Kabanata 37 Magkahawak kamay kami ni Rihav papuntang sala. Madilim ang kanyang mukha at ang kanyang kilay ay magkadugtong na. Hinaplos ko ang kanyang braso at napatingin naman siya sa akin. Isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya at pinatakan niya ng halik ang aking ulo. "Zoe, Zavia, dalhin niyo muna ang tatlo sa taas. Bumalik ka Zoe, ikaw naman Zavia bantayan mo ang tatlo mong pamangkin." Mautoridad na sabi ni Rihav sa kanyang dalawang magkapatid. "Nakakatakot ka Kuya, umayos ka nga. Nandito pamilya mo, baka matakot ang tatlo sayo." si Zavia na nakasimangot. Hindi siya pinansin ni Rihav at muling inulit ang kanyang mga sinabi kanina. Ang tatlo na walang kaalam-alam na naglalaro ng cellphone ay nagulat ng kuhain sila sa kanilang pwesto para makapunta sa itaas. "Saan pupunta, Tat

