Nanunuyo ang lalamunan ni Annika at pinagpapawisan siya ng todo. Kinukurot-kurot niya ang kaliwa niyang braso at nakakailang malalim siyang hininga sa isang minuto. Nakatulala siya at nakaupo sa harap ni Jao.
"Start na tayo in 10 minutes, okay? Naalala mo naman 'yung sa briefing diba? Live ito kaya hindi tayo pwedeng magka dead air. I will fill up your long pauses with music, so wag kang mabibigla. Magkwento ka lang normally.", sabi ni Jao pero ang naririnig lang ni Annika ay ang mabilis na t***k ng puso niya. Para siyang nanghihina. Hindi naman ito ang unang pagkakataong magsasalita siya sa mga tao.
"Yeah.", sagot ni Annika.
"Annika, you can do this. I got you."
"I can do this.", sabi ni Annika at ngumiti kay Jao. Parang isang oras kay Annika ang sampung minuto. Dear Eli, ang pangalan ng segment ni Jao. Maliban sa chill music, tumatanggap siya ng mga callers na gustong magbahagi ng kwento o humingi ng advice. Napakalamig at calm ng boses ni Jao kaya nababagay sa kanya ang segment na 'to. Dalawang taon na siyang radio DJ.
"Ready?", tanong ni Jao kay Annika. Tumango si Annika. Nag-play ang intro ni Jao at pagkatapos ay umilaw na ang "On Air" na sign.
"Good evening mga CAM-tropa, DJ Eli here, na miss niyo ba ako? Nagbabalik nanaman tayo para sa apat na oras na musika, kwento at damayan ngayong Monday ng gabi, dito lang sa Dear Eli sa C.A.M Radio. San ka pa? Dito ka na, CAM-tropa!", panimula ni Jao.
Napangiti si Annika dahil sa laki ng pinagbago ni Jao. Hindi niya inakalang 'yung tahimik na batang 'yon ay magiging mas madaldal pa sakanya. Hindi niya namalayang nakatitig siya kay Jao ng matagal.
"Para sa gabing ito, isang caller lang ang tatanggapin natin dahil may makakasama akong maka-kwentuhan ngayon. Alam kong may hinala na kayo kung sino dahil kanina ko pa nababasa mga texts ninyo kung anong oras siya magsasalita. Kaya hindi ko na patatagalin pa, kasama ko ngayon sa studio ang isa sa mga Rising Filipino writers, Ms. Nicka!" Humiyaw ang mga nasa control room.
"Hello mga CAM-tropa, a-ako po si Nicka."Tumingin si Annika kay Jao. Walang lumabas na tunog mula sa bibig ni Annika. Ngumiti si Jao at nilabi ang mga salitang "Kaya mo yan!"
"Ms. Nicka, how is the experience so far? This is your first time going out as Annika, I know you're very nervous. Kasi mga CAM-tropa, nagk-kwentuhan kami ni Ms. Nicka before airing at sobrang kinakabahan siya. Okay lang yan, Ms. Nicka, please feel comfortable." Huminga ng malalim si Annika. "Kung nakaya ng mokong na 'to na maging ganito kadaldal, kaya ko din.", isip ni Annika.
"Oo nga DJ Eli, sobrang kinahabahan ako kasi hindi ako sanay sa mga ganito. This is my first time presenting myself to the public kaya kahit boses ko lang ang maririnig ninyo, sobrang kinakabahan ako. Please excuse my shaky voice.", sabi ni Annika at tumawa.
"It's perfectly normal Ms. Nicka."
"Huwag mo na akong i-Miss, DJ Eli."
"Totoo ba? Dibale hindi na kita miss kasi nandito ka na. Yown!", banat ni Jao. Natawa si Annika sa pagkabigla sa corny na banat ni Jao. "Joke lang Nicka."
"Nako, last mo na 'yan DJ.", sabi ni Annika. Unti-unting nagiging kumportable si Annika na magkwento tungkol sa kanya.
"So Nicka, pumunta na tayo sa tunay na rason kung bakit mo ako binisita. Magde-debut ka na as an official published writer. Your novel Conquer became a hit in YourStories.com. Sa mga hindi po nakakaalam, ang YourStories ang pinakamalaking online writing site sa Pilipinas. Her novel gained 25 million reads on the site. While her other stories, gained between 10 to 15 million reads. Kwentuhan mo naman kami Nicka kung paano ka nagsimulang magsulat."
"Yeah, I started when I left Manila for Baguio and noong nag-college ako. I was this kid who found it difficult to express herself to other people, kaya idinaan ko nalang sa mga storya ko. For me parang 'yon yung naging venue ko para makapag-labas ng thoughts ko."
"Wow, and I did my research and yung una mong story ay nagkaroon ng 16 million reads, wow, just wow! Ano naman ang naging motivation mo to write Conquer?"
"For those who read all my stories, alam nila na laging may overcoming part 'yung mga stories ko. Lagi't laging may protagonist character development. It's one thing that I want to instill to my readers, that the world may give us challenges and no matter how weak we think we are, we can overcome those challenges with will power. For Conquer, it's much more personal because I wrote it based on my personality. Although I was not able to travel just like the protagonist does, I was able to overcome a lot of my fears through life experiences. Siguro, dream ko nalang 'yung mag-travel talaga.", kwento ni Annika.
"Kanino mo naman dine-dedicate 'yung Conquer?"
"I dedicate it for all of the people who laughed at me and dragged me down especially when I was at my lowest. They mocked me and said that I cannot get anywhere because of my disabilities. I want to let them know that the person they bullied before is now fulfilling her dreams." Sinabi ni Annika 'yon ng may lungkot at galit sa boses niya.
"Wow, that was strong Nicka, thank you for sharing that." Pinutol ni Jao ang tensyon sa pamamagitan ng pagtanong pa ng mga light questions. Natapos ang interview at nagplay na ang mga kanta.
"You did it!", pagbati ni Jao. "I told you, kayang kaya mo!"
"How was it? Did I stutter?"
"If you did stutter, it's the normal stutter. Di ko nga napansin eh. Don't think about it. You were great!", sabi ni Jao.
"Thank you.", sabi ni Annika, pero halata sa mukha ni Annika ang pag-aalala. Tumayo si Jao at ginulo ang buhok ni Annika. "Hintayin na kita matapos Jao ha, dito muna ako okay lang? Ayoko pang bumalik ng condo eh. Kain tayo after." Pumayag si Jao at palihim na ngumiti. Nagkwentuhan pa sila hanggat sa bumalik ulit on air si Jao. Sumagot ng isang caller si Eli. Nagkwento ang caller tungol sa isang childhood crush niya na bumalik.
"Hindi ko alam DJ kung gusto ko ba talaga siya o dahil nakatatak lang sa isip ko na gusto ko siya kaya ganito ang nararamdaman ko. Ayokong gumawa ng bad move dahil lang sa feelings na 'to. What if hindi na siya 'yung dating nagustuhan ko? It's been 6 years nung huli kaming nagkita eh." Kwento ng caller.
"Simple lang yan no, get to know her. Alisin mo sa isip mo kung sino siya sa isip mo noon. Six years is long, maraming nagbago sakanya katulad ng maraming nagbago sayo. What if niligawan mo siya at hindi mo nagustuhan yung present na siya? Hindi mo pwedeng sabihin sakanya na nagbago na siya."
"Oo nga DJ eh. So far, I know she's still sweet and funny, kaso hindi ako makagawa ng move na makilala siya kasi parang ang distant niya." Tumingin si Jao kay Annika na nakatulog na. "Hindi ko po alam kung anong gagawin ko.", sabi ng caller. Hindi nakasagot si Jao. "DJ Eli?"
"Medyo mahirap nga yan noh, pero kung ako sa'yo, just take it one step at a time. You get to know her and if you feel the same way upon knowing much about her new self, that's when you make a move. Kung gagawa ka ng move ngayon tapos hindi mo pala siya gusto, pareho lang kayong mahihirapan at masisira pa friendship niyo. Okay ba Cam-tropa?" Sabi ni Jao habang nakatitig sa tulog na Annika.
"Thank you DJ!", sagot ng caller. Ilang sandali pa, natapos na rin si Jao sa segment niya. Alas dose na ng umaga at tulog na tulog si Annika sa corner ng booth.
"Annika.", gising ni Jao sakanya. Minulat ni Annika ang mata niya at dali-daling bumangon.
"Oh my gosh sorry nakatulog ako."
"Okay lang, mukhang pagod na pagod ka ah."
"Hindi naman, kapag kinakabahan kasi ako ng sobra pagkatapos eh para akong nanghihina kaya inaantok ako. But no worries, it's nothing serious. Tara? Kain?" Lumabas sila ng building at kumain sa malapit na mamihan.
"I never knew na ganon 'yung naf-feel mo noon sa mga nang-aasar sa'yo. You were always so positive.", sabi ni Jao kay Annika habang kumakain ng mami na may itlog.
"Siyempre alangang umiyak ako sa'yo diba? I never told anyone about how I felt until nung nag-college ako. Maybe that's why I got sick.", sabi ni Annika.
"You got sick?", tanong ni Jao na pagulat.
"Don't worry about it, it's not deadly, I have an anxiety disorder. Uy, kainin mo na 'yang itlog mo, mas masarap 'yang mainit. Ate, padagdag naman akong sabaw oh." sabi ni Annika. Alam ni Jao na kapag iniba na ni Annika ang usapan, ibig sabihin ayaw niyang pag-usapan 'to. Tinitigan lang ni Jao si Annika habang humihigop ng sabaw.
Siguro nga, hindi niya pa kilala si Annika ng lubusan.