Kabanata 32 Dalawang araw pa ang inilaan ni Rihav sa ospital bago tuluyang makalabas. Maayos na daw ang pakiramdam niya at ang mga sugat na lang sa kanyang katawan ang kailangang pagalingin. Sa dalawang araw namin na mapapamalagi dito ay napakasaya, lalo na makita muling tumatawa si Hera. Nakapakagandang marinig ang halakhak niya sa tuwing naglalaro sila ng kanyang ama. Si Hacov naman ay paminsan-minsan nakabusangot dahil ayaw niya parin sa kanyang ama, kahit anong lambing ni Rihav sa kanya ay wala iyong epekto. Mabuti na nga lang ay nandoon si Hera para pagpalapitin silang muli, hindi naman matangihan ni Hacov ang kapatid. Si Dion naman ay kahit na may kaunting ilang ay nakikisalamuha naman. Iyon nga lang ay inaasar at ginagalit ni Hacov kapag maganda ang mood ni Dion. Nag-uusap na din

