ng Tatang Ruping niya at alam niyang kapos din ito sa buhay. Ang edad nito ay nasa singkwenta na at may katandaan na din. Ngunit kababakasan pa din ng lakas ang katawan nito na batak na batak sa trabaho. Ang kwento din nito sa kanya ay nag-t-trabaho ito bilang construction worker. Pero dahil may edad na din ay wala ng tumatanggap dito kaya nagtya-tyaga nalang ito sa mga extrang trabaho at pagkumpuni ng mga sira-sirang gamit sa baryo nila. Kahit kapos man sila ay wala siyang masasabi sa ugali nito. Napakabait ng Tatang Ruping niya at itinuring siya nitong parang isang tunay na anak. Isa pa ay nagsusulatan daw pala ito ng Itay niya at minsan ay lumuluwas daw ito sa baryo nila para makapunta sa Camba. Sobrang nalungkot daw ito ng mabalitaan ang nangyari sa Itay niya kaya naman agad siya nitong kinuha at inampon. Nagdecide na daw kasi itong hindi na lang mag-aasawa pagkatapos mabigo sa pag-ibig noong kabataan pa nito. At ngayon nga ay limang taon na din ang nakakalipas simula ng kuhanin at ampunin siya ng Tatang Ruping. Halos mag-tatay na din ang turingan nilang dalawa at mahal na mahal niya ito. Fifteen years old na siya at ngayon taon siya magtatapos ng high school. Isa din sa dahilan niya kaya niya hinihintay ito ay gusto niyang supresahin ito. Nakapasa kasi si Juvilyn sa isang college exam at pasok siya sa qualifications niyon para sa isang full scholarship program. Kanina lang niya nalaman ang bagay na iyon at tuwang-tuwa siya. Ilang taon na paghihirap at pagsusumikap nalang ay giginhawa na din ang buhay nilang dalawa ng Tatang Ruping niya. Konting tyaga nalang ang kailangan niyang gawin. Hindi namalayan ni Juvilyn na nakatulog na pala siya sa paghihintay niya. Naalimpungatan lang siya ng magising siya sa malalakas na katok. Nang i-check niya ang oras ay mag-a-alas-onse palang pala ng gabi. Kunot-noong bumangon siya para buksan ang pinto. Sigurado siyang hindi iyon ang Tatang Ruping niya dahil may sarili itong susi. Pagbukas niya ay nabungaran niya agad ang kapit-bahay niya na halatang hangos na hangos ng mga oras na iyon. “Aling Choneng, kayo lang pala.” ani niya na pilit niyang nginitian ang matandang babae. Kilalang-kilala kasi ito sa baryo nila dahil tsismosa ito. “Ano pong kailangan niyo?” “Naku, ineng. May masama akong balita sayo!” Sinaklot si Juvilyn ng kaba nang marinig niya ang tinuran nito. Pakiramdam niya ay binalot ng takot ang puso niya. Hindi pa umuuwi ang Tatang Ruping niya at huwag naman sana na tama ang hinala niyang may nangyaring masama dito. Lihim siyang nagdadasal na mali siya. “A-ano po iyon, Aling Choneng?” “Nakita si Ruping doon sa bakanteng lote. Patay na! Tadtad daw ng bala ang katawan!” sigaw naman sa kanya nito. Halos mabingi si Juvilyn sa masamang ibinalita nito sa kanya. Sa nanginginig na kamay ay hinawakan niya agad si Aling Choneng. “S-samahan niyo po ako. Gusto kong makita ang Tatang ko.” ani niya na may kasama ng iyak. Hindi pwedeng mangyari sa Tatang Ruping niya ang bagay na iyon. Hindi pwedeng mamatay na lang ito basta. Kanina lang ay maayos ang usapan nila ng Tatang niya at ang sabi nito ay babalik ito. Baka nalito lang ang nagbalita. Malaki din ang posibilidad na hindi naman iyon ang Tatang Ruping niya. Ngunit hindi na maampat ang luha sa mga mata niya habang dali-dali silang nagpunta sa bakanteng loto kasama si Aling Choneng. Pilit niyang pinatatag ang loob niya dahil malaki pa din ang pag-asa niyang buhay at nakaligtas ang Tatang niya. Ngunit para pinagbagsakan ng langit at lupa si Juvilyn sa nadatnan niya. Totoo ang sinasabi ng kapitbahay nila. Nang makarating sila sa lugar ay halos madami-dami na din ang nakikiusyoso sa paligid. May nakita na din siyang mga pulis at ambulansya. Pakiramdam ni Juvilyn ay dinig na dinig niya ang malakas na pagtibok ng puso niya. Sa nanghihinang tuhod niya ay pilit niyang hinawi ang mga tao para makapunta sa pinakaunahan. Lalapitan sana ni Juvilyn ang pulis para magtanong ng tyempo namang lumabas ang ilang kalalakihan na may dala-dalang stretcher. Alam niyang tao ang nakalagay doon na nakabalot ng puting kumot at inilagay sa ambulansya. Halos pagsikipan siya ng dibdib niya habang tinititigan ang isang bangkay na nasa stretcher. Kasing laki din iyon at kasing katawan ng Tatang Ruping niya. Wala pa man ay iyak na siya ng iyak. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa niya mula sa kinatatayuan. Parang nawalan iyon ng lakas. Dahil malakas ang duda niya na ang Tatang Ruping nga niya ang may-ari ng katawan na iyon. Maya-maya lang ay pinilit ni Juvilyn ihakbang ang mga paa niya papunta sa bangkay. Napaluhod siya mismo doon ngunit hindi muna niya tinanggal ang puting kumot na bumabalot doon. Kung tama ang hinala niyang ang Tatang Ruping nga niya ito. Malamang ay hindi niya alam ang gagawin niya. Sa nanginginig na kamay ay dahan-dahan iniangat ni Juvilyn ang kumot. Napapikit siya ng mariin ng bumungad sa kanya ang kaawa-awang mukha ng Tatang Ruping niya. Halos puro dugo din ang mukha nito at halata na bago pa man ito namatay ay mukhang hirap na hirap ito. “Tatang!” sigaw niya dito na parang maririnig pa siya nito. “Tatang Ruping!” humahagulgol na sabi niya. Feeling niya ay biglang huminto ang oras ng mga sandaling iyon. Parang nabingi siya hanggang hindi na niya alam kung paano siya iiyak. Durog na durog ang puso niya sa nakita niyang kalagayan nito. Hindi niya lubos akalain na mangyayari ang bagay na iyon sa Tatang niya. “Bakit? Bakit nangyari po sa inyo ito, Tatang.” ani niya habang iyak ng iyak. Walang pag-aalinlangang niyakap ni Juvilyn ang bangkay ng Tatang Ruping niya at doon niya ibinuhos ang nararamdaman niya. “Ang daya-daya niyo ho, Tatang. Nangako kayong hindi niyo ako iiwan. Sinungaling kayo.” Hindi alam ni Juvilyn kung gaano na siya katagal na nakayap sa Tatang niya hanggang sa naramdaman niyang may humila sa kanya at pilit siyang itinayo mula sa pagkakalugmok. Wala na siyang pakialam basta’t iyak lang siya ng iyak. Sobrang sama ng loob niya sa nangyari. Bakit kailangan ganoon ang mangyari dito? Alam niyang lahat ng tao ay mawawala at mamamatay. Pero bakit parang pinagkaitan sila ng Diyos? Bakit hinayaan nitong mangyari ang bagay na iyon sa Tatang Ruping niya? Hindi na niya alam ang gagawin niya sa buhay niya ngayong wala na ito sa piling niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
24.8K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
43.0K
bc

The Forgotten Wife

read
42.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.9K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
99.6K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.1K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook