Kabanata 31 "Good morning, Nanay." bati sa akin ni Hera pagkagising ko kinabuksan. Ngumiti ako sa kanya at ginantihan din ng bati, napatingin ako sa gilid ko at namataan si Dion doon na mahimbing pangnatutulog. Mukhang antok na antok ang bata, wala akong ideya kung ano ang pinagdaanan ng mag-ina bago nila natunton ang bahay namin sa La Fera. Sa mukha niya kahapon kitang kita na pagod na pagod siya. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inayos ang kamang tinulugan. Dumeritso ako kina Hacov at Hera na nasa kama ni Rihav, maging si Rihav ay tulog na tulog parin. Kinuha ko ang dalawa na naka-upo sa kama, sabay kaming tatlong pumuntang CR para makapag-ayos. "Nanay, uuwi na po ba tayo?" tanong ni Hacov sa akin. Tinapos ko ang pagpupunas ng kanyang mukha bago ko siya sinagot, "Gusto niyo na bang

