Kabanata 28 "Ah, Sir, ang dami niyo pong galos at pasa sa katawan. Napaano po kayo? Upo muna kayo dito." Napapikit ako sa ani Nanay Bell. Kinagat ko ang aking labi at ginigising ang sarili, nagdadasal na sana panaginip lang ang lahat. Sa kakakagat ko ng aking labi ay nakaramdam ako ng sakit, doon ako hinampas na totoo ang lahat ng nangyayari. Narito nga si Rihav, nasa likuran ko lang. Binasa ko ang aking mga labi, inayos ang buhok ni Hera na sagabal sa kanyang mukha bago ako humarap. Kumidlit ang sakit sa aking puso ng makita ko siyang muli ngunit nanibago ako sa aking nasaksihan. May benda ang kanyang ulo, may mga pasa nga ang kanyang mukha, may mga galos sa kamay at ang iba ay tinatakpan pa. Bumuga ako ng hangin, "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at hindi pinakita ang masakit niyan

