
Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Arianne na mag-apply bilang yaya ng isang 6 yrs old na batang lalaki.
Pero laking gulat na lang niya na ang ama pala nito na siyang magiging amo niya ay ang lalaking matagal niya nang gusto na nakita lang niya sa isang magazine.
Ngunit hindi niya inaasahan na mahihirapan siya dahil sa sobrang kakulitan at kapilyuhan ng anak nito.
At hindi lang iyon, mas mahirap pa lang pakisamahan ang ama nitong biyudo. Guwapo nga pero ubod ng sungit naman.
Pero paano niya pa aalisan ang trabahong pinasukan kung napapalapit na ang loob niya sa mag-ama?
