[ Eurille / Bethany ]
Ilang buntong hininga na ang pinakawalan ko nang makapasok na ako sa loob ng Bar kung saan kami magkikita-kita nina Meera at Gilly. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung anong meron kung bakit bigla nag-aya ang dalawang ito. Paparating pa nga lang ang final examinations tas bigla nagkaganito. Sa katunayan pa nga ay masyado na akong late. Ang usapan namin ay mga alas onse kami magkikita-kita pero dahil sa ritwal kanina ay ala una na akong nakarating.
Ayon din kay Lilith, susunggaban na daw namin ang pagkakataon na ito para makilala daw namin ang mga kalaban. Titingnan din namin kung sino ba talaga ang pakay nila. Isa ba sa aming tatlo ang kailangan nila?
Namataan ko ang dalawa kong kaibigan sa isang sulok. Doon sila nakapwesto. Agad ko sila dinaluhan.
"Buti nakarating ka na!" Bulalas ni Meera. Tinapik niya ang malapad na espasyo ng couch na katabi lang niya. "Here, here, sit."
Sinunod ko iyon. Umupo ako sa kaniyang tabi. Nagsalin ng alak si Meera sa shot glass saka inabot niya iyon sa akin. Napalunok ako't tinanggap ko iyon. "Bakit nga pala kayo nag-aya mag-inom?" Bigla kong tanong sa kanila. "Sorry din kung late ako."
Ngumuso si Meera. "Okay lang! Hahaha! Hmm, actually, we're spying someone..." Saka ngumisi siya. "Alec and his new girl."
Tumaas ang isang kilay. "I thought you have already moved on?" Nagtataka kong tanong.
Biglang humalukipkip si Gilly. "Iyon ang akala natin. Well, nakasalubong lang naman namin si Alec kanina sa hallway ng school tas bigla nalang nag-walk out ang isang ito patungo ng ladies' room and boom, she's crying." Then she shrugged. "And yeah, hindi pa nga siya nakamove on ng sobra."
Napangiwi ako. Iyon pala ang dahilan. Well, paniguradong nagpasama lang itong si Meera kay Gilly at pati na din sa akin. Pero hindi ko muna iitindihin ang problema ni Meera. Narito ako para sa misyon ko. Iyon ay huntingin namin ang mga tinutukoy ni Lilith na kalaban. Kasali na din ang mga black witch na tinutukoy din ni Mystia.
Hindi ko na rin nasundan ang pagkukwento o pagdadaing ni Meera dahil abala ako sa kakalinga sa paligid.
"Ang mabuti pa, sumayaw na muna tayo!" Malakas na aya ni Meera sa amin.
Bago man ako tumanggi ay nagawa na niya kaming hawakan hanggang sa napadpad na kami sa dance floor. Aminado akong hindi ako marunong sumayaw. Hanggang sama lang ako pero hindi ako marunong sa mga ganitong bagay. Ugh, ang dami pa namang tao ngayon dito sa dance floor...
"Hey," Isang pamilyar na boses na bumulong sa aking tainga. Ramdam ko ang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking bewang! N-nasa likuran ko siya! Oh my... "Sabi na nga ba, ikaw ang nakikita ko kanina pa..."
"C-Ceylon...?" Mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.
"Mukhang ikaw pa ang lumalapit sa akin, Beth." And he brushes his lips into my neck! Pumikit ako ng mariin. 'Ram—'
Bigla napabitaw sa akin si Ceylon ngunit may naramdaman akong hangin na dumapo sa aking katawan. Medyo nagtaka ako. Agad akong lumingon. Nanlaki ang mga mata ko nang nawala na siya. Dali-dali akong lumabas ng bar. Hinahanap ko siya. Hindi ko namalayan na napadpad ako sa likod ng bar. Napasinghap at dumapo ang aking palad sa aking bibig dahil sa aking nasaksihan.
Sinasakal ni Ramael si Ceylon habang diniin niya ito sa pader!
"R-Ram!" Tawag ko sabay papalapit sa kaniya ngunit hinaranagan ako nina Primus at Raziel.
"He heard everything, Beth. He got furious after." Wika ni Raziel.
Oh shoot.
"Tell us, what do you want?" Mariin at punong puno ng galit na tanong ni Ramael sa kaniya. "You broke my number one rule. Don't lay your finger at my wife, you bastard!" At mas lalo niya hinigpitan ang pagkasakal niya sa lalaking iyon. Hindi pa siya kuntento, inangat pa niya si Ceylon.
"R-Ram..." Nag-aalalang tawag ko sa kaniya.
Kahit hirap na hirap na ito ay nagawa pa rin niyang ngumisi. "At last, n-nagpakita ka rin, R-Ramael..." Nahihirapang sabi niya.
Matalim na tingin lang ang ipinakita ni Ramael sa kaniya. I saw he gritted his teeth. Parang gusto na niyang patayin si Ceylon.
Si Lilith naman ang lumapit. "Sabihin mo, sino ka o sino ang nagpadala sa iyo dito?" Seryoso niyang tanong.
Hindi mawala ang ngisi ni Ceylon nang tingnan niya si Lilith. "I'm also a demon..." At bigla siyang nawala na parang bula!
"Oh s**t, he can do teleportation?!" Bulalas ni Harlan.
Sabay nagmura sina Ramael at Lilith.
"Damn that demon!" Malakas na sabi ni Lilith.
"Yes, he is a damn bastard."
Sabay kaming napalingon nang may nagsalitang babae. Hindi ako pamilyar sa kaniya. She's wearing leather jacket with a white printed shirt inside, a fade jeans and a pair of leather shoes. Medyo wavy ang kaniyang itim ba buhok. Hindi ko siya kilala.
"A-Alixa?" Hindi makapaniwalang tawag sa kaniya ni Lilith. "W-what are you doing here?"
Humalukipkip ang babaeng tinutukoy ni Lilith na Alixa. "Nandito ako para balaan kayo." Dumiretso siyang tumingin kay Lilith. "Mas magandang huwag tayo dito mag-usap usap. Masyadong importante ang sasabihin ko kaya ang mabuti pa ay sa mismong bahay ninyo muna tayo."
**
Nag-iwan ako ng text message kina Gilly at Meera. Alam kong hahanapin nila ako sa bigla kong pag-alis lalo na't hindi ako nakapagpaalam sa kanila ng personal. Sana ay maitindihan nila.
Tahimik kaming pumasok sa tinatawag nilang 'New Place' nang sinalubong kami ng isang baboy ramo ngunit nakatali iyon sa isang tabi. Agad kaming bumaling kay Mysita na palapit sa naturang hayop, may dala siyang mga damo at ipinakain ito.
"Saan mo nakuha iyan?" Nagtatakang tanong ni Lilith sa kaniya na nakakunot ang noo.
Isang blangkong ekspresyon sa mukha ang iginawad niya sa amin. "Hinatid ni Calyx dito. Nangaso siya, eh." Saka lumapit siya sa amin.
"Anong gagawin mo sa baboy ramo na iyan?" Si Lucille naman ang nagtanong. Nababahala.
"This living animal will be sacrifice as an offering." Seryosong sagot niya.
"Para saan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Raziel.
Bago man niya kami sagutin ay tumingin siya sa mag-amang Primus at Rhys. Maski ang dalawang ito ay nagtataka. "I will cast a spell to resurrect the dead."
"S-seryoso ka ba d'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya bilang tugon. "At kailangan ko na siyang gawin sa lalo madaling panahon. Bukas na bukas din ay gagawin ko na ang ritwal para doon." Tinalikuran niya kami't ipinagpatuloy niya sa pagpapakain sa baboy ramo na iyon.
"Ano nga pala ang kailangan naming malaman, Alixa?" Biglang tanong ni Lilith.
Humakbang siya palayo sa amin at hinarap niya kami. "Ang alam natin ay wala na si Flavius. At sinisiguro natin na wala na din si Helivia." Panimula niya. Mas sumeryoso ang kaniyang mukha nang susunod niyang sasabihin. "Dahil meron pa palang anak si Flavius—At isa itong cambion."
Napaawang ang bibig ko. Ang buong akala ko ay sina Lilith at Rhys lang ang mga natatanging cambion. Mayroon pa pala.
"Sinadyang itago ni Flavius ang cambion na iyon. Siguro dahil alam niya kung ano ang magiging kinahinatnan niya sa oras na matalo mo siya, Lilith. Alam nating lahat kung gaano katuso ito." Huminga siya ng malalim saka ipinagpatuloy pa niya ang kaniyang sasabihin. "Ang nalaman ko din ay kampon niya ang mga black witches."
"And who is this? The cambion?" Sunod na tanong ni Lilith.
"Ang naencounter ninyo kanina. Si Ceylon."
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Natigilan ako. Kaya pala ganoon ang naramdaman ko sa kaniya.
"Why you didn't tell me about that?" Biglang nagsalita si Ramael.
Napatingin ako sa kaniya. Malungkot ko siyang tiningnan. "I'm sorry... H-hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa iyo..." Saka yumuko ako.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Whatever happens, tell me what's going on with you, baby." Namamaos niyang sabi. Marahan niya akong niyakap. "Ngayon nagbalik na ang kapangyarihan ko, magagawa na ulit kitang protektahan."
Pumikit ako at ginatihan ko siya ng yakap. Hinalikan niya ang sentido ko. "Oo, Ramael..."
"Let's go home, Beth." Masuyo niyang pag-aaya sa akin.
Sumang-ayon naman ako. Sabay na kaming nagpaalam sa kanila. Inaalalayan niya akong pumasok sa kaniyang sasakyan. Napangiti ako nang ginagawa niya ulit ang mga ginagawa niya sa akin. Nagkakabit ng seat belts ko pati na din ang paghalik niya sa aking kamay bago man niya paandarin ang kaniyang sasakyan.
"Sleep with me, Bethany." Bigla niyang sabi.
Lihim ko kinagat ang aking labi. Hindi na ako tumanggi pa. Pumayag ako kung anuman ang gustuhin ng pinakamamahal ko.
**
[ Hazel ]
Matalim kong tinititigan ang bon fire na nasa aking harap habang hawak-hawak ko ang basket na naglalaman ng mga dahon ng laurel. Nagpakawala ako ng hakbang palapit sa naturang apoy. Kumuha ko ng mga dahon mula sa basket at tinapon ko iyon sa nagbabagang apoy. Mas kumakapal ang usok.
Binitawan ko ang basket at taas-noo kong tiningnan ang apoy. Inangat ko ang aking mga kamay. Tumingala ako sa langit. Ipinikit ko ang aking mga mata. Sinasagi ko sa aking isipan ang mukha ni Rhys Black.
"Laurel leaves that burn in the fire, draw unto me my hearts desire..." Mahina kong sabi.
Mas kumakapal ang usok at lumalaki ang apoy.
"I nunc amit me te amare simul Rhys Black qouque siceit in me ex caritate... I nunc amit me te amare simul Rhys Black qouque siceit in me ex caritate..." Pabulong kong ibinigkas ang mga latin na salita. Dumilat ako. "I nunc amit me te amare simul Rhys Black qouque siceit in me ex caritate!" Malakas ko na binitawan ang mga salita sa huling pagkakataon.
Tila may sariling pag-iisip ang mga usok na aking ginawa. Kusa silang umalis. Hinatid ko lang iyon ng tingin na nakangisi. Malaki ang tiwala ko ang sa aking majika. Alam kong hindi ako bibiguin.
Ilang saglit lang din ay mapapasa akin ka, Rhys Corson Black.
▶▶