Chapter Two

3473 Words
NANLALAKING mga matang pinagkatitigan ni Juvilyn ang mukha ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Ang mukha ng lalaking hindi yata niya makakalimutan kahit na sa panaginip niya. “R-rye Emman Villaluz?” nanginginig na sabi niya dito. Muli siyang nginisian ng lalaki. “Wow. It’s a good thing na naaalala mo pa pala ang mukhang ito, Juvilyn.” Napalunok ng sunod-sunod si Juvilyn. Sa katunayan ay malaki ang pinagbago ng anyo ni Rye. Naging classmate niya kasi ito noong college days pa nila. Kapag naaalala niya ang dating Rye na nakilala niya noon na may malalaki at makapal na salamin, braces nito dahil sobrang sungki-sungki ang mga ngipin, out of fashion na porma nito at sobrang payat na kahit sa isang suntok lang yata niya ay magagawa itong matumbahin o mas masaklap ay magkakalas-kalas ang mga buto nito. Ang Rye na kaharap niya ngayon ay ibang-iba sa nakilala niya dati. Wala na itong braces at lalong wala na din ang salamin na lagi nitong suot. Kung kapayatan naman ay ibang-iba na din ang porma ng katawan nito. Mas naging firm at nagkalaman kasi ang binata kaya masasabi niyang malayong-malayo ang hitsura nito kaysa sa dati. Kahit na kabado siya ng mga oras na iyon ay hindi pa din niya mapagkakailang napakagwapo ng binata sa paningin niya. Pero ang labis na pinagtataka ni Juvilyn ay kung bakit iyon ginagawa sa kanya ni Rye? Kung nalaman man nito ang nagawa niyang kalokohan dito noon ay sobra naman yata ang ganti nito sa kanya ngayon? “Why are you doing this to me, Rye?” ani niya na medyo nabawasan ang kaba at panginginig ng tinig niya. Naisip niya kasing dahil magkakilala naman sila ng binata ay hindi naman siya nito magagawa saktan. Ngunit hindi pa din siya nakakasiguro dahil lalo siyang kinakabahan kapag iniisip niyang may hawak itong baril. Ilang taon din na halos wala siyang balita dito. Malay ba niya kung nasiraan ito ng bait sa mga panahon iyon? Ang kailangan niyang gawin ay maging mabait sa harapan ni Rye at huwag itong galitin o i-provoke man lang. Santisima! Hindi pa siya handang ma-tsugi sa earth. At lalong hindi pa siya kuntento sa naabot ng Wedding Blossoms kaya hindi siya papayag na mawala nalang agad sa mundo. “S-siguro naman wala akong nagawang kasalanan sayo. Matagal-tagal din tayong hindi nagkita.” sabi niya dito na pinakaswal niya ang tono niya. Guston ipaalala ni Juvilyn sa binata na naging magka-klase din naman sila nito kahit na hindi sila naging malapit noon. Ngunit ganoon nalang ang kabang naramdaman niya ng mapansin niyang nag-iba ang paraan ng pagtingin sa kanya ng binata. Masamang tinignan muna siya nito bago sinagot ang sinabi niya. “Tinatanong mo kung bakit ko ito ginagawa? And you’re asking me kung may kasalanan ka sakin? Malaki, Juvilyn. Napakalaki ng kasalanan na ginawa mo sakin. You almost ruined my life!” Napapitlag siya ng bigla nalang itong sumigaw. Kasalanan? Oo, malaki din naman talaga ang naging kasalanan niya dito dahil sa kalokohan niya. Pero dati na iyon! At imposible namang masisira ang buhay nito sa ginawa niya tulad ng sinasabi nito sa kanya ngayon. At kahit na anong alog ang gawin niya sa utak niya ng mga oras na iyon ay hindi na niya alam kung anong kasalanan ang nagawa pa niya dito. “H-hindi kita maintindihan, Rye. Anong kasalanan ang tinutukoy mo?” “Damn it, Juvilyn! Huwang ka ng mag-maang-maangan. Dahil sa selfish reasons na meron ka dyan sa utak mo, sinira mo pati ang kaligayahan ko!” muling sigaw nito sa kanya. Sa sinabi nito ay doon na nagpumiglas ang inis na kanina pa niya tinitiis. “What the hell are you talking about? Anong sinira ko sayo? Bakit ko sisirain ang sinasabi mong kaligayahan eh halos ilang taon din tayong hindi nagkita? Nababaliw ka na ba?” ganting sigaw nito sa kanya. Bahala na kung barilin nalang siya nito. Basta mailabas lang niya ngayon ang nararamdaman niyang pagkainis dito. “Don’t act na parang hindi mo alam ang ginawa mong kasalanan! Nang dahil sa kasakiman mo, nawala sakin si Crystal!” galit na sabi nito sa kanya. Hindi niya naitago ang pagkagulat sa sinabi ni Rye ng mga sandaling iyon. Kung tama ang hula niya sa tinutukoy nito. Si Cystal ay ang bride na kanina lang ay nagkaroon ng isang dream wedding na halos lahat ng kababaihan ay kinainggitan. Isa itong sikat na artista sa kasalukuyan at ang napangasawa naman nito ay isang business tycoon sa bansa. Kaya naman maraming nagsasabi na perfect couple daw ang dalawa. Ngunit anong sinasabi sa kanya ngayon ni Rye? Na kung hindi siya nagkakamali ng intindi ay naging ka-relasyon nito si Crystal. “H-hind kita maintindihan-” “Talagang hindi mo ako maiintindihan! Dahil puro pansarili mo lang ang iniintindi mo!” “Teka nga. Bakit ba sa akin ka nagagalit? Ako ba ang nagdesisyon na magpakasal si Crystal sa iba? Hindi naman diba? Eh bakit sakin ka naglalabas ng sama ng loob at galit mo? Doon!” turo niya sa labas ng pinto niya. “Puntahan mo sila sa honeymoon nilang dalawa at sa kanila mo ilabas yan hindi sa harapan ko!” Sa sinabi niya ay lalo siya nitong tinignan ng masama. “Huwag ka ng mag-maang-maangan, Juvilyn. Ang akala mo ba ay hindi ko alam na pinaikot at niloko mo lang si Crystal? Ang buong akala ko ay okey kaming dalawa. Then, one day nakikipagbreak na siya sakin.” Muling itong napamura ng malakas. “At alam mo bang recently ko lang din nalaman ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon? Dahil sa pesteng hula na yan!” Napapikit si Juvilyn sa sinabi nito. Lahat ng sinabi ni Rye ng mga oras na iyon ay pawang katotohanan. May lahing Chinese kasi si Crystal kaya naniniwala ito sa feng shui at mga hula. Naging magkaibigan sila ng babae ilang taon na ang nakakalipas at close talaga sila nito. Months ago ay nakiusap sa kanya ang Tito Ben niya na ilakad daw niya ang malapit nitong kaibigan kay Crystal dahil matagal na daw itong may gusto sa babae. Wala naman problema iyon sa kanya kaya ginawa niya ang alam niyang paraan para mapalapit dito ang kaibigan niya. Pumapayag naman si Crystal na makipagkita sa kaibigan ng Tito Ben. Ang akala niya ay okey na ang lahat sa pagitan ng dalawa ngunit nabahala siya ng aminin mismo sa kanya ni Crystal may boyfriend na pala ito at inililihim lang ng babae sa lahat. Masyado kasi itong sikat kaya naman halos laman na ng dyaryo at tabloid ang iba’t ibang nangyayari sa buhay nito. At masyado daw kasing pribadong tao ang boyfriend nito ng mga panahong iyon. Namoblema si Juvilyn noon ng husto dahil hindi iyon nagustuhan ng Tito Ben niya. She hated the fact na hindi niya napagbibigyan ang mga hinihinilig nito sa kanya. Nang mamamatay kasi ang Tatang niya ay ito na ang naging benefactor niya kaya naman napakalaki talaga ng utang na loob niya sa matanda. Naging parte din ito kung kaya natupad nilang dalawa ni Aivie ang pangarap nilang kumpanya. Hindi niya gusto na hindi niya nagagawa ang mga inuutos nito sa kanya. Kaya naman kahit ayaw ng konsensya niya ay ginawan pa din niya ng paraan para makipaghiwalay ito sa kasalukuyan nitong nobyo. Inaaya niya ito sa isang fortune teller, na binayaran niya para sabihin ang mga maling hula nito kay Crystal. Ipinalabas ng manghuhula na hindi makakabuti dito kung itutuloy pa nito ang pakikipagrelasyon sa kasalukuyan nitong nobyo dahil magiging dahilan daw iyon ng pagbagsak ng career nito sa pag-aartista. At magiging dahilan din daw ang lalaki para maghirap ang buong pamilya nito. Ipinadagdag din niya sa hula na natagpuan na daw nito ang soulmate nito kaya lang ay nabubulagan daw dahil sa lalaki. That time ay kitang kita ni Juvilyn ang pag-aalinlangan at takot sa mga mata nito. Kaya naman malaki ang tiwala niyang sa madaling panahon ay makikipag break din ito sa kasalukuyan nitong nobyo. Hindi nga nagkamali si Juvilyn dahil ilang araw lang ay ibinalita na nito sa kanya na officially dating na daw sila nito. At naging tuloy-tuloy na ito hanggang mauwi na sa isang kasalanan. Malay ba niyang ang tinutukoy palang boyfriend ni Crystal ay si Rye? Aminado naman siyang maling-mali talaga ang ginawa niya kay Crystal at malamang na magalit din sa kanya ang kaibagan oras na malaman nito ang ginawa niyang pagsisinungaling dito. “Look, Rye. Mahal ni Crystal ang asawa niya ngayon. Dahil kung hindi dapat ay hindi sila aabot sa ganong stage. Kaya mag-isip ka ding mabuti hindi puro emosyon yang pinapa-iral mo.” “So, gusto mong gayahin din kita? Na puro kasakiman at selfishness?” sarkastikong sabi nito sa kanya. “Look, mukhang nababaliw ka na. Kaya mabuti pa ay umalis kana sa harapan ko at magpapasok kana sa mental hospital.” “Hindi ako nababaliw, Juvilyn. Dahil alam na alam kong pakana mo ang lahat ng ito. Niloko mo ang sarili mong kaibigan. Pinaikot mo siya sa palad mo. Anong klaseng kaibigan ka? No, I rephrased my question. Tao ka pa ba? Nakakatulog ka pa ba sa gabi?” ani nito sa kanya na ramdam na ramdam niya ang pagkamuhi nito. Doon nakaramadam si Juvilyn ng kakaiba sa paraan ng pagtitig nito. Na para bang siya na yata ang pinakamasamang babae na nakilala nito. Hindi niya maiwasang makaramdaman ng pagkainsulto dito. “Don’t act na parang hindi ka nakagawa ng kasalanan sa buhay mo kahit na kailan, Rye. Huwag kang magmalinis.” buong gigil at tatag pa din na sabi niya sa binata. “At least ako, malinis ang konsensya ko at hindi kailanman gumamit ng tao para sa sariling kapakanan.” Nang hindi na siya nakatiis sa sinasabi nito ay buong lakas niyang itinulak palayo ang binata. “Lumayas ka sa harapan ko. Umalis kana!” sigaw niya dito. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya ng bigla nalang nitong itutok sa kanya ang hawak-hawak nitong baril sa mukha niya. “R-rye..” natatakot na sabi niya sa binata. Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito kaya hindi imposible na iputok nito ang baril sa kanya. “I’m sorry, Juvilyn. Huwag kang mag-alala, ililibing naman kita ng maayos.” Lalong nanglaki ang mga mata ni Juvilyn ng mapansin na dahan-dahan nitong kinalabit ang gatilyo ng baril kasabay ng malakas na tili niya. Ilang segundo ang lumipas at nananatili pa din siya sa pagkakatayo at hinihintay ang pagputok ng baril. Buong akala niya ay patay na siya ng mga oras na iyon dahil may naramdaman siyang likido na tumutulo sa mukha niya. “O-oh my God!” takot na takot na sabi niya ng makita niya ang pulang likido na umaagos sa buong mukha niya. Kung binaril talaga siya ng lalaking ito sa ulo, bakit hindi pa din siya tumutumba? Bakit parang buhay pa din siya? Napapitlag siya ng bigla nalang itong tumawa ng pagkalakas-lakas. “Gotcha! Be thankful dahil may puso’t konsensya ako. Unlike you.” ani nito sa kanya. Nang i-double check niya ang likido na umaagos sa mukha niya ay doon niya napagtanto na hindi pala iyon totoong dugo. Pagkabaling niya sa binata ay doon niya napansin na pulang likido ang inilalabas ng baril at kung hindi siya nagkakamali ay isa iyon toy gun. Hindi pa siya nakakabawi ng pagkabigla ay muli na naman nagsalita ang lalaki. “Umpisa palang ito ng magulo mong buhay, Juvilyn. I’m gonna make sure na masisira ka din tulad ng ginawa mo sa relasyon namin ni Crystal. At sisiguraduhin ko din na mawawala sayo ang lahat ng bagay na iniingatan mo.” Wala pa din kibo si Juvilyn hanggang sa tumuloy-tuloy na si Rye sa paglabas ng unit niya. Naramdaman niyang nanghihina ang mga tuhod niya dahil sa ginawa ng binata kaya ginamit niya ang buong lakas niya para makaabot sa sofa at makaupo. Hindi niya akalain na mangyayari sa kanya ang bagay na ito. At base sa nabasa niya sa binata ay mukhang hindi ito nagbibiro ng sabihin nitong nag-uumpisa palang ito sa kanya. Napapikit siya ng mariin. Mukhang malaking problema ang kahaharapin niya dahil sa muling pagpapakita ni Rye. SOBRANG sakit ng ulo ang naramdaman ni Juvilyn pagkagising kinaumagahan kaya naman tanghali na ay nasa higaan pa din siya. Nawala kasi ang epekto ng alak na nainom niya sa ginawa sa kanya ni Rye at halos hindi din siya pinatulog. Kahit na anong pilit niya sa sarili niya ay paulit-ulit pa din na nag-re-replay sa utak niya ang bawat salitang binitiwan nito sa kanya. Dahil alam niyang lahat ng mga binibintang ng binata sa kanya ay pawang may katotohanan. Kaya naman alam niya talagang may karapatan itong magalit sa nagawa niyang kasalanan dito pati na rin kay Crystal. Alam niyang malaki ang kasalanan niya lalo na sa kaibigan at talaga naman sobra siyang nakokonsensya hanggang ngayon. Itinatamin na lang niya sa isipan niya na ginawa niya ang bagay na iyon para na din sa kapakanan ni Crystal. Alam niyang mas mapapabuti ang lagay nito sa naging asawa nito. Iyon ang bagay na pilit niyang itinatanim sa isipan niya. Siguro ay kakausapin nalang niya ng masinsinan si Rye para ipaliwanag ang lahat ng nangyari. Ang importante sa ngayon ay makaalis na siya sa higaan niya para makapasok na siya sa opisina. Ilang minuto pa siyang nagpaikot-ikot sa kama niya hanggang sa nakuha na niyang tumayo at dumiretso ng banyo para maligo. Halos isang oras din siyang nagprepara bago siya nakaalis sa unit niya. Nagmamadali sumakay si Juvilyn ng elevator papunta sa parking lot. May ka-meeting kasi siya na isang kliyente ng bandang ala-una ng hapon at kailangan pa niyang i-prepare ang mga ipapakita niyang documents sa mga ito. Lahat kasi ng kaya niyang i-personalized na gamit ay ginagawa niya para mas lalong masatisfied ang mga customers nila sa serbisyong binibigay nila. Malayo palang ay may nahalata na siya sa kotse na nakaparada kaya naman napabilis ang paghakbang niya palapit. Agad siyang napamura ng malakas ng masiguro niyang tama ang hinala niya. Flat ang gulong ng kotse niya! At halatang sinadya iyon dahil kahapon ay kaka-tune-up pa niya dito. Hindi pa man nakukumpirma ay malakas ang hinala niyang may kinalaman dito si Rye. Alam niya at ramdam niyang ito lang ang may kakayahang gawin ang bagay na iyon sa kanya. “Damn it.” ani niya sabay hawak sa sentido niya na lumala yata bigla ang pagkirot. Hindi siya makakaalis kung tititigan lang niya ang flat na gulong ng kotse niya. Aabutin kasi ng ilang oras para lang magamit niya ulit ito at hindi na niya iyon mahihintay dahil may importante siyang meeting. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip. Mag-ta-taxi nalang siya papasok ng opisina niya kaysa naman matengga lang siya doon. Pagdating ni Juvilyn sa bandang entrance at reception ng building nila ay napansin na niyang parang may pinagkukumpulan ang mga tenant sa condominium nila. Mag-lunch time na din kasi kaya walang dudang marami-rami din ang nasa labas. Hindi na sana niya papansinin kung ano man ang pinagkakaabalahan ng mga ito ngunit tinawag siya ng isang ka-floor niya kaya naman kahit na nagmamadali na ay napilitan siyang lapitan ito. Ayaw naman niyang maakusahan na suplada. Masyado pa namang tsismosa ang kapitbahay niyang ito. Kumaway-kaway pa ito sa kanya habang winawagayway ang papel na hawak-hawa nito. “Juvi!” ani nito nagmamadali din siyang sinalubong. “Hindi ba’t ikaw ito?” Awtomatikong nanlaki ang mga mata ni Juvilyn habang pinagmamasdan ang hawak nito. Kahit na ilang beses pa niyang ikurap ay iyon at iyon pa din ang nakikita niya. Ang nasa larawan kasi ay isang hubo’t hubad na babae na nakapose ng seductive at tanging mga kamay lang nito ang tumatakip sa kaselanan. Sigurado siyang mukha niya iyon ngunit hindi ang katawan! Oo, alam niyang sexy siya pero O.A naman sa pagkalaki ng dibdib nang nasa larawan! “Pero sigurado akong hindi ikaw ‘to, hija. Malaki dibdib eh.” sabi pa nito sa kanya na walang babalang pinagmasdan ang dibdib niya. Sa ginawa ng matandang babae ay halos mawalan ng kulay ang mukha niya. Tama ba namang ipamukha sa harapan niya na cup A lang siya samantalang ang nasa larawan ay parang si Maria Ozawa? Nang makabawi sa pagkabigla ay pahablot niyang kinuha ang flyers sa matanda. “Saan niyo ho nakuha ito?” ani niya na pinipigilan niya ang pagbulusok ng galit niya. Nahalata marahil iyon ng kapitbahay nila kaya naman hindi na ito nagsalita ng kung ano-ano. “Ayun.” turo nito sa labas ng building nila. “Ibinigay samin ng lalaki na nasa harapan ng condo natin. Dalian mo na, ineng. Baka maabutan mo pa.” Sa sinabi ng matanda ay parang susugod sa gyera na agad-agad siyang pumunta sa lugar na tinuro nito sa kanya kung saan daw niya matatagpuan ang lalaking nagbibigay ng ganoong klaseng flyers. Wala pa man ay nakikini-kinita na niya ang gagawin niya. Dahil sa pagkakataong iyon ay hindi na niya pipigilan pa ang sarili niya at baka magawa na niya ang hindi dapat kay Rye. Alam naman ni Juvilyn na ang binata lang ang may kapasidad na gawin ang ganoong bagay sa kanya dahil narin sa nagawa niyang kasalanan nito at pagbabanta nito sa kanya kagabi. Makakatikim ito sa kanya ng ganting hindi nito aakalain. Dahil sa ginawa nito ay parang inapakan na rin ni Rye ang buong p********e at pagkatao niya. Binabastos na siya nito! Ngunit imbes na si Rye ang maabutan niya ay isang binatilyo ang napansin niyang nag-aabot ng flyers sa mga taong nagdadaan. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao na sigurado siyang minumukhaan siya habang hawak nito ang larawan. Agad niyang hinawakan ng mahigpit sa kamay ang binatilyo at inagaw ng sapilitan ang mga flyers dito. “Nasaan ang nag-utos sayo na ipamigay yan?” sabi niya na may malakas na tinig. Kita niya ang takot na biglang lumarawan sa binatilyo ngunit wala na siyang pakialam. Masyado nang uminit ang ulo niya. “S-sorry po. Inutusan lang po ako ng Mama kanina. Ibigay ko daw ito sa mga taong dumaraan kapalit ng pera.” kandabulol-bulol na papaliwanag nito sa kanya. Ilang beses muna siyang humugot ng hininga para kahit paano naman ay mawala ang galit niya. Walang dudang si Rye talaga ang may utak sa nangyayari ngayon. At isang daang porsyento na sigurado siya sa bagay na iyon. At dahil wala rin naman kasalanan ang binatilyo ay agad naman niyang pinaalis iyon. Bago siya sumakay ng taxi ay gigil na itinapon niya sa basurahan ang mga flyers. Kung ang plano ni Rye na sirain ang araw niya ay nagtagumpay ito. Dahil sirang-sirang na talaga ang araw niya bukod pa sa pahiyang pahiya pa siya. Kaya naman hindi nakapagtataka na nakasimangot at badmood siyang dumating sa office. Nahalata marahil iyon ng mga staff niya kaya hindi tulad ng nakagawian ng mga ito na bibiruin siya pagpasok pa lang ng opisina niya. Hindi niya alam kung anong hitsura niya o aura niya ng mga oras na iyon. Basta ang nararamdaman lang niya ay banas na banas siya sa nangyari sa kanya. kanina pa niya iniisip kung paano ba niya makakausap si Rye ng personal. Bukod sa hindi niya alam ang contact number ng binata ay hindi din niya alam kung saan niya ito kakausapin. Hindi na niya hahayaan na lumala pa ang ginagawa sa kanya ng binata. Pagbukas ni Juvilyn ng pintuan ng opisina niya ay mubungad sa kanya ang isang basket of red roses na nakapatong sa table niya. Dahil doon ay hindi niya maiwasang mapangiti. Alam niyang galing iyon kay Vinz. Isang half-American and half Filipino si Vinz na nakabase sa bansa. Matagal-tagal na din silang nag-da-date ng binata. In fact, ang uri nito ang type na type niya dahil talaga naman napaka-gentleman nito at halatang hindi ito nanggagamit ng babae sa sarili nitong interest. Isa iyon sa pinakanagustuhan niya sa lalaki. Naghahanap lang talaga siya ng perfect time para sagutin ang lalaki. Sinamyo-samyo muna niya ang red roses bago niya binuksan ang card na nakalagay doon. Ugali na kasi ni Vinz ang magbigay ng bulaklak sa kanya kahit na wala naman importanteng okasyon. Ngunit ganoon nalang ang panlalaki ng mata niya ng mabasa niya ang nakalagay sa card. Surprise! Do you like my first gift, Darling? Best, R.E.V Nang marealize ni Juivlyn ang bagay na iyon ay agad na itinapon niya ang bulaklak sa trash bin niya at doon niya inilabas ang galit at panggigigil niya kay Rye. Pinag-aapakan niya ang mga iyon hanggang sa hindi na makilala na bulaklak iyon. Hinihingal na napaupo nalang siya sa swivel chair niya habang hinihilot ang sentido. Unang araw pa lang ng pagbabanta ni Rye na sisirain nito ang buhay niya ay para na siyang mamamatay sa kunsomisyon. Ano pa kaya sa susunod na mga araw pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD