bc

Ang Dugyot Kong Asawa

book_age18+
11
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
sensitive
boss
heir/heiress
sweet
bxg
mystery
loser
abuse
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Meet Dorothy Gaves o kilala sa tawag na 'Dorty' isang simpleng babae at walang kaarte-arte sa katawan. Maganda man na maituturing, ngunit hindi ito halata dahil sa mga dungis sa kanyang mukha.

Dahil sa hirap ng buhay at laking squatters' area hindi nito afford ang skin care o kung ano pang pag-aayos ng sarili. Wala rin itong matinong trabaho kun'di ang mangalakal ng basura at ibenta ito sa mababang halaga.

Paano kung makilala nito si Michael Sanchez na isang lalaking takot sa dumi, na kahit isang alikabok lang ay hindi nito pinapalampas. At kung may babae man itong palalapitin sa kanya, sinisigurado niya na naligo ito ng isang galon ng alcohol at sampung beses kung mag toothbrush ang mga ito.

Dahil sa suggestion ng Doctor sa ninang ni Michael na si Sami. Binigyan nito ng trabaho si Dorti para maging asawa ni Michael at matulungan ang lalaking mapagaling ang sakit nitong obsessive-compulsive disorder (OCD)

Paano matatakasan ni Michael si Dorti kung ang makita pa lang at maamoy ito ay hindi na kaaya-aya sa kanya. Kaya pa kaya nilang mahalin ang isa't-isa kung ang isa takot sa dumi, habang ang isa mahal ng dumi?

Lalo na kung muling manggugulo ang dahilan ng sakit ni Michael at ng isang babae sa past ni Michael na siyang nakaka-intindi sa sitwasyon ng lalaki?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: MEET DORTY
Dorty’s POV "Noong nakaraan ko pa nakitang suot mo 'yan Dorty, hindi kana naman naligo? Paano ka lalapitan ng mga lalaki kung ganyan ka kabaho?" saad ni Aling Marites Napa-ikot ang mata ko ng ito agad ang bungad niya pag-uwi ko galing sa pangangalakal.Nagwawalis ito sa tapat ng kanyang bahay at nakasuot ng mahabang bestida. May eye-shadow pa itong suot na kulay blue, at malaking bilog na hikaw.  "'Yong anak mo nga p*k p*k, pero wala kang narinig sa akin. Okay na maging mabaho, kaysa kung ano-anong etits ang pinapasok. Diba?" Ngumiti ako ng sarkastiko nang makita ko ang pamumula ng pula na nitong mukha dahil sa inis. "Wala ka talagang galang sa mas nakakatanda sayo. Iyan siguro ang dahilan kaya kayo iniwan ng nanay niyo, kasing baho mo ang ugali mo." mas lalong nadagdagan ang inis ko dito. Ang sarap hilahin ng nguso niyang walang pakinabang kun'di mamuna ng kapwa. "Sayo nga kasing luwang ng p*p* ng anak mo ang turnilyo mo sa utak eh." aba! Kung manlalait siya dapat doble rin ang balik ko sa kanya. Hindi masama ang pangangalakal, pero pagdating sa bibig niya parang ito na ang pinaka hindi disenteng trabaho. Kung tutuusin nga mas dapat niyang i-tsismis 'yong anak niyang nabuntis ng iba't-ibang lalaki tapos puro panganay pa. Humigpit ang pagkakahawak nito sa walis tingting habang may masamang tingin sa akin. “Ano?Ipapalo mo sa akin ‘yan? Hilain ko ‘yang hikaw mo na kasing luwag ng anak mo eh!” dagdag na asar ko pa. Sa totoo lang kanina pa ako natatawa sa itsura niya. Mukha siyang clown na pumunta sa birthday party tapos walang batang nanonood. Binaba nito ang walis tingting at huminga ng malalim. Nagtataka ko siyang pinagmasdan ng parang naaawa itong tumingin sa akin. May problema ata sa utak itong matanda na ito. “Wala na akong magagawa kung lumaki kang ganyan, Dorty. Wish ko lang na labhan mo na ‘yang panty mo na tatlong araw mo ng suot.” aba! Hanep din itong matandang ito hindi papatalo. “H’wag ka mag-alala, aling Marites. Pag nakabili ako ng bagong panty isasabit ko sa bintana ‘yong pinaglumaan ko. Tutal parang nakalimutan mong pantihan ‘yong anak mo kaya iba’t-ibang etits ang nakakapasok.” saad ko bago malakas na tumawa. Dinig ko rin ang malakas na tawanan ng mga kapitbahay namin dito sa squatter na may lahi ri’ng pagka-chismosa. Tawa-tawa lang ‘yang mga ‘yan pero ang usapan namin aabot na ‘yan sa kabilang street. Feeling mga santo amputa! “Hoy! Ano-ano na naman ang sinasabi mo sa nanay ko?” biglang labas ni Marisa sa pintuan ng bahay nila, habang nakataas ang kaliwang kilay na parang ginuhitan lang ng uling. Bitbit nito sa magkabilang kamay ang mga anak na magkalapit ang edad habang ang isa naman ay nakasabit sa binti niya. Halata sa mukha ng mga ito ang pagkakaiba, halatang nilahian lang siya. “H’wag kana makisali, Marisa. Alagaan mo na lang ‘yang mga anak mo at baka malagot ka sa mga tatay ng mga ‘yan at baka pagtulungan tayo ng iba’t-ibang bansa dahil sa mga tatay ng mga ‘yan, magkaroon pa ng gyera sa Pilipinas sige ka.” natatawa kong saad dito. Halata ang pag-usok ng mga tenga nito dahil sa inis pero hindi niya magawang bitawan ang dalawang anak na kumakapit sa kanya. Nag mukha tuloy siyang nasunog na puno. Ang nanay niya naman ay hindi na magawang pumatol sa akin dahil mukhang tumaas na altapresyon niya. Siya ang unang nakipag-away tapos siya pa mag-iinarte ng ganyan? Ganda mo naman po? “Aba’t-” hindi na nakasabat pa si Marisa ng hinihingal sa kakatakbo na lumapit sa akin si Marisol. “Dorty the dirtiest. I have balita for you!” saad nito. Napaikot ang mata ko dahil nandito na naman ang kaibigan kong feeling yayamanin at pinipilit pa na mag-ingles kahit ang pangit naman pakinggan tapos ang baho pa ng hininga. Para siyang tanga na tumatakbo habang nakataas ang kamay at nakalabas ang dila. Hindi niya ba alam na abot ang kili-kili powers niya dito? Sa totoo lang malinis sa katawan si Marisol. May kaya naman ang pamilya niya, pero hindi ko siya maintindihan kung bakit gusto niya naglalagi sa bahay at kung minsan sinasamahan ako mangalakal. “Ano na naman ‘yun Marisol the taga sulsol?” tawagan namin ‘yan na dalawa. Mahilig kasi siya manulsol sa kapatid ko kaya siya ang lagi na sinusunod imbis na ako na ate. “I don’t have oras to make joke sayo. Your kapatid is in danger. Hurry up, at save mo siya.” nanlalaki ang matang sinunod ko siya at hindi pinansin ang sigaw nila Marisa. Pero kumaway ako sa kanila at pinakyu. Kailangan maganda ang exit natin. Si Marisol naman ay nakasunod lang sa likod ko habang hila-hila ko siya sa kamay. Nagpupumilit itong numitaw pero hindi ko siya hinahayaan. Ano na naman kasi ang nangyari sa kapatid ko na iyon at bigla na namang nagka gano’n. “Please make bitaw nga, Dirty. I can stand on my own, so please… leave me alone!” masama ang tingin kong nilingon si Marisol. “Tigil tigilan mo ako sa kaartihan mo, Marisol at baka hindi kita matansya at mapilipit ko ‘yang dila mo.” nangigitngit kong saad sa kanya. Parang hindi niya kasi alam kung gaano ka seryoso ang nangyayari ngayon. “Ito naman hindi ma joke. Anyways your kapatid is in your bahay. He keeps reklamo na masama daw feel niya.” tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya nasa tapat na rin naman kami ng bahay kaya ayos lang. “Baka nakakaramdam lang siya ng multo?” natawa ako ng napatalon ito at kumapit sa braso ko. “Stop it, Dorty! Your not nakakatawa ah? Akala mo ba your yummy kapitan? Ang baho mo kaya.” napaikot ang mata ko at winisik ko ang kapit niya. “Edi h’wag ka kumapit. Dila mo nga baluktot, feeling englisher.” inasar lang ako nito gamit dila na kinailing ko. Pagkabukas ko ng pintuan ng bahay nagulantang ako ng maabutan si Rag na nakahiga sa sahig at nilalampaso ang sarili este walang malay at pinagpapawisan. Natataranta akong lumapit dito at niyugyog siya sa balikat. Anong nangyari sa kanya at nagkakaganito siya? May nakain ba siyang masama? Kahit naman nangangalakal lang ako, hindi ko naman siya pinagkakaitan ng pagkain, lahat bago ang pinapakain ko. “Rag! Anong nangyari sayo?” sandali nitong binuksan ang mata at tumingin sa akin bago ngumiti ng tipid. “A-Ate… Mahal na mahal kita kahit ang baho mo.” kahit na sa ganito na siyang lagay nagawa niya pa rin talagang mang-asar. “H’wag kang mag-inarte d’yan hindi bagay sayo. Marisol kunin mo ‘yong bisikleta ko sa pangangalakal, bilis!” mabilis itong umalis at kinuha ang pinag-uutos ko. “A-Ate…” mahina pang sambit nitong bata na ito. “Manahimik ka! Walang mangyayaring masama sa iyo hangga’t nandito ako.”  Agad na dumating si Marisol kaya binuhat ko na si Rag pasakay sa bisikleta habang hawak siya ni Marisol at ako ang nag pepedal. Kahit hirap ako sa bigat nilang dalawa ay sinikap ko pa rin na mag pedal. Nasa kalsada na kami ng tuluyang nasira ang kadenang nagpapatakbo nito. Halos sabunutan ko ang sarili dahil sa inis. Nagmamadali akong bumaba sa bisikleta at sinubukang ayusin ang kadena ng may malakas na busina ng sasakyan sa bandang likuran namin. “Hey! Dirty b***h, Get out of our way!” sigaw ng isang lalaking gwapo pero ang pangit ng ugali. “Tangina mo!” mura ko dito at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng kadena. “How dare you-” natigil ito sa pagsasalita ng may magsalitang ginang sa bandang likuran niya “Stop it, Michael.” ma-otoridad nitong sabi. “But, ninang…” magdadahilan pa sana ito ng tinaas ng ginang ang kaliwang kamay. “No buts! At anong gagawin mo? Susugurin mo siya eh takot ka nga sa dumi. Jeffrey go and help them fix their bicycle” pagbubunganga ng ninang nito. Sinunod ng kasamahan nilang driver ang utos nito at boluntaryo akong tinulungan. “Please tone down your voice, ninang.” mahina nitong saad.  “Bakla ka pala, eh.”natatawa kong asar dito, pero sinamaan niya lang ako ng tingin. “Shut up!” binilatan ko lang ito at hindi na sumagot. Malay ko ba ibig sabihin ng shut up. Madalas ko lang ‘yan marinig kay Marisol. Nagpasalamat ako sa ginang at sa nag-ayos ng bisikleta namin bago ko inirapan ang lalaking bakla. Mabilis kong pinaandar ang bisikleta at ilang minuto pa ng makarating kami sa Hospital. Agad naman kami inasikaso ng Doctor kahit na may ilang Nurse ang lumalayo sa amin at nagtatakip ng ilong. Akala mo naman ang lilinis nila eh mas mabaho pa nga sila sa akin. “Who’s the family of the patient?” tanong ng Doctor paglabas nito ng Emergency Room.  “Kami po,Doc.” agad akong hinila ni Mirasol papunta sa harap ng Doctor. “Miss… Your brother is safe for now. But we need to operate on his appendicitis as soon as possible. Please settle your payment first,” nakatunganga lang kami sa kanya at pilit na iniintindi ang sinabi nito. “Naiintindihan niyo ba ako?” sabay kaming umiling ni Mirasol. “Pwede pa repeat, Doc? Bobo po kasi itong kasama ko. We need Translation po.” agad kong sinabunutan si Mirasol dahil sa kagagahan niya. “Ang sabi ko… kailangan ng malaking halaga ng kapatid mo para maoperahan siya.” tumango lang ako dito kay mabilis na itong umalis. Napaupo ako sa isang upuan sa tapat ng Emergency room at napatulala. Saan ako kukuha ng malaking pera? Ang kita ko sa pangangalakal na sa limang daan lang kada araw, kulang pa para sa isang linggong pangtustos namin. Napatingin ako kay Mirasol nang kinalabit ako nito. “I still have money in my piggy bank. Baka want mo muna gamitin?” pang-aalok nito pero malungkot lang ako na tumango. “Hindi pwede. Pinaghirapan mo iyon, hindi ko maatim na pagsamantalahan ang pinaghirapan mong pera.” madiin kong sabi dito at napatayo. Hinarap ko siya ng nakapamewang. “Pero-”pinutol ko ang kanyang sasabihin. “Walang pero-pero. Ako ang bahalang maghanap ng ibabayad sa Operasyon ni Rag. kahit na ibenta ko pa ang isang laman ko gagawin ko, naiintindihan mo ba ako?” hindi ako nito sinagot at tumingin sa bandang likuran ko. “Miss Dorothy, right?” napalingon ako sa likod at nakita ang isang ginang. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya. “Anong kailangan niyo?” tanong ko dito. Mukhang hindi naman ito na offend sa tono ng boses ko at nagawa pang ngumiti. Ang ganda niya, sana all na lang diba? “I can pay for your brother’s operation, but on one condition…” pabitin naman nito gano’n ba pag matanda na? “Ano po ‘yon?” kahit hindi ko siya maintindihan, ipa-translate ko nalang kay Mirasol mamaya. “Marry my godchild, Michael.” saad ng matanda habang may nakapaskil na malaking ngiti sa mukha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook