chapter sixteen

1821 Words
[ Primus ]  Isang matalim na tingin ang ibinigay sa amin ni Ramael nang nakaupo na kaming dalawa ni Rhys sa tabi niya. Napapagitnaan namin siya. Alam kong nagtataka at nasopresa siya sa nangyayari lalo na't pumasok kami dito sa pinapasukan niyang University. "What the hell are you doing here?" Mariin niyang tanong sa akin na halos pabulong iyon. "We're just doing our job, dude." Sagot ko sa kaniya na nakangisi. Naniningkit ang mga mata niya sa aking sagot. "Job?" Ulit pa niya. Tumango ako. "Yeah. Malalaman mo din mamayang vacant kung bakit." Bumaling ako sa harap para kungwari nakikinig sa nagsasalita doon. Gusto kong matawa sa reaksyon niya ngayon. Pinipigilan ko lang. I need to hold my myself. First day lang namin, may record na kami sa mga prof. Ngayon, pinapagawa na kami ng plate. May alam naman ako kahit kaunti kung papaano gumamit ng mga tools. Aminado naman akong hindi ako magaling sa pagdodrawing pero marunong lang. Humaba ang leeg ko saka tiningnan ang gawa ni Ramael. Napaletrang O ang bibig ko nang makita ko ang ganda ng pagkagawa niya sa plate niya. It looks like a city pero ang main subject niya doon ay ang building. Nays. Lumipas ang tatlopung minuto ay ipinasa na namin ang plate sa proctor. Isa-isa niyang tiningnan ang mga gawa namin. Siguro magbibigay siya ng ratings doon. Kampante lang ako sa kinauupuan ko. Bumaling ako kay Rhys na kasalukuyan na inaantok. Pambihira talaga ang isang ito. Okay lang kaya ang gawa ng isang ito? "Who's Rhys Corson Black?" Tanong ng proctor. Tamad na nagtaas ng kamay si Rhys. Bakit kaya? Nagbuntong-hininga ang proctor saka ipinakita niya sa amin ang kaniyang gawa. Literal na napanganga ako nang makita ko ang plate niya. Hindi lang ako. Kahit si Ramael! "Can you explain what's the meaning of this, Mr. Black?" She asked, taas-kilay pa. "My drawing?" Seryosong sagot niya. Sinundan niya ng hugis ng mga tools na ginamit niya! Mga protractor, Triangular scale (yung ruler na hugis tatsulok!), L-Square, T-Square, mga French Curve Set pati na din mga Circle Templates! Tapos kinulayan nalang niya ng kung anu-ano! What the fudge?! "That's what I called, abstract drawing?" Dagdag pa niya. Mariing pumikit ang proctor na parang naubusan na ng pasensya. Tiniklop niya ang plate na gawa ni Rhys. "I'll rate this as five." She said. "Five? Five star?" Painosenteng tanong ni Rhys. Face palm! Damn it. Ang akala siguro niya ang five na iyon ay pang-kinder na grade! Hindi yata siya aware na college student siya. Hayyys. ** [ Eurielle / Bethany ]  Tapos na ang klase ko ay agad kong dianluhan sina Lilith at Lucille para humingi ng paliwanag. Pero bigo ako. Bigla nila akong hinatak sa likod ng building na ito. Ang sabi ni Lucille ay doon daw sila magkikita-kita. Pagdating namin doon ay hindi ko inaasahan na narito rin sina Primus, Rhys, Harlan, Raziel at Ramael. Bakit nakasimangot si Ramael? "Now, explain." Ramael demanded while he's crossing his eyes. I can feel the fury in his voice. Hays, my typical husband. "What are you doing here?" Napangiwi silang lahat. Hindi nila alam kung sino ang sasagot para sa tanong ni Ramael hanggang sa lumapit si Raziel. Napakamot ito sa kaniyang batok. "Easy, dude. This is actually a serious matter. Lilith feels something wrong here. We're just quaked and we need to protect the two of you. I hope this will explains..." Kumunot ang noo ni Ramael. "What do you mean by that?" "If you remembered what Mystia told us when we were in Batangas.." Si Primus naman ang sumagot. "Tingin ni Lilith, narito ang mga binabanggit ni Mystia. At, hindi lang sila ang makakalaban natin. May isa pa." "M-may isa pa?" Bigla kong sabi. Dahil may sumagi sa aking isipan. "Yeah." Lilith added while her hands crossed. "Base sa enerhiya na nararamdaman ko, kasing lakas lang namin siya ni Rhys." Bigla akong ginapangan ng kaba dahil sa sinabi niya. Dumapo ang tingin ko sa damuhan.Bakit biglang sumagi sa isip ko si Ceylon? "Makikilala ninyo din naman ako kapag magkasama na kayo ng asawa mo at nang anak mong si Lilith." "Hindi dito matatapos ang kalbaryo ng pamilya mo, Bethany Arles." Mas lalo kinabahan nang naalala ko ang mga binitawan niyang salita. s**t, narito na si Lilith. Ano naman ang kinalaman ng anak ko sa kaniya? Ano ba talaga ang kailangan niya sa amin? "Beth, are you okay?" Nag-alalang tnaong sa akin ni Lucille sabay hawak niya sa akin sa isang braso ko. "You look pale. May problema ba? May masakit ba sa iyo?" Parang nanumbalik ang ulirat ko. Napatingin ako sa mga kaharap ko. Agad ako dinaluhan ni Ramael at marahan niya akong hinawakan. "Baby..." Tawag niya sa akin. Isang hilaw na ngiti ang umukit sa aking mga labi. "A-ayos lang ako. Medyo pagod lang yata ako." Sagot ko. "May paraan pa para mapalabas ko sila sa mga lungga nila." Lilith stated seriously. Natigilan kaming lahat. Tumingin kami sa kaniya. Nakahalukipkip pa rin siya pero nakatingin siya sa malayo. "Ngayon narito na tayong at paniguradong mamanmanan nila tayo." Naniningkit ang mga mata niya at maya-maya pa ay sumilay ang isang mala-demonyong ngiti sa kaniya mga labi. "Tayo ang target nila, bakit hindi tayo mismo ang lumapit sa kanila? Gawin nating pain ang mga sarili natin?" "S-sigurado ka ba d'yan, Lilith?" Raziel stuttered. "Baka iyan ang ikakapahamak natin." "This is a war. In every war is like a chess. You need to sacrifice to win." S-sacrifice? Papunta na ako sa next class ko—Arts Appreciation nang nakasalubong ko sina Gilly at Meera. Nag-aya sila ng inuman sa isang bar around here in Manila. Pumayag ako dahil kasama ito sa plano ni Lilith. Titingnan daw niya kung ako ba ang pakay ng isa sa mga kalaban. Kung magpapakita ba ito sa akin o hindi. Pero alam ko namang hinding hindi nila ako pababayaan sa oras na magpaparamdaman sa akin si Ceylon o anuman ang gawin niya sa akin. Sobrang tuwa ang dalawa nang nalaman nilang sasama ako kahit ang totoo ay natatakot at kinakabahan ako. So far, wala pa namang ginagawang masama sa akin si Ceylon, maliban nalang sa pagngisi niya na mala-demonyo. Pero alam ko na nababasa ko sa mga mata niya ay tuwang tuwa siya dahil narito na si Lilith. Kaya din siguro wala pa siyang ginagawa sa akin dahil binabantayan ako ng anak ko at ni Lucille. Paniguradong hinding hindi niya ako magagalaw. "Are you sure about this?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ramael. Narito kami sa binabanggit nilang New Place. Naikwento sa amin ni Harlan na dito siya unang nagsanay at tinuruan nina Lilith at Rhys para makipaglaban bago man nila nahanap si Raziel. Malawak ang lugar na ito. Tamang tama nga para magsanay sila. Halos kompleto din ang mga kagamitan nila dito. Nakabihis na din ako para Tumango ako. Binigyan ko siya ng ngiti. "Malaki ang tiwala ko sa plano nina Lilith." Malumanay kong sabi. Pumikit siya ng mariin. "I wish I could turn back into a demon again." He stammered. "Is that possible?" I asked. Nagtataka. "I can bring you back." Rinig naming sabi ni Mystia. She's wearing all black clothes. "I can summon Ramael to be a demon or incubus again. Even Lucille, I can bring her back as a succubus." Kumunot ang noo ni Ramael. "H-how?" Seryoso siyang tiningnan ni Mystia. "I need your blood, Ramael, one of the prince of Hell. And of course, your daughter's blood, Lilith, the chief of staff of Hell." I gasped. S-seryoso ba siya? Magagawa niya iyon? "But I'm warning you, once you're turn to be a demon again, you're nature as a demon will be back. You gotta be harsh again to everyone, even Beth. Sometimes." Huminga siya ng malalim at diretso siyang tumingin sa mga mata ni Ramael. "So... Are you wanna go with it?" "I will."  Eksaktong alas dose ng hating gabi. Madilim ang buong paligid. Tanging mga kandila lang ang nagsisilbing liwanag sa buong lugar. Nasa isang tabi lang kami. Pinapanood namin si Mystia na nasa giltna. She's holding her wand with a chalk at the pointed part. May inuukit siya sa sahig. It's a Satanic Pentagram! Pagktapos niyang iguhit ang naturang pentagram na iyon ay kumuha siya ng punyal pati ng isang ritual offering bowl (daw) na yari sa tanso. May mga lamang pure crystal rock salts at iba pang tuyong halaman. Una niyang nilapitan si Lilith. Nilahad niya ang kaniyang palad kay Mystia. Marahan iyon hinawakan at bigla niyang hiniwa ang palad nito. Rinig ko ang daing ni Lilith. Agad pinapatak ang dugo niya sa offering bowl pagkatapos ay inabutan niya ang anak ng tela para takpan ang sugat niya at para tumigil iyon sa pagdugo.. Sunod naman ay kay Ramael. Ginawa din niya ang tulad ng ginawa niya kay Lilith. Bumuhay ang kaba sa aking dibdib. Napasapo ako sa aking dibdib. Nilapitan ni Mystia ang apoy. Ipinatong niya doon ang offering bowl. Pinalapit niya si Ramael at pinahiga sa pentagram at pinatulog. Nagsindi siya ng pula at itim na kandila. Ipinagtabi niya ang mga iyon sa bandang uluhan ni Ramael. "Isipin mo ang katauhan mo noon, Mr. Black." Aniya bago simulan ang rituwal. Huminga siya nang malalim sabay sabi... "Isis, Astarte, Diana, Hecate, Demeter, Kali, Inanna... In the name of Gods and Goddesses..." Tatlong beses niya iyon binanggit. "Please lend me your power..." Dumapo ang tingin ko sa offering bowl. Kumunot ang noo ko nang paunit-unti iyon umuusok na kulay puti. Mas lalo ako nababahala sa anuman ang mangayari kay Ramael... "Oh, with this blood offering, I summon the Demon Prince, Ramael... I call to you rise so mote it be!" Napayakap ako sa aking sarili nang bigla ako nakaramdam ng hangin. Iginala ko ang aking paningin. "Ramael, the son of Lucifer... One of the Prince of Hell... I summon you up to this earth... I call upon you... I summon you to stand before him... In the body of this human being..." Then she say Ramael's name three times. She extended her arms like she's possessed. "I summon you!" Malakas at mariin niyang sambit. Mas lalo lumakas ang hangin sa paligid namin. Naghihingalo ang apoy sa mga kandila. Mas lalo kumakapal ang usok mula sa offering bowl. Ang mas ikinagulat ko ay nababalutan na iyon na itim na usok! Katulad noong itinaboy ko siya at nang pari. "R-Ram..." Mahinang tawag ko sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata ko nang masaksihan ko ang itim na usok ay bumabalot sa katawan ni Ramael! Napaawang ang bibig ko. A-anong mangyayari...? Maya-maya din ay bahagyang gumalaw si Ramael. Mahina din siyang umungol. "Is he alright?" Nag-aalalang tanong ko. Walang kasiguraduhan kung para kanino ang tanong na iyon. "He well be alright, don't worry, Bethany." Seryosong tugon ni Mystia. Dahan-dahan bumangon si Ramael. Napasapo siya sa kaniyang ulo. He's still in a human form. Pero ang pinagkaiba lang ay may sungay at pakpak na siya ulit! He got also a claw! Napasinghap kami sa aming nakita. Unti-unti siyang tumingin sa kinaroroonan namin. Nagtama ang aming mga mata. Tanda ko pa kung ano ang hitsura niya sa oras na nagiging demonyo siya. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako na ewan. Ngayon ay nagbabalik na ito. Ibig sabihin, nanumbalik na din ang kapangyarihan ni Ramael? "Yes, Bethany..." Biglang sabi ni Ramael. Napasapo ako sa aking bibig. Oh my, he can really read what's on my mind!  ▶▶
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD