HUMINGA muna si Juvilyn ng malalim bago binitiwan ang binabasang proposal para sa isang client. Kailangan niya munang i-revew iyon bago ipakita sa magiging kliyente niya. Ang sikreto niya kasi lagi ay sinisiguro niyang mapapa-oo niya agad ang kliyente niya sa isang upuan lang niya. Sinisiguro niyang ma-e-enganyo ito ng husto sa mga gimmicks nila para mas lalong maging memorable at elegante ang isang wedding. Maya-maya lang ay papunta na ang client nila at sisiguraduhin niyang makukuha ang matamis na oo nito bago pa man lumabas ng opisina nila.
Hinawakan ni Juvily ang sintido at sinimulan iyong i-masahe. Halos ilang linggo na din siyang walang maayos na tulog simula ng manggulo nalang basta si Rye sa buhay niya. Pagkaalala niya sa binata ay napahugot ulit siya ng hiniga. Halos isang linggo din itong hindi nagpaparamdam sa kanya pagkatapos ng eksena nilang tatlo ni Vinz sa harap ng unit niya.
Kung ang pinakaplano talaga ni Rye ay ang sirain ang relasyon niya sa lalaki. Masasabi niyang nagtagumpay talaga ito dahil hanggang ngayon ay hindi siya kinakausap ni Vinz. Kahit ang mga text messages niya at mga tawag niya ay ini-ignore nito lagi. Hindi naman sa gusto niyang habulin si Vinz. Gusto lang talaga niyang ipaliwanag ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Rye at i-kwento ang lahat ng nangyayari sa kanya. Pero mukhang mabibigo siya na maintindihan iyon ni Vinz. Kaya naman hindi na rin niya kinulit pa ang lalaki. Halata kasing wala talaga itong tiwala sa kanya at naniwala na agad ito sa inabutang eksena nilang dalawa ni Rye.
Sabagay. Sino ba naman kasi ang hindi ma-s-shock sa ginawa nito? Kahit naman miski siya ay nagulat ng bigla nalang siya nitong halikan. Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya dahil kahit na anong pukpok niya, sabunot at pag-alog sa ulo niya’t utak ay lagi nalang nagre-replay sa isip niya ang eksena kung saan ay hinalikan siya ng binata. Halos isang linggo na din kasi itong hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang sa kanya. Wala rin itong ginagawa laban sa kanya. In short, mukhang tumigil na rin ito sa panggugulo sa buhay niya. Gusto niyang maging masaya sa isiping iyon pero parang hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. She was disappointed na hindi niya maipaliwanag ang dahilan. Dissapointed ba siya dahil hindi na niya makikita si Rye? Iyon ba talaga ang nararamdaman niya?
Mariing niyang ipinikit ang mga mata. Hindi na siya dapat nag-iisip ng ganoon mga bagay dahil hindi iyon makakatulong sa kanya. Hindi ba’t gusto na niyang tigilan na siya ni Rye? Kaya dapat ay maging panatag na siya kung mangyayari nga ang bagay na iyon. At isa pa, kailangan niyang magconcentrate sa client niya. Hindi pa kasi siya nakakapagclose ng isang malaking deal pagkatapos ng naging engrandeng kasal ni Crystal. Buong akala pa naman niya ay mas dudumugin sila ng mas malalaki pang kliyente.
Maya-maya ay tumunog ang phone niya at agad niya iyong sinagot kahit na unregistered sa contacts niya ang caller. Malaki din kasi ang posibilidad na client iyon. Hindi pa siya nakakapag-hello ng unahan siya nitong magsalita.
“Miss me?”
Kusang natigilan si Juvilyn ng marinig ang boses ni Rye sa kabilang linya. Hindi niya alam pero biglang kumabog ng husto ang dibdib niya pagkarinig ng baritonong tinig nito.
“Mukhang sobra mo talaga akong namiss kaya speechless ka, Juvi. Don’t worry babawi ako sayo. Let’s meet.”
Para siyang nagising sa pagkakabigla ng marinig niya ang sinabi nito. “A-ano?” ani niya na medyo nabubulol pa siya.
Anak ng kalabaw, Juvilyn! Bakit ka nabubulol habang kausap ang Rye na yan? Saway niya sa sarili niya.
Narinig ni Juvilyn ang malutong na pagtawa ni Rye sa kabilang linya. Feeling niya ng mga oras na iyon ay parang namumutla siya dahil ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha niya.
“Iba talaga ang epekto ko sayo. Nabibingi ka at nabubulol pa.” pang-asar nito sa kabilang linya.
Pinilit niyang palitan ng pagkainis ang nararadaman niyang kaba. Kaya medyo masungit na ang tono niya ng muli siyang magsalita ulit. “Nagulat lang ako na buhay ka pa pala. How I wish na hindi ka nalang nagising kaninang umaga.”
He chuckled. “Darling, hindi pa ako mamamatay hangga’t hindi ko pa nagagawa ang gusto ko. Let’s meet.”
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. “Sa burol mo nalang ako pupunta.”
“Aww. Ang sakit mo naman magsalita. I’m hurt.”
“Pwede ba, Rye? Kung wala kang ibang sasabihing importante-”
“Darling, makikipagkita ba ako kung wala akong importanteng sasabihin?”
Saglit siyang napatahimik sa sinabi nito. “Look, busy ako. Hindi ako pwede-”
“I will take no for an answer, Juvilyn. At alam mong mainipin akong tao. Kung wala ka pa sa office ko within an hour.” ani nito na binitin pa siya sa kasunod. “You will not like it, darling. Kailan mo ba nagustuhan ang ginagawa ko sayo?”
Doon siya tuluyang nairita sa sinabi nito. “Are you threatening me?”
“Yes.” ani nito. “One hour, Juvi. I’m giving you one hour. Kung wala ka pa dito hindi mo-”
Bago pa nito itinuloy ang sasabihin ay sinigawan na niya ito sa kabilang linya. “I don’t freaking care!” ubod na lakas na sabi niya dito at tinapat pa niya ang bibig niya sa mouthpiece para dinig na dinig nito kahit maging ang kaluluwa nito.
Pagkasabi niyon ay ibinaba na ni Juvilyn ang phone. Ilang beses na huminga ng malalim para payapain ang sarili. Bakit ba ganito nalang ang pinaparadam sa kanya ng lalaking iyon? Ipinilig niya ang ulo niya. Hindi niya dapat isipin si Rye. Dapat ang company niya ang isipin niya ngayon at ang darating niyang client.
Hindi namamalayan ni Juvilyn ang oras. Maya-maya ay tumunog ang telepono niya at sigurado siyang secretary niya iyon. Mukhang dumating na yata ang hinihintay niya kanina pa.
Ngunit ganoon nalang ang pagka-kunot ng noo niya ng marinig niya ang sinabi nito. “What? Nag-back out sila? That’s impossible! Kakausap ko lang sa kanya this morning!” ani niya dito na may mataas ng tinig.
“P-pero, Ma’am Juvi. Iyon po kasi ang sinabi ni c-customer ngayon. Hindi na daw po nila itutuloy ang meeting sa atin dahil may nakuha na daw silang bagong wedding company.” natatarantang sabi sa kanya nito
Hindi na siya sumagot at agad niyang ibinaba ang telepono. Hindi niya akalain na bigla nalang mag-ba-babck-out agad ang client niya. The last time na nag-usap sila ay interesado ito sa mga ideas niya. She sighed. This is not the first time na mangyari sa kanya ang bagay na ito. Maraming beses na. Kaya naman pinalipas muna niya ang ilang minuto at hinanda ang sarili para tawagan ang klieyente niya sana.
“Hi, Ms. Marla. I heard from my secretary na hindi na daw matutuloy ang meeting natin. I can re-schedule it anytime you want.” agad na bungad niya ng sagutin nito ang tawag niya. “Marami din akong ipapakita sayong ideas na fit na fit sa taste mo-”
“I am very sorry, Juvilyn. Pero hindi ko na kukunin ang serbisyo niyo. Nakapirma na kasi ako ng contract sa isang wedding company din. You know, they gave me big discount eh. Who will say no for that offer?”
Mariing itinikom muna Juvilyn ang bibig pagkarinig sa sinabi nito. Kung hindi siya nagkakamali malamang ay isa iyon sa mga kalaban nilang kumpanya. Lalo na’t sa larangan iyon ng business nila, dapat ay hindi lang sila pagandahan ng ideas. Dapat ay marunong din dapat silang mamingwit ng mga kliyente. Kaya naman minabuti nalang niyang magpaalam ng maayos dito. Wala na rin naman siyang magagawa para makumbinsi ito o kahit na alukin niya pa ito ng mas malaking discount dahil nakapirma na ito ng kontrata sa iba.
Maya-maya ay tumunog ulit ang cellphone niya. Lalo siyang napakunot ng noo ng makita niya kung sino ang caller niya. Ngunit pinili niyang hindi na pansinin ang tawag nito. Masyado ng sumasakit ang ulo niya at ayaw na niyang mas dagdagan pa iyon dahil lang dito. Ang akala niya ay tinigilan na siya Rye, ilang saglit lang ay tumunog ang message alert tone ng phone niya.
Darling, I told u. U will not like it kapag hindi mo sinunod ang gusto ko.
Napakunot siya ng husto sa sinabi ni Rye. Nang marealize niya ang sinabi nito ay feeling niya anumang sandali ay parang sasabog na siya sa galit. Malakas ang pakiramdam niya na ang tinutukoy nito ay ang umatras na kliyente niya kani-kanila lamang. Malaki ang posibilidad na may kinalaman ito sa nangyari. At kung tama nga ang hinala niya ay hindi nalang pwede na basta na lang niya hahayaan si Rye sa mga ginagawa nito sa kanya.
Dahil hindi siya makakapayag na pati ang company nila ang mag-suffer sa mga kalokohan na plano nito sa kanya. Gigil na tumayo siya mula sa kinauupan at lumabas ng opisina niya. Pupuntahan na niya ang lalaking iyon at mag-uusap sila ng masinsinan. Kailangan na niyang ma-i-settle ang problema nila once and for all. Sa sobrang gigil niya ay wala pang kalahating oras ay nakarating na siya agad sa opisina ng binata.
Hindi na rin siya pinigilan ng secretary nito at basta nalang din siya pumasok sa office ni Rye ng walang warning.
“Rye Emman Villaluz!” sigaw niya sa binata na ngayon ay kampanteng nakaupo lang sa swivel chair nito.
Halata din na expected na din siya nito base na din sa pagkakangisi nito sa kanya. “Well, well. Hindi ko in-expect na darating ka agad dito. Would you like some refreshment, Darling? You looked haggard.” ani pa nito na may nakakalokong tinig.
Kaya naman lalong nakaramdaman si Juvilyn ng pagkagigil dito. Nilapitan niya ang binata at ubod na lakas na pinukpok niya ang lamesa nito. “You already crossed the line, Rye. Hindi na biro ang ginagawa mo sa akin. Bakit pati ang kumpanya ko dinadamay mo sa kalokohan mo?” nanlilisik na matang sabi niya.
Ngunit imbes na mabahala sa sinabi niya ay tumawa lang ito ng malakas. “Darling, I will do everything para lang mapasunod kita sa mga gusto ko. Look at you, nandito ka ngayon sa harapan ko. At mukhang nagustuhan ng client mo ang special discount na ibinigay ng kalaban niyo.”
Nang marinig niya ang confirmation mula dito mismo ay parang gusto na niyang sapakin ang binata ng mga oras na iyon. “How dare you! Paano mong nalaman kung sino ang client ko?”
“Easy, darling. Sinabi ko naman sayo from the start na you will not like it kapag hindi mo sinunod ang gusto ko.” ani nito sa sabya kibit-balikat. “Simple lang naman. I have my own little ways kung paano ko nalaman ang ganyang klaseng information-”
Muling niyang pinukpok ang lamesa nito. “Don’t give me that bullshit, Rye. Alam kong may spy ka sa kumpanya namin at hanggang maaga palang sabihin mo na sa akin kung sino yon.” gigil na sabi niya dito.
“Hindi ako nagkamali ng pagkakakilala sayo, Juvilyn. You’re such a smart person. Magaling kang mag-analyze at mag-isip agad. Pero hindi lahat ay makukuha mo sa isang kumpas mo lang ng kamay. At alam ko din na kaya ka nandito ngayon ay para matapos na itong kalokohan sa pagitan natin, right?”
Bago siya sumagot sa sinabi ng binata ay pinagkatitigan niya muna ito. Alam niyang hindi niya madadaan sa magandang-usapan ang lalaking ito hanggat gigil at galit pa din siya ngayon. Kailangan niyang huminahon at i-relax ang sarili niya. Humugot muna siya ng hininga ng ilang beses bago siya muling nagsalita.
“Can we fix this issue, Rye? Lahat naman ng problema ay nadadaan sa magandang usapan. Bakit hindi nalang natin ito i-settle once and for all? We’re both busy sa company at business natin. Hindi naman yata pwede na habang buhay tayong ganito. Hindi pwedeng araw-araw mo nalang akong pestehin. At kung sorry ko ang gust mo, I’m willing to give it to you. Then let’s move on.”
Sa sinabi niya ay siya naman ang pinagkatitigan ng husto ni Rye. Kung kanina ay nakangisi ito sa kanya na parang nang-aasar pa ay iba na ngayon. Seryosong seryoso na din ang mukha nito.
“Kung sorry lang ang gusto ko from you, hindi na ako nag-abala pa para lang doon. No, I don’t want your sorry, Juvilyn.” walang kangi-ngiting sabi nito sa kanya.
Magre-react pa sana si Juvilyn ng biglang sumenyas ang binata. “I have condition, Juvilyn. Kapag nagawa mo ang lahat ng iyon, titigilan na kita. After that, all things will be back to normal.”
Sa sinabi ni Rye ay napaisip ng husto si Juvilyn. Alam niyang ang tinutukoy nito ay hindi lang basta-bastang kundisyon at alam din niyang pahihirapan siya nito ng husto. Ngunit kung hindi naman niya tatanggapin ang alok nito ay hindi naman siya titigilan ni Rye sa ginagawa nitong panggugulo sa kanya.
At hindi naman niya maaatim na pati ang kumpanya niya ay madamay sa ginagawa nitong kalokohan. Kaya naman wala talaga siyang choice kundi sundin ang gusto nito. Isa pa, kung totoo nga na may spy sa loob ng company nila ay hindi magandang ideya iyon.
Ilang sandali lang ay napabuntong-hininga siya. Marami na siyang nagawang sakripisyo para sa kumpanya niya. Iyon pa kayang ang tatlong kundisyon na tinutukoy nito?
“Okey, okey. Kung iyang kundisyon na yan ang paraan para matahimik ka. So be it. I’ll accept it. Sabihin mo na agad ang mga gusto mo para matapos na ang lahat.”
She heard him laugh. “Kung iniisip mong madali ang kundisyon na ibibigay ko sayo, then you’re definitely wrong. Iba talaga ang pagmamahal mo sa company mo, ano? Basta mapaunlad at makilala lang kayo, you will do everything kahit na alam mong may masasagasaan na tao.”
Napailing nalang siya sa sinabi ni Rye. Dahil alam niya ang ibig sabihin ng binata. “Dadaldal lang ba sa harapan ko ang kundisyon mo?” impatient na sabi niya dito.
Bago pa kumibo si Rye ay mataman siya nitong pinagkatitigan. Halos hindi niya mabasa kung ano man ang emosyon ni Rye. Pero kahit na ganoon ay biglang sumagi ulit sa isipan niya ang paghalik nito kaya naman awtomatikong napatingin siya sa mga labi ng binata.
Napapitlag si Juvilyn ng bigla nalang itong magsalita. “Here’s my condition, Juvilyn.” ani nito sabay lapag sa lamesa nito ang isang invitation card.
Hindi niya alam pero parang malakas ang kutob niya na may masamang mangyayari sa kanya dahil sa mga kundisyon nito. Pero hindi nga ba’t gusto niyang matapos nalang ang lahat ng iyon? Kaya wala siyang choice kundi pagtiisan nalang ang lahat. Then, babalik na ulit sa normal ang buhay niya. Nang walang Rye Emman na manggugulo at magpapasakit ng ulo niya.
PINAGKATITIGAN ni Juvilyn ang sariling repleksyon sa salamin. Nang hindi pa siya makuntento ay muli niyang pinasadahan ng lipstick ang labi niya at inayos ang straight niyang buhok. Kasalukuyan kasi siyang nasa isang auction ng gabing iyon. Ang invitation na ibinigay sa kanya ni Rye noong huling pag-uusap nila ng binata ay isa pala iyong Auction na gaganapin sa isang five star hotel sa Manila.
Hindi niya alam kung bakit conscious na conscious siya sa hitsura niya ng gabing iyon. Siguro ay dahil nasa isip niya na baka makakuha siya ng malaking kliyente para sa kumpanya nila. Why not? Sigurado siyang mayayaman at may sinasabi ang mga dadalo sa malaking auction na iyon.
Iyon lang ba talaga ang dahilan, Juvilyn? O baka para maging maganda ka sa paningin ni Rye? tukso ng isip niya.
Nang marealize niyang iniisip niya pala ang bagay na iyon ay biglang nanlaki ang mata niya. Imposibleng gagawin niya iyon! Bakit niya pa gustong maging maganda siya sa paningin ng Rye na iyon eh gusto na nga niyang mawala ito sa landas niya?
Iiling-iling na lumabas si Juvilyn ng rest room at pumunta sa event hall kung saan ginaganap ngayon ang auction. Mabuti pang magconcentrate na lang siya sa mangyayari ngayong gabi para matapos na din ang paghihirap na pinapadanas sa kanya ni Rye. Nang makapasok siya sa loob ay iginala na niya ang mata niya sa paligid. Doon na kasi ang usapan nilang dalawa ni Rye nag magkikita. Napapitlag siya ng may biglang humawak sa braso niya.
“You’re late, darling.” ani ni Rye na ngayon ay nasa gilid na niya. Marahan nitong hinaplos ang braso niya at hindi niya pwedeng ikaila ang kakaibang kilabot na nadama niya ng magkadikit ang mga balat nila ng binata.
“You look gorgeous tonight. Nagpapaganda ka ba para sa akin?” nakakalokong ngisi nito sa kanya.
“Rye, mukhang nasobrahan ka yata sa pagkakatulog. Masamang managinip ng matagal.” supla niya dito sabay hawi sa kamay nito na nasa braso niya. Minabuti na din niyang dumistansya dito ng kaunti.
“Wala sa kundisyon natin pwede kang humawak sa kahit na anong parte ng katawan ko.” kunway singhal niya sa binata.
Hindi ito sumagot sa sinabi niya at nginisian lang siya ng lalaki. But deep inside her ay sobra siyang naiilang sa pagkakatitig ni Rye sa kanya ng mga oras na iyon. Ilang beses muna siyang lumunok ng palihim para kahit paano ay mawala ang nararamdaman niyang kaba at pagkailang. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kapag kaharap ang lalaking ito? Kahit buong pagkatao niya ang gustong tumutol ay hindi pa din mapagkakailang napaka-gwapo ni Rye ng mga sandaling iyon. Lutang na lutang ang kakisigan nito sa suot nitong tuxedo at kahit medyo malayo na ang pagitan nilang dalawa ay amoy pa din niya ang bango nito.
Actually, kung sa iba sigurong pagkakataon ay malaki ang posibilidad na magustuhan niya talaga si Rye. Ipinilig niya ang ulo. Hindi tamang mag-entertain siya ng mga bagay na hindi makakatulong sa kalagayan niya ngayon na si Rye naman talaga ang may kagagawan.
“Please, Rye. Hindi ako nakikipaglaro sayo. I’m here dahil sa kapritso mo at dahil gusto ko na din matapos ang kung anomang gulo sa pagitan natin. Let’s finish this for once and for all. Don’t you think na hindi lang naman ang oras ko ang inaaksaya mo? Pati narin ang sayo. Let’s fix this like mature person, Rye. ”
Pero imbes na seryosohin ang sinasabi ni Juvilyn ay nagkibit balikat lang si Rye na para bang dumaan at lumabas lang ang mga salita sa tenga nito. Humugot muna siya ng malalim na hininga para kahit paano ay payapain ang nagpupuyos niyang kalooban. Pero bago pa siya ulit makahirit ng salita para sa binata ay nakita niyang papalapit na si Crystal kasama ang asawa nito.
“C-crystal.” alanganing bati niya dito ng nasa harapan na nila ang kaibigan. “What are you doing here?”
Bago pa sumagot ang kaibigan ay binalingan muna nito si Rye na sa mga oras na iyon ay seryoso ang ekspresyon ng mukha.
“Juvi.” sambit nito sa pangalan niya sabay tingin ulit sa kanya. “Member si Ronald ng auction dito.”
Pagkabanggit sa pangalan ng asawa nito ay agad na binata niya si Ronald na kinamayan naman siya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon. Alam niya kasi na may feelings pa si Rye sa kaibigan niya kaya nga ito naghihiganti sa kanya dahil sa ginawa niya.
“It’s good to see you again, Crystal.” wika ni Rye na titig na titig kay Crystal.
“You know her?” tanong ni Ronald dito na ikinangiti naman ng husto ni Rye.
“She’s my ex-girldfriend.”
Sa sinabi ng binata ay agad niyang hinawakan ang braso nito. “Will you stop it, Rye?” nanlalaking matang sabi niya dito.
Napansin niyang namutla ang kaibigan niya sa tinuran ni Rye. Samantalang kumunot naman ang noo ni Ronald na halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng binata. Tumawa ng malakas ang binata bago ito muling nagsalita.
“I’m just kidding. Who wouldn’t know her? One of the pretty faces in showbiz industries.”
Bago pa siya makapag-react ng husto ay inakbayan na siya ng mahigpit ni Rye at inilapit nito ng husto ang sarili sa kanya.
“Anyway, darling. Why don’t you introduce me with your friends?”
Pakiramdam ni Juvilyn ay nanlaki ang ulo niya sa sinabi ni Rye. Tututol sana siya ng mabasa niya ang ekspresyon ng mga mata nito na hindi nito magugustuhan kung hindi niya susundin ang gusto nito. At dahil gusto na niyang maayos ang gusot nilang dalawa ng lalaki ay nagpaubaya nalang siya sa gusto nito. Kahit naiilang ay ipinakilala niya si Rye sa dalawa.
“H-hindi mo yata nababanggit na may boyfriend ka na pala, Juvi.” sambit ni Crystal na halatang ikinabigla nito ang sinabi ni Rye.
“Masyado kasing malihim din itong girlfriend ko. But we had six wonderful months together.” ani ni Rye na halatang pinapamukha nito kay Crystal na hindi naman nito sineryoso ang kung anumang relasyon meron sila.
O malaki din ang posibilidad na gusto siya nitong sirain sa kaibigan niya?
“Right, Darling?” baling sa kanya ni Rye ngunit pinili nalang niyang itikom ang bibig niya. Baka kasi may masabi pa siya dito na bandang huli ay pwede niya pang pagsisihan.
“The auction will start in a minute. If you’ll excuse us.” ani ni Ronald sabay tango sa kanya at inalalayan na si Crystal palayo sa kanila.
She waited a bit bago nanggigigil na binalingan si Rye na sinusundan ng tingin ang kaibigan niya na papalayo na sa kinaroroonan niya.
“Now I know kung ano ba talaga ang dahilan mo why you brought me here, Rye. From the start ay planado mo ng lahat na ito. Gusto mong masira ang friendship namin ni Crystal. Which I doubt dahil hindi ko hahayaang mangyari ang gusto mo.” buong loob na sabi niya dito.
Nakangising binalingan siya ni Rye at wala siya ni isang takot na nakikita dito. “What if hindi lang iyon ang gusto kong mangyari, Juvilyn?”
Tinignan niya ito ng masama. Sasagot na sana siya ng marinig niya mula sa background nila ang boses ng host ng program na iyon at inanunsyo na magsisimula na ang bidding. Kaya wala siyang choice kundi palipasin na lang muna niya ang nangyari kanina lang.
Ang auction na pinuntahan nila ay organized ng isang exclusive club na kung saan lahat ng nabebentang gamit ay sixty percent napupunta para tumulong sa mga organization na nangangailangan ng tulong. Nang tinignan niya ang projector sa unahan ay nalaman niyang mga sinaunang gamit pala ang theme ng auction ngayon. At dahil interesado din siya sa mangyayari ay pinili nalang niyang manahimik nalang muna sa isang tabi.
Ganoon nalang ang pagkabog ng dibdib niya ng makita niya kung ano na ang nasa harapan ng stage ng mga oras na iyon. Tama ang naging hinala niya ng ibigay ng host ang description ng golden wedding cord. Sa pagkakaalam niya ay nilikha iyon ng panahon na 1920’s at pagmamay-ari ng isang mayamang angkan sa bandang Visayas na naging simbolo ng isang banal na kasalan. Habang tinititigan niya ang wedding cord na iyon ay nararamdaman niya ang excitement sa dibdib niya.
Simula kasi noong hinulaan noon ni Luna na ang wedding cord ang magsisilbing swerte o lucky charm sa kanya ay ginawa na niya iyong mga collections. Halos lahat ng naging customers nila ay hinihingi niya ang wedding cord ng mga ito at dinadagdag sa collections niya. At isa ang golden wedding cord na ito sa gusto niyang idagdag sa kolesyon na dati lang ay nakikita lang niya ang larawan sa internet. O.A na kung O.A pero ng mga oras na iyon ay parang kumikinang iyon sa mata niya bukod pa sa kahit matagal ng panahon simula ng magawa iyon ay nananatili pa din ang kagandahan niyon kaya naman sigurado siyang mahal na ang halaga niyon sa ngayon.
And the cord itself is enchanting. Na para bang inaakit-akit siya nito. And she wanted the wedding cord badly. Gusto niyang mapasakanya at maisama iyon sa koleksyon niya. The only problem is hindi siya pwedeng sumali sa auction dahil hindi siya member ng club.
Nang lingunin niya si Rye ay nakatingin pala ito sa kanya at ibang klase ang paraan ng pagkakangiti nito na para bang nababasa nito ang iniisip niya.