Kabanata 29 "Dyessie..." kinakabahan kong ani. Dinig ko ang pagtayo ni Sean mula sa kanyang kinauupuan, hinawakan niya ang aking kamay at nilagay niya ako sa kanyang likuran. Nagulat naman ako ng bigla akong hagkan ni Hera mula sa aking likuran. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay at dinikit naman niya ang mukha sa aking tagiliran. "Anong ginagawa mo dito, Dyessie?" si Sean na ang nagtanong para sa akin. "G-Gusto ko lang k-kausapin si Fayre." Nanghihinang sabi niya. Umiling si Sean, "Huwag kang gumawa ng gulo dito, Dyessie." Matigas na ani Sean. Napako ang tingin ko kay Dyessie na namumutla ang mga bibig. Napatingin siya sa akin at nagtama ang aking paningin. Nakuha lang iyon ng may nakita akong pumalupot na kamay sa kanyang beywang at lumabas ang ulo ni Dion sa kanyang likod.

