Hindi nga nagpa-interview sa TV, pero may book signing naman si Annika. Isang linggo matapos ang interview niya sa radyo, lalo pang nag-viral ang pag publish niya ng libro niya. Kumalat na sa mga social media at entertainment news platform. May mga ilang fans ni Jao dina pilit ipinapares sila at tinawag silang EliNick. Ang book signing event niya ay ic-cover ng iba't ibang mga news programs.
"Ready ka na ba Nicka?" tanong ng organizer ng event. Nakapila na sa hall ang mga fans ng libro at hinihintay nalang si Annika na lumabas. Naka beige dress si Annika at naka high heels. Naka full hair and make-up din siya na parang maga-attend ng photoshoot. "Enjoy."
Lumabas siya at naghiyawan ang mga fans ng libro niya. Hindi niya inasahan ang crowd, nasa 100 to 200 na tao ang naghihintay sa red na line na may dala-dalang mga kopya ng libro ang tumawag sa pangalan niya nang lumabas siya.
"Nicka!", sigaw nila. Imbes na matuwa, unti-unting naramdaman ni Nicka ang kaba at tension sa mga balikat niya. Parang bumabaluktot siya at hindi niya mai-buka ang kamay niya. Sinubukan niyang mag paced breathing at unti-unti niyang naikalma ang katawan niya. Hinawakan niya ang ballpen pero hindi niya mahawakan ito ng maayos dahil nakatiklop pa rin ang mga kamay niya.
"Nicka!" May pamilyar na boses na tumawag sakanya. Nakita niya si Jao na nakangiti at patalon-talon sa bandang kanan niya na may hawak ng libro. Sumenyas si Annika sakanya na lumapit pero sumigaw si Jao pabalik. "Pipila ako!" sabi niya. Natawa si Annika at huminga nga malalim. "Kaya ko 'to", bulong niya sa sarili.
Isa-isang lumapit ang mga nagpapa-autograph sa libro niya. May mga ilang nag-iwan ng bulaklak, pabango, notebooks, stuffed toys, pins, accessories at ilan pang mga gamit.
"Kaklase ko siya noong highschool, Annika ang totoong pangalan niya.", sabi ng isang boses. Napukaw ang pansin ni Annika nang marinig niya iyon. Sinilip niya ang ilang nakapila at nakita ang isang pamilyar na mukha. Nakita niya ang isa sa mga kaklase niya noong elementary at high school na nam-bully sakanya. Bumalik ang tensyon sa mga balikat ni Annika.
"Nicka, hi! Naalala mo pa ako?", tanong nung babae. "Jen, remember? The prom queen nung highschool?"
"Ha? I-I'm sorry, hindi kita maalala. S-sure ka bang classmate kita?", tanong ni Annika. Nagbago ang timpla ng mukha ni Jen nang marinig niya 'yon. Ngumisi at nagbulungan ang mga tao sa paligid nila.
"Sumikat ka lang parang kung sino ka nang magaling? Eh utal ka pa rin naman.", sabi niya at inilapag ang libro sa mesa, at nag walk-out. Gumigilid na ang luha sa mata ni Annika pero kailangan niyang pigilan.
"Hay nako, napaka toxic talaga ng mga tao ngayon!", sabi ng isang boses.
"Uy si Eli.", sabi ng isang boses.
"Ako nga hindi ko na alam pangalan ng mga naging kaklase ko nung College eh. High school pa kaya.", sabi ni Jao at tumawa. Nagtawanan ang mga tao at bumalik sa dati ang pakiramdam ng book signing. Tumingin si Jao kay Annika at ngumiti. "Kaya mo yan.", bulong ni Jao. Ilang sandali pa, nakalapit na rin si Jao kay Annika.
"Ang hirap mo namang puntahan.", sabi ni Jao.
"Sabi ko kasi pwede ka nang mauna eh, naghintay ka pa tuloy."
"Siyempre, kapag fan ka, walang VIP VIP. Gusto mo bang ma-issue ka na may jowang DJ?", tanong ni Jao kay Annika. Gulat na tumingin si Annika kay Jao. "Ah, sorry, now that you're out, get used to rumors like that. Kung nagpa-bida ako at ginawa mo akong VIP, iisipin nila may relasyon tayo, baka lapain ka ng mga fans ko."
"Ang feeling mo.", sagot ni Annika. Nagtawanan sila. Matapos magpa-pirma ni Jao, umalis siya agad para sa isang meeting. Natapos ang event at aalis na sana si Annika nang may lumapit sakanyang babae. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig nang nakita kung sino 'iyon. "Annika!"
Nakita niya si Cathy, ang dahilan kung bakit traumatizing kay Annika ang high school life niya.
"Annika, buti naabutan kita. Gusto ko sanang magpapirma ng libro mo, sobrang fan mo ako. Noong nalaman kong ikaw si Nicka, sobrang natuwa ako. Alam kong hindi tayo naghiwalay ng maayos noong High School pero alam ko namang nakalimutan mo na 'yon. Ang galing galing mong magsulat! Nakaka-inspire." Nanginginig ang mga tuhod ni Annika habang nakikinig kay Cathy.
"H-ha? O-oo naman, akin na, pirmahan ko." Habang pinipirmahan ni Annika ang libro, may maliit na bata at isang lalaki ang lumapit sakanya.
"Mommy! Jollibee na tayo!", sigaw nung bata.
"Oo anak, wait lang ha.", sagot ni Cathy. "Ah, Nicka, si Gigi nga pala anak ko and si Tony asawa ko." Binati ko sila. Inabot ni Annika kay Cathy ang napirmahan niyang libro. "Salamat ha, it's nice seeing you again. Sulat ka pa ng marami, I'm so proud of you.", sabi niya. Napangiti lang si Annika hanggat sa makaalis ang pamilya ni Cathy.
Nagpaalam si Annika sa mga staff at tumakbo siya papuntang CR para umiyak.
"Wala kang kwenta, simpleng reporting lang hindi mo magawa? Lahat na kami nakapagsalita sa harap alangang ako ulit! Bobo!" Pagalit na sigaw ni Cathy kay Annika. Si Cathy ang top student sa klase nila, yun nga lang kilala din siya na mataray, masakit magsalita, in short bully.
"Ako nalang magre-report.", mahinang sabi ni Jao kay Cathy.
"Gago isa ka pa ni hindi marinig 'yung reporting mo nung huli. Ano ka ba Annika, mag practice ka kasi para hindi ka mautal o magpa check up ka, hindi yung kami inaabala mo lagi. Konti nalang aalisin na kita sa grupo.",sabi ni Cathy.
"May ambag naman ako sa paperworks ah.",sagot ni Annika.
"Kahit na, my gosh. Get out of my sight. Buti nalang mag-graduate na tayo. Girl, magc-college ka na! Sa tingin mo makakapasa ka sa college nang ganyan ka?! Sinong magh-hire sayo?!" Nakatingin lang si Annika sa sahig at pinipigilan ang iyak niya. Binalibag ni Jao ang libro.
"Sabing ako na ang magrereport eh.", sabi ni Jao sa mas malakas na boses. Bumalik na sila sa kanya kanya nilang mga upuan at nagsimula ang klase. Na-report ni Jao ng maayos ang topic at nagulat ang mga kaklase niya pati ang teacher.
"Wow, anong nakain mo Jao? That's very impressive and you did a great job with your report. Kudos to your team.",sabi ng guro nila sa English.
"Kaya mo naman pala eh, bakit ang pangit ng reporting mo nung huli?", inis na tanong ni Cathy kay Jao. Hindi sumagot si Jao at bumalik nalang sa upuan niya.
Naka yuko at nakatulala si Annika habang nakatingin pa rin sa sahig. Hindi siya umimik hanggang sa matapos ang klase. Matapos ang huling subject nila, kinuha agad ni Annika ang bag niya at lumabas.
"Sige mag walk out ka, wala kang mararating in the future bobo!",sigaw ni Cathy at nagtawanan sila ng boyfriend niya at mga kaibigan niya.
Sinundan ni Jao si Annika. "Sige, isama mo yang bestfriend mong taba."
Nauunang naglakad si Annika at nasa likod naman si Jao. Narinig ni Jao ang mahinang hikbi ni Annika. Tumigil si Annika at hinarap si Jao.
"T-t-t-t-ama s-siguro siya noh? Bobo ako at walang mararating. Siguro pinaparusahan ako ni Lord." Nakatitig lang si Jao sa kanya. "Alam mo, s-s-ana ikaw yung tipo ng kaibigan na alam mag comfort ng mga tao, yung magaling mag encourage, yung magaling magbigay ng advice. Kasi Jao, yun yung kailangan ko ngayon. Bobo ba talaga ako? H-hindi ibig sabihin na hindi ako nagsasalita sa klase o hindi ako makasagot sa recitation hindi ko na alam ang sagot. Hindi ko masabi Jao, hindi ko mailabas yung t-t-tunog!" Humagulgol si Annika sa gilid ng kalsada. Nakatayo silang dalawa doon habang pinapanuod ni Jao si Annika na umiiyak. Hindi pa rin nagsalita si Jao pero lumapit siya kay Annika at niyakap ito.
Dinala ni Jao si Annika sa parke at naupo sila sa isa sa mga upuan habang pinapanuod ang mga batang nagtatakbuhan. Inilabas ni Jao ang pocket radio niya at nakinig sila ni Annika ng radyo.
"Hapontastic with DJ JR" ang pangalan ng programa sa radyo. May isang segment sila na magpapa advice ang mga tao tungkol sa mga lovelife nila.
"Ang bobo naman nila pagdating sa love. Alam mo kung ako man ang maiinlove, gusto ko 'yun na yung taong mapapangasawa ko. Yung tatanggapin ako kahit na utal ako, yung mamahalin ako. Tsaka kung nakikita mo nang hindi maganda yung ugali nung lalaki or nung babae, bakit mo pa sasagutin o liligawan diba? Hay nako."
"Hindi mo naman malalaman agad kung sino ba yung totoo o hindi eh. Kailangan mong kilalanin muna. Tsaka ang babaw naman ng depensiyon mo ng pagmamahal."
"Wow, etong usapang lovelife lang pala ang makakapag padada sayo." Tumawa si Annika at ngumiti naman si Jao. At simula noon, madalas na silang makinig ni Jao sa radyo bago sila umuwi.
"Bakit kaya galit na galit sa akin yung mga tao? Wala naman akong ginagawa sakanila pero lagi nila akong inaaway.",tanong ni Annika kay Jao. Hindi sumagot si Jao. "Hayy, nevermind, hindi ka naman sasagot."
"Naiinggit sila sayo.",sabi ni Jao.
"Ha?"
"Naiinggit sila na kahit anong panlalait at pangbabastos nila sayo, hindi ka sumasagot at binabati mo pa rin sila ng ngiti lagi.",sabi ni Jao.
"Hindi naman ako nakangiti kasi masaya ako, nakangiti ako kasi yun lang yung alam kong gawin kapag pinagtatawanan nila ako. Tsaka anong nakakainggit doon?"
"Eh di lumaban ka."
"Ikaw, bakit hindi ka lumaban kapag sinasabihan kang mataba?"
"Bakit? Mukha ba akong payat?" Natawa si Annika sa sagot ni Jao.
"Lumaban ka, ipakita mong hindi ka papayag na ginaganon ka nila. May mga limitasyon naman tayong lahat, hindi lang nila naiintindihan yon."
"Alam mo sa maraming taon na magkakilala tayo, eto na ata yung pinakamaraming salita ang nasabi mo sa isang araw. Biruin mo 'yon, nagreport ka na, nag advice ka pa!", pang-aasar ni Jao kay Annika.
"You always get away with your jokes and smile. I hate it.",sabi niya at tumayo. Nagsimula na siyang maglakad. Humabol si Annika.
"Isang araw makikita nila ako sa tuktok tapos mahihiya sila at maiinggit at tatawanan ko silang lahat. Humanda sila. ", sabi ni Annika na parang desidido talaga siya. Umiling lang si Jao at naglakad na pauwi.