Matapos ang labingdalawang tao, nagkita sila ulit. Hindi na siya 'yung matabang cute na bata na nakilala ni Annika noon. Sinong magaakala na 'yung introvert na batang 'yon eh magiging sikat na radio star at influencer ngayon?
"Jao-", tawag ni Annika nang mamukhaan niya si Jao sa cafe na napagusapan nila ng PA niya.
Map-publish bilang libro ang isa sa mga nobela ni "Nicka" na sumikat bilang digital novel sa YourStories.com, ang pinakamalaking online literary platform sa Pilipinas.
Ang title ng libro ay "Conquer". Isa itong kwento ng babaeng isa-isang hinarap lahat ng mga takot niya sa buhay, through travelling, experiencing new things and meeting other people. Gusto niya sanang itago ang identity niya hanggang huli pero hindi pumayag ang Publishing House. Kaya imbes na TV guesting, radio guesting siya pumayag.
Tumayo si Jao at Ms. Debbie nang dumating si Annika.
"Jao? I haven't heard you being called like that for a very long time. You must know each other way back?", tanong ni Ms. Debbie kay Jao.
"Yeah, we know each other."
"You know what, Eli here is a huge fan of yours, lahat ng stories mo binabasa niya. Actually I became a fan of yours because of Eli. I really love your stories especially the thriller and romance ones, you must have a lot of experience." Tumawa si Annika at tumingin kay Jao.
"Thank you very much.", sagot ni Annika. "I'm glad you both liked it. Hindi nagsasalita si Jao pero nakatitig siya kay Annika na parang maraming gustong itanong.
Nagulo ang staring contest nila nang tumunog ang phone ni Ms. Debbie. "Sorry guys, I have to take this. Go ahead, mag reunion muna kayo." Umalis si Ms. Debbie.
"Kaya kita gustong makausap before ng interview is because this is my first time speaking for a radio guesting. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. I personally chose your show because I know you will understand.", panimula ni Annika pero walang reaksyon si Jao. Nakatingin lang siya sa kape niya. "Jao, I mean Eli, is everything alright?"
"Hindi ka nagpuntang graduation.", sagot ni Jao.
"Ha?"
"Pag-uwi namin sa bahay, wala na daw kayo. Umalis na daw kayo."
"Ha? Anong sinasabi mo?", tanong ulit ni Annika.
"Twelve years ago, you suddenly left and you never even said a word. No goodbyes, no explanations."
"Oh, that. Well, a lot happened."
"I figured. Pero doon sa labing dalawang tao, hindi mo ba naisip na tawagan ako, o itext o ichat man lang kung saan ka o kung anong nangyari sayo?"
Tumawa si Annika. "Hey, seryoso ka ba? Ni hindi nga tayo naguusap noon eh. And you barely talked to me. True, we go to school and we go home together everyday but you barely expressed your interest in me." Hindi siya nagsalita at huminga na lang ng malalim. "I never thought you of all people cared.", dagdag ni Annika.
"Well I did." , ani Jao. "You were my friend."
"I'm sorry if I left."
"What happened?", tanong niya. Tumawa uli si Annika na parang nag-iisip kung anong ipapalit na topic.
"Bakit ba ang seryoso mo?", tanong ni Annika sabay tawa para maalis ang tensyon. "Grabe, ang pogi mo na! Alam mo bang kinukwento kita sa mga friends ko na naging kababata kita?"
"Where were you?", tanong ni Jao nang seryoso. Huminga si Annika ng malalim na parang maglalabas ng isang malaking sikreto. "I'm not gonna let this go, Annika."
"The day of the graduation, we went home to Baguio to take care of my lola. It was not sudden, we were planning it beforehand. It just so happened that it was on the day of our graduation. And who cares about marching right?", ngumisi si Annika. "Ikaw? Kamusta ka? Ang laki na ng pinagbago mo!"
"Ikaw, hindi ka pa rin nagbabago." Itinuro niya ang plato ni Annika na may cake na durog durog. "Pinaglalaruan mo pa rin pagkain mo at magaling ka pa rin magbago ng topic."
"Why do you sound like you know a lot of things about me and why are you so sure that after 12 years, I still didn't change? 12 years was a lot."
"I'm not sure, but I'm willing to find out if you really changed or not.", tumawa ulit si Annika pero seryosong nakatitig si Jao sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkailang sa titig ni Jao.
"Hindi ka naman ganito ka seryoso sa radyo ha. Alam mo ba, madalas kitang pinapakinggan tuwing segment mo. Tapos nakakatuwa na ang dami mong commercials. Mula sa Toothpaste hanggang sa pangpahid sa likod. Hindi ko talaga mai-magine noong mga bata pa tayo na eto ang magiging trabaho mo.", sabi ni Annika at kinain ang durog durog na cake. "Alam mo ba, pangarap ko 'yang ginagawa mo. Pero alam mo naman, sino bang magh-hire sa akin eh ganito ako?"
"Alam ko, top 1 dream mo 'to diba, hindi nga lang radio star o commercial model pero yung lumalabas sa TV? At top 2 ang maging newscaster.", sabi ni Jao.
"Wow! Nakaka touch, nakikinig ka pala noong dada ako ng dada?", tanong ni Annika. Napangiti si Jao. "Uy, ngumiti ka! Ohmygosh, I haven't seen that in a million years!" Ngumiti uli si Jao.
"Babalik ka na ba agad sa Baguio?", tanong ni Jao.
"Hindi, marami pa akong kailangang gawin eh. Tsaka, may bago akong project sa isang network. Siguro, isang taon, hindi ko alam."
"May tutuluyan ka na ba?" Umiling ako. "Gusto mo bang bumalik sa kung saan ka lumaki?"
Pumunta sila sa lugar kung saan sila unang nagkita, kung saan nagsimula ang "friendship" nila. Hindi pa rin nagbago ang lugar, napinturahan lang ang mga bahay. Pumasok sila sa bahay at bumalik lahat kay Annika ang childhood memories niya.
"Binili namin 'yung dating bahay niyo. Kami na ang nagpapaupa. Renovated na 'yan,may gamit na. Hinihintay ka nalang. Bibigyan kita ng discount.", sabi ni Jao.
"Then, I'll take it."
"Good. Hindi ko alam na makikita kita ngayon at magkakaroon ng laman itong bahay na 'to."
"Dito ka pa rin ba nakatira? Mayaman ka na ah, bakit nagtitiis ka pa rin sa maliit na bahay?"
"Eh pinundar nila mama itong lupa at bahay eh, kaya kahit maliit lang 'to, malaki ang halaga nito."
"Kamusta na pala si Tita?" Hindi sumagot si Jao. "Jao?"
"Wala na siya Annika, 5 years ago, breast cancer."
"I'm sorry."
"No it's okay. Kaya si papa at 'yung kapatid kong nag-aaral ang nakatira ngayon sa bahay kasi malapit dito yung college niya. Ako naman, naka condo pero umuuwi ako dito minsan."
"Ang lapit lang nito sa building niyo ah?"
"Oo, pero provided ng company 'yung condo ko eh kaya sayang naman kung hindi ko gagamitin. Doon din kasi kami nagm-meeting ng staff ko minsan."
"Wow, bigatin ka na talaga Jao ah, este Eli pala.", pang-aasar ko. Ngumiti lang siya huminga ng malalim. Inikot ko ang bahay at tinitigan ang kusina. Dito ako natutong magsaing ng kanin at magluto ng kare-kare noong highschool.
"Annika.", tawag sa kanya ni Jao.
"Oh?"
"Uhm, okay lang ba sa boyfriend mo na nasa Manila ka?", tanong niya bigla habang pinupunasan niya ng marahan ang mesa gamit ang hintuturo niya.
"Oo.", sagot ni Annika.
"Ah, buti naman."
"Wala naman kasi akong boyfriend.", habol ni Annika habang binubuksan ang mga drawer ng kusina.
"Ah!", sagot ni Jao ng malakas. "Buti naman, I mean buti na mas malaya kang mags-stay dito at walang mangungulit sayo na malayo ka. Mabuti 'yon. Good for you. I'm happy for you.", sagot niya nang halos walang hinga.
"Okay ka lang?", tanong ni Annika na na-weirdohan sa sagot ni Jao.
"Ha? Oo. Tara? Gusto mo ba kumain? Libre ko.", aya ni Jao. Huminga siya ng malalim at palihim na ngumiti.