Kabanata 38 "Maliligo din naman ako pagkarating ko nang La Azul, Nanay. Bakit pa ako maliligo dito?" saad ni Hacov, pinipilit ko siyang maligo muna bago kami magtungo sa La Azul. Kanina pa reklamo nang reklamo na ayaw niyang maligo dito dahil maliligo din naman daw siya sa La Azul kapag nakarating kami. Pero iba parin kung presko paalis dahil masyadong mainit na ang panahon ngayon. "Kailangan mo parin maligo, Hacov. Sige na." malambing kong ani. Napabuntong hininga si Hacov at nagtungo na sa itaas para maligo. Ngayong araw na kami aalis ng La Azul. Tatlong araw narin simula noong nagtungo ang pamilya ni Dyessie dito sa bahay. Kahapon pumunta din sila dito, natakot ako dahil wala si Rihav dito sa bahay dahil nasa trabaho siya. Ayaw ko rin silang harapin dahil baka kung ano pang gagawin

